Balintataw

3 0 0
                                    



Kasalanan ba ang lumisan
Sa mundong labis kang sinasaktan?
Kasalanan ba ang pagnanais umalis,
Kung lahat sila'y inaalis ang iyong bagwis?

Hindi maiwasan ang pagluha,
Lalo na kapag natutulala.
Kailan ba ako makakawala
Sa mga taong ubod ng palamara?

Aalis ang araw
Darating ang buwan
Isa ba ito sa aking balintataw
Upang mga luha ko'y tumahan?

Nais kong maging bula
At tuluyan nang mawala
Maaari bang kumawala
Para makamit ang matagal nang inaadhika?

Paglisan ang kasagutan
Sa lahat ng kalungkitan
Kaya sa mga magiliw kong kaibigan
Ito'y paalam na ng tuluyan.

————
SKL.

Ginamit ko ang tulang "Balintataw" para i-represent ang aming org sa ginanap na Gawad Aninag nitong Agosto sa loob ng aming paaralan, at hindi ko inaasahang makakatanggap  ito ng ikatlong gantimpala 💕 Yun lang hehe

AM_BYY

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ThoughtsWhere stories live. Discover now