7:30AM
I can't believe I actually woke up late, it's the first day of class! kinakausap na ni Eunice ang sarili niya, habang natataranta.
Eighteen years old si Eunice, at third year college student sa University of Rio Hondo, sa kursong Medical Technology. Hindi na bago sa kanya ang ganitong klase ng sitwasyon. Sanay na siyang umalis ng bahay just thirty minutes before class. Nasa daan lang kasi ang tinitirhan niya, and usually a jeepney ride takes about 15 minutes only, but this case was different. It's the first day of class, and the ride takes longer than usual. So, she's racing against the clock.
Matapos makapagbihis at ayusin ang buhok, ay agad nang tumakbo si Eunice palabas ng bahay at saka pumara ng masasakyan.
Nararamdaman niyang medyo masikip na sa loob ng sinasakyan, kaya naman pansin niya ang katabing lalaking tila gumagawa ng paraan upang hindi siya gaanong mahirapan ngunit di inaasahang medyo magkatulakan sa kaliwang banda niya, kaya't medyo nagkalapit ang mga balat nila at napalingon sila sa isa't-isa. Ilang pulgada na lang ata at magkakahalikan na sila at hindi maganda iyon. Pareho yata sila ng naiisip kaya't sabay silang ngumiti at yumuko. Sa pagyuko niyang iyon ay hindi sinasadyang mabasa niya ang ID nito. Kevin, Kevin ang pangalan ng lalaking iyon and they had the same course and university.
Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili sila sa ganoong posisyon,
"Para po" wika nito. Napalingon si Eunice kay Kevin, at ito naman sa kanya. Tila sinenyasan siya nito ng tanong kung bababa ba ito, at nakuha niya naman iyon kaya't agad rin siyang bumaba sa sinasakyan at sumunod ito.
Ngayon ay mas nasilayan ni Eunice ang mukha nito. May hitsura ito at may katangkaran. He was neat and clean, mapupungay ang mga mata, may matangos na ilong at mapupula't nakaka-akit na labi. Sa tangkad niya mukhang nasa 3rd year na siya, ngunit hindi pa ito nakikita o naging kaklase ni Eunice sa dalawang taong lumipas sa pag-aaral niya, she thought he might be a senior.
Sabay nilang narinig ang pagtunog ng bell na sabay naman nilang ikinatakbo't ikinataranta. Minalas nga naman si Eunice at nasa ika-anim na palapag pa ang kanyang klase at dahil walang elevator roon, ay kailangan niyang dumaan sa hagdan.
She almost collapsed reaching the 6th floor. Kita niya na ngayon ang numero ng mga silid, at naglalakad siya habang binabasa ang mga nakasulat na numerong iyon.
603,
604,
605,
606,
607,
608 at,
Agad niyang inabot ang doorknob at may nakasabay siya sa paghawak non. Napalingon siya at alam niyang iyon ang lalaking nakasabay niya kanina lang, si Kevin.
"Oh, hey!" bati nito kasabay ng isang matamis na ngiti. Agad naman nitong binuksan ang pinto para sa kanya kaya't tanging ngiti na lang rin ang nasukli niya at pumasok na.
![](https://img.wattpad.com/cover/2278129-288-k960779.jpg)