"HILING"
Pwede ba ako'ng makahingi ng isang hiling mula sa inyo?
Isang hiling na, hindi naman ganoon kahirap,
Pero hindi rin ganoon kadaling mahanap.Isang hiling na, kung tutuusin ay parang isang hiling ng batang umiiyak
Dahil may gustong ipabili sa ina
Doon sa tindahan ni Aling Mirna.Pwede ba akong makahingi ng isang hiling mula sa inyo?
Bigyan niyo naman ako ng relo.
Oo, tama ang narinig niyo.
Isang relo.Iyong bagay na nagbibigay ng oras,
Iyong bagay na isinasabit natin sa dingding at nagsasabi kung ano oras tayo kakain.
Relo.Bigyan niyo ako ng relo.
Sapagkat gusto kong itulak ang mga kamay nito pabalik, paatras at patalikod.Nang sa gayon ay maibalik ko ang mga oras kung saan ang mga bata ay gustong-gustong naglalaro sa daanan,
Kung saan ang mga kabataan ay naglalaro pa ng habulan,
Pati na ang paborito ko'ng tagu-taguan.Bigyan niyo ako ng relo.
Nang sa gayon ay makabalik ako sa mga panahong masagya pa'ng nagkukwentuhan sa harap ng aming tahanan.
Iyong mga oras na mas gugustuhin ko pang mag laro ng piko kaysa sa matulog ng tanghali na may kasamang palo,
Ang paglalaro ng tumbang preso,
Hindi tulad ngayon na sa gadyet na naka preso.Bigyan niyo ako ng relo!
Nagmamakaawa ako.Dahil hindi ko na kaya pang lingunin ang kapwa kabataan ko na laging nakayuko at panay ang pagtipa sa parihabang hawak nito.
Bigyan niyo ako ng relo!
Sapagkat unti-unti nang nawawalan ng tawanan, hagikgikan at harutan sa daanan
At ngayon ay naplitan na ng mga tawanan, hagikgikan at harutan ng batang magkasintahan.Ang lansangan na naging palaruan ng karamihan hanggang sa magdilim, ngunit ngayon ay tuluyan nang naging madilim.
Ang mga paborito ko'ng laro,
na sa isang iglap ay naglalaho
At malapit nang mapasama sa kwentong baryo.Nagmamakaawa ako! Bigyan niyo na ako ng relo!
Para hindi ko na makita ang mga kabataang nagiging taingang kawali
At maagang gusto kumawala sa pagkakataliNagsusumamo ako! Isang relo.
Isang relo na magpapabalik sa aking sa mga panahong putik at buhangin ang pampaligo ko,
At tsinelas at sinturon ni papa ang tanghalian ko, pero masaya pa rin ako!Hindi tulad sa kasalukuyan
Kung saan pilit ang pagtawa ng kahit sinoman
Panay ang pagluha dahil walang mapagsabihan ng nararamdaman.Isipin niyo, ito ba ang buhay ba dapat pagdaanan ng mga kabataan?
Isang relo.
Isang relo lang pero bakit parang napaka imposibleng makuha ito?
Isang relo lang pero bakit kailangan ko pang magmakaawa at magsumamo?
Sabihin niyo, saan ba ako makakabili ng relo?Nang sa gayon ay manumbalik ang pag-asang unti-unti nang nababaon:
Na ang kabataan ay ang susunod na magiging lakas ng atin bayan.Kaya uulitin ko, pwede ba akong mahingi ng hiling mula sa inyo?
AM_BYY
YOU ARE READING
Thoughts
PoetryCollection of letters, words and sentences that can lacerate your feelings and describe my thoughts. What an AM_BYY usually thinks?