Song # 2: Sa Kanya

2 0 0
                                    


Ako si calista , cali for short .
Single yet heartbroken for almost 5 years .




May minahal kasi ako noon . Na mahal na mahal ko parin ngayon .




Si franco , perfect boyfriend kung ituring . Maalaga , sweet , full of surprises . Full package na kumbaga .




Perfect na sana eh . Kaso , bumalik yung babaeng sobrang minahal niya . At gusto pa siyang balikan .






Nag makaawa ako sa kanya na wag niya na kaming guluhin . Masaya na kami eh . Mahal na namin ang isat isa .


Ginawa niya naman . Lumayo siya . Pero ayun yung pinaka maling ginawa ko . Nalaman ni franco .




Nag simula siyang manlamig . Lagi niya akong sinusumbatan .
Di natatapos ang araw na di kami nag aaway .
Nagawa niya na kong pag buhatan ng kamay .




Lahat yung tiniis ko . Lahat yun tinanggap ko . Alam kong mahal niya ko . Di niya ko matitiis . Kaso yun ang akala ko .





"tapusin na natin to ! Di mo ba nakikita ? Sinusuka ka na ng sistema ko . Sorry cali pero mahal na mahal ko parin siya ! Sa ginawa mo mas lalo ko lang na patunayan sa sarili ko na siya parin talaga ! Please ! Pakawalan mo na ko ! Cali ! "



Ayan yung sinabi ni franco na dumurog sakin ng husto . Yung mga sinabi niya na dumudurog parin sakin hanggang ngayon .


Bakit ? Di ba ako naging sapat ? Nag kulang ba ko ?




Ginawa ko naman lahat para ako yung piliin niya pero bakit siya parin ? Bakit ang sakit sakit ? Bakit di nalang ako ?


Ako naman yung nandito nung dinurog niya si franco eh . Ako naman yung pumuno ng pag mamahal na sinayang niya .


Masaya na kami eh ! Bakit bumalik pa siya ? Bakit binawi niya pa yung kasiyahan ko ? Wala na ba akong karapatan sumaya ?






Oo na tanga na kung tanga . Pero kung sakaling iwan siya ulit handa akong tanggapin siya ulit . Kasi hanggang ngayon siya parin .







Umaasa parin ako , nag hihintay kahit pa alam kong ikakasal na sila bukas .

The Heartbreak Playlist (story compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon