Saturday Night,
My favorite night of the week. It's just that I really love going out with my friends. We do this once a week kaya okay lang naman siguro 'to.
"Trix, everything's set. Ikaw na lang hinihintay!" wika ni Aicelle, just sneaking on the door.
Bestfriend ko nga pala si Aicelle Alevar. Siya ang pinakatahimik sa bar, pero pag nabuhay ang katawang lupa niyan, sabog ang mga eardrums namin.
"Oo, susunod nako promise. 5 minutes." sagot ko naman.
Ako nga pala si Trixie Dale, ang pinakamaganda sa grupo. Just kidding. Pero siguro naman maganda rin ako. My friends told me so and marami rin namang nagkakagusto saken. Maganda rin naman si ate Devi, sabi kasi ni Yaya Fe, we looked exactly alike na para raw kaming kambal.
K inuha ko na ang purse ko sa table at bumaba na. Ready na nga pala talaga sila, at kanina pa nag-aantay saken sa van. Van ni Harry ang gamit namin. I have my own car but I prefer to go with them. It's just really different riding with them than to be all by myself.
Tinatawag naming sponsor si Harry sa sobrang yaman niya, tatlo silang lalaki sa group namin at siya ang pinakamabait. Hindi naman sa sinasabi kong hindi mabait yung iba. May panlaban rin si Harry sa mukha at matipuno rin ang katawan niya. Lagi ngang nagseselos ang girlfriend niya dahil sa dami ng babaeng lumalapit kay sa kanya.
Ang dalawa pang lalaki ang ay ang kambal na parehong gwapo, si Tim at Drake. Mas close ako kay Drake, Dray nga pala tawag ko sa kanya. Sweet kasi si Dray while si Tim naman ang silent type. Gusto ko yung nangungulit saken si Dray, tapos ngingiti siya habang nakatingin saken, tatawagin niya akong babe, tapos ipi-pinch niya yung cheeks ko.
Pumasok na agad ako sa van, nasa left window side si Dray habang nasa right window side naman si Aicelle, ako naman ang nasa gitna nilang dalawa. Nasa harap namin si Tim, Andrea at Lyndsay. Habang nagmamaneho naman si Harry na nasa tabi ni Kelly, girlfriend niya.
Si Andrea at Lyndsay naman, nakilala namin sa bar, hanggang naging close na rin kami sa kanilang dalawa.
Natutulog si Aicelle at Dray, and they were both resting their heads on my poor shoulder. I can't imagine how they can sleep on a car! Hindi ko kasi kayang matulog sa lugar na lumilindol.
Harry suddenly stepped on the breaks. The two hit their heads on the front seat at natawa na lang ako sa dalawa. Agad namang inabot ni Dray ang cheeks ko at pinisil iyon,
"Aww!.. Bitawan mo na Dray! Please." Mangiyak-ngiyak nako sa sobrang sakit ng pagkakapisil niya. Hilig talaga ni Dray na gawin saken yun, and I miss when he doesn't do it.
"Oh, Sorry sorry" binitawan niya na ang cheeks kong namumula na sa sobrang sakit. Hindi ko naman mapigilang mapaluha. At bigla naman siyang napaseryoso ng makita niyang umiiyak ako. Ngayon niya lang kasi ako napa-iyak sa pagkakapisil niya sa pisngi ko.
"Sorry. Oh shit! Don't cry please, I don't know what to do" kinuha niya ang panyo niya at ipinahid iyon sa pisngi ko.