Author's Kadaldalan:
Isang mapagpalang araw sa inyo, readers! *smiles* Nais ko lamang sanang ipabatid sa mga besprens ko dyan na ang kwentong ito ay hindi ko nanaising mangyari sa ni isa man sa atin. Ito ay bunga lamang ng napakalikot kong imahinasyon, madramang pag-iisip at papansin na utak (kung meron man). *Tawa* Natatakot kasi akong pag pinost ko ang istoryang 'to, baka mamisunderstand. Promise, mga KaDyothath, Pitchie, Kambal, Meow, Balsi, BERKS at sa iba ko pang naging friendadudz, hindi ko talaga ito isinulat para takutin ko kayo, bunga lang ito ng 'What-ifs' ko. *Smiles* Kaya sana wag niyong damdamin kung ganito ang kinahinatnan. Mahal ko kayo KaDyothath, Pitchie, Kambal, Meow, Balsi at sa iba pa.. Sana suportahan niyo itong story kahit na short story lang siya. Hihi! Ayun lang.. I love you, Gals! Pakiss nga! Mu-wah. Mu-wah! Tsi-yup! Tsi-yup! :3
Sincerely Loving you,
Ang napakaPoging Kimmie ^^
***********
"Tatlo"
written by: kimmiebeeee
***********
Sabi nila malas daw pag nagpapicture ang tatlo, mamamatay daw yung nasa gitna.
Pangit din daw pag tatlo ang magkakasama, hindi magiging patas ang lahat ng bagay.
Malas lalo na pag bibili kayo sa Buy 1 Take 1.. may isang gagastos ng malaki.
Malas din daw pag naglalakad na magkakahilera sa sidewalk yung tatlo, mamamatay yung nasa tabi ng kalsada, baka masagasaan.
Malas rin pag pinaggroupings ng teacher into two, kailangan may magparaya.
Pero hindi kami naniniwalang magkakaibigan diyan.
Tatlo kami pero kaya namin balansehin lahat ng bagay. Pagdating sa paghahati-hati, walang pinoproblema. Bakit naman kasi kayo pipili sa mga bagay na alam niyo namang hindi pantatluhan? Diba?
Ewan ko. Basta ako, wala akong problema sa bestfriends ko. We know how to get our parts equally. At dahil sa hindi masira-sira naming relation, hindi ko na maikakailang isa itong tunay na Destiny.. Awwww...
Bata pa lang kasi kami nung magkakilakilala kaming tatlo. Pare-pareho kaming nawala sa mall nun at nagtagpo-tagpo sa event center ng mall. Isa sa amin ang umupo dahil napapagod na sa kakaiyak. Syempre gumaya kaming dalawang nakatayo dahil tama nga naman siya, nakakapagod umiyak. At dahil, inaantok na ako nun, humiga ako sa sahig, to think na tiles yun at malamig sa mall, napakacomfortable matulog dun. Dahil gaya-gaya yung dalawa, nahiga rin sila at ginaya yung posisyon ko na nakabukaka at nakaspread din ang arms ko. Sinubukan ko kung gagayahin pa nila ako kaya habang nakahiga ako sa ganoong posisyon, iginalaw-galaw ko yung mga kamay at binti ko na parang gumagawa ng snow angel. And dahil gaya-gaya talaga sila, they did what I did. And doon na nag-umpisa ang friendship naming tatlo.
Nalaman naming pare-pareho lang kami ng subdivision kaya naging close at partners pa sa business yung mga parents namin. Pare-pareho rin kami ng pinag-aralang school nung high school at nung college.
Nagkakasundo kami sa napakadaming bagay lalo na ang pagiging rakista namin at sa Idol naming...
"Paramoooore!" sabay-sabay naming sigaw ng madistinguish naming tatlo ang tugtog na bigla na lang pinatugtog sa food court ng mall.
♪Think of me when you're
out when you're out there
I'll beg you nice from my knees

BINABASA MO ANG
TATLO
Fiksyen RemajaMahirap magsimula lalo na kung kulang ka.. Mahirap magsimula lalo na kung di mo alam kung saan mag-uumpisa.. Pero pag nalaman mo na ang tamang oras na dapat ka nang mag-umpisa, wag mo nang sasayangin pa. Dahil lahat ng bagay na may simula, may hangg...