Unang Pahina

18 1 0
                                    

UNANG PAHINA

"Ayoko ngang sumama." tanggi nito kay Kyle, isa sa barkada nya. Tumayo ito at binangga ang braso ni Lewis. Tumaas ang kilay nya na tiningnan ang apat na lalaki na nasa harap nya. Si Kyle, Lewis, Gray at West. Mga barkada niya. At niyayaya nila ang buong barkada na mag road escapade. Sad to say sya na lang ang hindi uma agree sakanila.

"Hayley naman oh. Pakisama lang oh" ani ni Lewis. Napairap naman ang dalaga.

"Kaylangan talaga magkakasama kayo para pilitin akong sumama ano?" pagsusungit nito sa apat na gwapong lalaki.

"Hayley, pag di ka sumama, hindi sasama sila Chelsey. Maawa ka naman sakin." pagpipilit ni Lewis.

"Ano namang kinalaman ko sa pag di niya pagsama pag umayaw ako?" pagsusungit pa din ni Hayley.

"Kasi nga gusto nang ibang girls kompleto kayo. Hindi mo ba nagegets ha? Matalino ka naman eh, bakit di mo magets?" inis na sabad ni Gray.

"Sabi na ngang ayokong sumama. Malapit na ang finals okay? Malapit na din ang defense ko. Mag rereview ako this coming sem break." paliwanag ni Hayley.

"After sembreak pa ang defense, Hayley." angil ni Lewis.

"Wag na natin syang pilitin kung ayaw nya. Besides, we can all go naman even without girls." sabad ni West. Napatingin sakanya ang tatlong lalaki.

"Wag naman ganon, pre. It's my chance to get closer with Chelsey." reklamo ni Lewis.

"Oo nga. Tsaka may usapan na kami nang MOMOL ni Raven." ani ni Kyle. Nabatukan naman sya ni Hayley na di napigilan na matawa sa sinabi nyang MOMOL.

"Tsaka pre, gusto ko sila makitang naka bikini. Pinag uusapan nila yun nung sinabi natin yung escapade na to." dugtong ni Gray.

"Ang bababoy nyo." tawang tawa si Hayley sa mga kaibigan. Mga tigang kasi ang mga yon dahil nga sa barkada nila nandon lahat ang hot, sexy at dyosang babae na sikat sa uni nila. Although pati naman ang mga boys ay sikat sa uni dahil napaka perfect nang mga mukha nang mga iyon.

At ang mag boys ay very open kay Hayley dahil one of the boys ang tingin nila sa dalaga dahil may pagka boyish ito kesa sa apat na chicks na pinagkakatigangan nang tatlong boys.

Tatlo except kay West. Ilang sya sa limang babae. Kahit part nang grupo si West hindi sya close sa limang dyosang babae.

"Ewan ko sainyo." wika ni West na mukhang napikon na sa usapan at nag walk out na lang.

"May regla na naman yung lalaki na yon." naiiling na wika ni Hayley. Nagtawanan naman yung tatlong kamote.

"Sama ka na please. Maawa ka naman samin. Tagal na since di kami nakapag release." pangungumbinsi ni Kyle. Natatawa na namn si Hayley.

Actually, sasama naman talaga sya. Gusto nya lang iprank yung mga boys at naka voice record pa ito. Kaya natatawa talaga si Hayley. Siguradong magwawala ang ibang dyosa pag narinig ang voice record nila.

"Ang baboy nyo talaga." natatawang saad ni Hayley pagkatapos at bumunghalit na sya nang tawa. Paano bigla nyang pinlay yung voice recorder at narinig nang tatlo yung mga pinagsasabi nila. Tawa nang tawa si Hayley habang tumatakbo dahil hinahabol sya nang tatlo nyang kaibigan.

SITIO NAPILDIWhere stories live. Discover now