II.

24 2 0
                                    

********

Isang Linggo.

Dalawang Linggo.

Tatlong Linggo.

Isang buwan.

Hala ka! Anong problema ng mga 'to? Bakit hindi na naman sila nagpaparamdam sa akin? Yung movie marathon na nga yung pinakahuli naming pagkikita e. Ni hindi na naman sila nagtetext, nagmemessage sa FB. Ni hindi ko rin sila nakikita sa school. Ilang beses ko na nga silang tinext e. Ilang beses ko na rin tinawagan. Naiinis na ako ha. Hindi ko alam kung ako ba yung busy o sila e.

1 New Text Message

From: HeartHeart

Love.. Kita-kita tayo sa food court sa mall. Ingat!

Wow! Ganito talaga sila manggulat? Matapos nilang hindi magparamdam ng isang buwan? Ibabalita ko pa namans a kanila na maayos na ako. Succesful kasi yung naging operation sa puso ko tapos parang wala silang pakialam. Tapos ngayon magyayaya sila. Ngayong badtrip ako dahil sa di makatarungang grade na natanggap ko. Gusto ko na lang sana umuwi ng maaga e. Okay. Sige. Kalma muna Love. Pumunta ka na lang dahil alam ko namang miss mo lang sila kaya ganyan ka. Kalma. Whoo!

**********

"Love! Andito kami!" Tawag sa akin ni Heart nang mapansin niyang hinahanap ko sila.

Ngumiti lang ako, na alam kong isang mapait na ngiti, at naglakad na papalapit sa kanila.

"Ang tagal niyo namang di nagparamdam." Bungad ko sa kanila pagkaupong-pagkaupo ko.

Napayuko naman si Kiss. Kaya nabaling sa kanya yung atensyon ko.  At napansin kong grabe yung pinayat niya.

"Kiss.. Nagdadiet ka ba? Anong ginawa mo at ganyan ka kapa—"

"Ahh.. Oo.. Love! Sabi ko nga sa kanya e. Wag nang magdiet e! Baliw talaga!" Pagputol naman ni Heart sa sasabihin ko.

"Tss. Sabi ko naman sa'yo ingatan mo yung sarili mo! Kiss naman e. Payat ka na! Tama na yung katawan mo dati.. Bakit kailangang.. Tss.. Kiss naman e.."

Umiral na naman ang mother-side ko kaya nakalimutan ko yung tampo ko sa kanila.

"Mag-order na nga tayo.. Tara Heart.. Bilihan natin yan ng Lumpiang Sariwa para kainin niya yung gulay.."

"Sige Love.. Kayo na lang muna dyan.. Ako ng bibili ng kakainin natin.. Ikaw? Ano sa'yo?"

"Uhmm.. Hawaiian Pizza o kaya Chicken Macaroni Salad.."

"Ok." Saka mabilis na umalis si Heart.

"Hala—" sisingit pa sana si Kiss kaya inunahan ko na.

"Tumigil ka.. Ikaw ang dapat kumain ng masusustansyang pagkain.. Para bumalik yung dati mong katawan.. Ang payat mo na nga nun, nagdiet diet ka pa.. Hindi ka ba natutuwa na binigyan ka ng ganung katawan at hindi ka ginawang obese? Naku Kiss sisipain talaga kita e! Sabi ko sayo.. Ingatan mo yung sarili mo! Kumain ka na ng marami ha.. Pag di mo talaga kinain yun, susubuan ka talaga namin hanggamg sa maubos mo lahat yung gulay nun!"

"Haay nako.. Ang daya.. Diba may sakit ka rin sa puso?"

"Magaling na ako.. Yun nga sana ibabalita ko kaso di naman kayo nagpaparamdam.. Teka.. Bakit rin? May iba pa bang may sakit sa puso?"

"H-Ha? A-Ano—"

"Here's the food!" Napalingon ako sa likod ko dahil sa pagsigaw ni Heart habang hawak-hawak yung tray. Tumayo naman ako para tulungan siya.

TATLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon