Napatingin si Chelsey at Raven sa binatang nag ddrive. They were ogling their eyes off dahil sa kakisigan nang nagpakilalang pinsan ni West.
"So, what was your full name Jiro?" malanding tanong ni Chelsey. Napakunot naman ang noo ni Lewis na nakaupo sa bandang likuran at katabi sila Gray. Nang makita kasi ni Chelsey at Raven ang gwapong pinsan ni West ay agad nag unahan ang dalawa na pumwesto sa may likuran nang driver. Natatawang sumunod sila Quinn, Hayley at Gwen kaya no choice sila Lewis, Kyle at Gray na umupo sa likuran.
"Just Jiro." nakangiting sagot nito kahit hindi tumingin sa nagtanong.
"So Jiro, may girlfriend ka?" landi naman ni Raven.
"Pshhhh." Kyle smirked at narinig naman yun nila Quinn at agad siniko si Raven.
"What? I'm just having a conversation. Wala namang masama magtanong. Besides I'm single. Right, Kyle?" ingos nito sa nagmumukmok na binata sa likod. Bahagyang umirap lang si Kyle.
"Sabi mo eh." mapait na sagot ni Kyle.
Napa rolled eyes naman si Gwen. At agad nag google map nang destination nila. Si Hayley naman ay agad kinuha ang ipad at neck pillow nya dahil madilim pa nang umalis sila.
Bahagya namang bumulong si Gray sa dalawang binata na katabi sa upuan.
"So wala na kayong MOMOL time tol. Nilalandi na nila yung pinsan ni West eh." mahina lang pagkakasabi nya sa dalawa. Halata ang pagka irita ni Lewis sa sinabi ni Gray.
"Bakit kasi sinama pa ni West yang bwisit na lalaki na yan?" gigil na usal nito.
" Eh yan daw kasi ang may kabisado nang daan. Tsaka yan ata may ari nitong van. Spare driver daw sabi ni West." depensa ni Gray.
"We could be the spare driver. Or ikaw Gray. Wala ka namang ka momol eh." bwiset na sagot ni Kyle. Napa kunot naman ang noo ni Gray.
"Sira ulo ka din eh noh? Buti nga sainyo, wala na DIN kayong ka momol." asar na sagot nito kay Kyle. Di na lang nagsalita si Kyle dahil bwiset na bwiset talaga sya sa nangyari. Ang plano pa naman nya ay hihilahin nya si Raven sa pinaka dulong bahagi nang van at doon na nya sisimulang kapain ang dalaga. Yun nga lang, nang makita nung dalawang dalaga ang pinsan ni West ay nag iba ang ihip nang hangin.
Sa kabilang banda, batid din naman ni Jiro na parang nabwisit sakanya ang dalawang binata na nasa huli. Nang magkitakita kasi sila sa meeting place at pinakilala sya nang pinsan nya sa barkada neto ay agad nagpakita nang motibo yung dalawang dalaga na nakaupo na sa may likuran nya.
Sanay naman sya sa mga ganoong sitwasyon. Hindi sa pagmamayabang ay talaga namang habulin sya nang mga babae. Lalo na pag ngumiti sya at lumabas ang dimple nya sa may gilid nang labi ay talaga namang nababaliw na ang mga babae sakanya. Ayaw nya lang din magkaroon nang misunderstanding dahil barkada ito nang pinsan nya at super close sila.
Kahit papaano ay di din naman mapagkakaila ni Jiro na magaganda ang kaibigan nang pinsan nya. Lalo na yung isang babae na may neck pillow at nakaheadset. Sobrang ganda neto kahit mukhang boyish. Nagulat sya nang magtama ang mata nila sa salamin. Agad syang nagbaba nang tingin at napalingon kay West na mataman nang nakatingin sakanya.
"Pag dating nang Pangasinan ako na ang magddrive." Ani nito sakanya. Tumango lang sya nang bahagya at itinuon na sa kalsada ang paningin. Ayaw nyang madistract sa pag ddrive dahil sa pagtingin kay Hayley.
Lumipas ang anim na oras, si West na ang nag ddrive at naiinis naman si Chelsey dahil nasa kabilang side na si Jiro. Pero ayos lang din dahil nakikipag kwentuhan na ang binata.
"Oh my gosh, your so cool pala talaga, Jiro. Ang swerte naman nang magiging girlfriend mo." kilig na wika ni Chelsey. Medyo nahiya naman si Jiro sa sinabi nung dalaga dahil alam nyang nakikinig din ang mga binata sa hulihan.
"Ahh. Di naman. W-Wala pa kasi sa isip ko yon. Kaya... Ayon.. haha." awkward nyang sagot na may kasama pang kamot sa ulo. Medyo napatawa naman si West sa sinabi nang pinsan. Alam kasi nya na habulin talaga ang pinsan nya. Minsan kapag natipuhan ni Jiro ay pinapatulan nya, kaso hanggang kama nga lang. Di nya alam kung ayaw lang ni Jiro nang seryosohan o may hinihintay lang dumting ang pinsan kaya wala pang pinapakilala sakanila na girlfriend.
"By the way baka may makita kayo na pwede nating kainan for breakfast mag 6:30 na din. We can pull over to have a breaky right?" putol ni Gwen sa malalandi nyang kaibigan na simula pa kaninang madaling araw ay wala nang inatupag kundi landiin ang pinsan ni West.
"Ohh yahh. I got that. May madadaanan tayo na masarap ang mga tapsi." Sagot ni West dito.
"Tapsi?? Maybe we can pull over to fast food for breakfast?" maarteng suhesyon ni Raven.
"Ang arte mo talaga. Masarap kaya tapsi." wika naman ni Quinn. Umirap naman si Raven.
"My gosh. Look at me, babe, ang ganda ganda ko tapos, Tapsi lang ipapakain mo sakin. And besides I don't like Tapsi." maarte nitong sagot. Napa eye rolled lang si Quinn at Gwen habang si Hayley ay natatawa sa sinabi nang kaibigan.
"Can I order some pa?" maarteng tanong ni Raven na nakakain nang dalawang order nang Tapsi. Tatawa tawa naman sila Quinn dahil kanina ay aayaw ayaw pa sya. Si Raven lang kasi talaga ang maarte pgdating sa pagkain. Di sya kumakain nang pag kain na alam nyang mas popular sa mahihirap.
"Di daw kumakain nang tapsi. Eh nakaipang order na." napapailing na wika ni Quinn. Agad naman syang sinaway si Hayley na tumatawa.
"Baka mabalis baliw ka." natatawang bulong ni Hayley kay Quinn. Nagtatawanan at pareparehas na busog ang magkakaibigan nang muling umakyat sa sasakyan. Nag take out na lang si Raven nang tapsi na ngayon ay ulitimate favorite na daw nya. Sandamakmak na pambubully naman ang ginawa ni Quinn sa kaibigan dahil sa kaartehan kanina yun naman pala ay kakain nang madami.
Nag jumble nang upo si Hayley, Quinn at Gwen. Pinag usapan nila ang dalawang kaibigang babae na biglang hindi pinansin ang mga kalandian nila na sina Kyle at Lewis kaya silang tatlo ang umupo sa likuran. Hinayaan nilang magtabi sila Raven, Kyle, Chelsey, Lewis at Gray. Napilitan naman ang dalawang dalaga dahil naunang pumasok ang tatlong dalaga dahilan para maging katabi ang mga kalandian nila.
Napabungisngis pa si Quinn dahil biglang tumahimik ang dalawang dalaga.
"Napipi bigla." bulong nito kay Hayley at Gwen. Napailing na lang si Gwen sa kaibigan.
"Hayaan nyo sila. Malalandi kase." ismid nito at nagtinging ulit sa google map nya.
"Pero infairness gwapo yung pinsan ni West ano?" ani ni Quinn. Napatingin naman si Hayley kay Jiro kahit one side lang ang nakikita nya dahil nakaharap ito sa daan.
"Hmmm.. infairness nga." wala sa loob na sang ayon ni Hayley. Napatingin naman sakanya ang di makapaniwalang si Gwen at nakipag apir pa sa natatawang si Quinn. Umismid naman si Hayley sa dalawa.
"Parang mga sira." aniya at nagkalkal ulit sa spotify nya.
"Nakakatawa lang bes. First time ka humanga sa lalaki. Akala ko nga tomboy ka eh." natatawang sagot ni Gwen. Umingos lang si Hayley tanda nang pagka badtrip sa pang aasar nang dalawa.
Patuloy pa rin syang inaasar nang dalawang kaibigan nang biglang tumigil ang sasakyan....
SA ISANG MASUKAL NA DAAN......
ITUTULOY......
YOU ARE READING
SITIO NAPILDI
TerrorIsang liblib na lugar, grupo nang magkakabarkada, isang aksidente, isang insidente, isang magandang babae. Deja Vu. Masasabi mo pa kaya ang katagang yon kung isa isa nang nawawala ang mga kasama mo? Lalisa Manoban as Hayley Park Chae Young as Gwen H...