Baka naman, sa susunod na habang buhay.
Vincent Liam's POV
Senior Highschool na ako nang napag-desisyunan ng magulang ko na ilipat ako sa Ford High.
New school, means new environment. And especially, new friends. New people.
Bagong mga tao nanaman ang makakasalamuha ko dahil sa paglipat ko na ito. Mas okay pa ako sa dati kong school dahil marami akong kaibigan doon. Habang dito? Ewan ko nalang.
Kinakabahan akong sumusunod kay Ms. Dela Fuente, ang aming class adviser na balita ko'y naging class adviser na rin ng mga magiging classmate ko last school year.
"Good Morning, class!" bati ni Miss.
Bumati naman pabalik ang mga panibagong mukha na nakikita ko.
So, eto ang mga kaklase ko, huh?
"Okay Fidelity, mukhang wala namang nagbago sa inyo at kayo-kayo parin ang magkakaklase. But, my good news is that, may bago kayong kaklase. Can you please introduce yourself?" Tanong ni Miss sa akin dahilang napatingin rin sa akin ang lahat.
"U-uhm Hi! I am Vincent Liam Monjardo. You can call me Vincent or Liam. But people usually call me Liam. Pero, kayo bahala kung saan kayo mas komportable tawagin ako. " Taas noo akong ngumiti sa kanilang lahat para hindi halatang kinakabahan ako.
"I am currently 17 years old. I like to play the guitar and bass. I hope I can be friends with you all." Ngiti ko sa kanila.
"Fidelity, I hope you will all treat Mr. Monjardo just like how you treat each other. Is that clear?" Tanong ni Ms. Dela Fuente.
"Yes Ma'am!"
Itinuro sa akin ni Miss ang isang bakanteng upuan katabi ng isang babae.
Habang naglalakad ako patungo sa iginayang upuan, hindi ko napigilang makipag-tinginan rin sa mga bago kong mga kaklase na tinitingnan ako. Nginingitian ko nalang sila para hindi mag-mukhang snob.
"Okay class, just like the usual. Kung saan kayo nakaupo ngayon ay magiging permanent seating arrangement niyo. And since mga Senior High na kayo, kung sino na ang seatmate niyo ay siyang magiging partner niyo sa lahat school projects niyo."
"Ma'am! Pati po ba sa research?" Tanong ng isang babaeng may maiklif buhok na naka upo sa may first row.
"Yes, pati sa research." Sagot ni Miss.
"Okay, since it's your first day of Senior High, expected na na marami ang magiging changes. Paalala ko lang, wala na kayo sa Junior High so expect na some teachers will be stricter than you thought. Okay, so let's proceed by firat letting me explain your grading system for this School Year." Ipinagpatuloy ni Miss.
Habang nag-eexplain si Miss at tine-take down ang mga sinusulat niya sa board, kinalabit ako ng babaeng katabi ko.
"Hi! My name is Ariabella Isabelle Tan. People call me Sab, pero ikaw bahala kung ano gusto mo itawag sa akin. Oh, gaya gaya lang ng introduction, noh? Anyways, nice to meet you!" bati niya at inilahad ang kamay niya.
"Uhm nice to meet you too" Sabay tanggap ng kamay niya.
"So mahilig ka mag-play ng guitar and bass?" Tanong niya.
"Uh oo eh. Ikaw ba?"
"Not really into playing instruments. Pero mahilig ako sa mga OPM bands like Ben&Ben, IVoS, and such. Ikaw ba?"
"I also like those bands. Pero recently, I am more on listening to songs of Ben&Ben" Sagot ko sa kanya habang pabalik balik ang tingin sa aking notebook at board para walang ma-miss na sulat.