Ako si jana . Nag mahal ng lalaking may asawa na .Hindi ko alam eh . Ang galing kasing mag tago . Kaya pala di siya pwedeng tawagan pag nakauwi na siya .
Kaya pala di siya nag papatag ng picture sa facebook pag magkasama kami .
Kaya pala di niya ko pinapakilala sa kamag anak niya .
Kaya pala wala siyang picture ko sa phone niya . At wala rin akong access sa phone niya .
Akala ko normal lang yun sa bago palang .
Akala ko lang pala . Matagal niya na daw akong gusto eh . Matagal niya na daw ako sinusundan ng tingin .
"jana !diba boyfriend mo si kurt ? Nakita ko siya kahapon may kasamang babae at bata ." sabi sakin ng katrabaho ko isang araw .
" baka kamag anak niya " sagot ko
" kamag anak ba yun ? Eh magka holding hands tas nag susubuan pa . Mukhang kanya din yung bata kasi kalong niya tas narinig ko pang tinawag siyang daddy" sabi pa niya .
Ako si tanga di parin na niwala . Hanggang sa ako na mismo nakakita .
Di ko naman inasahan . Nag dinner ako sa restaurant dahil kakatapos lang ng meeting ko with the client . Andun ako sa tagong sulok dahil gusto kong kumain at peace pero yung side ko eh kita ang entrance . Bali nakatalikod ako sa entrance pero yung partition ng restaurant eh mirror kaya kita ko kung sino yung mga napasok .
Di ko inaasahan na makikita ko si kurt . At may kasamang magandang babae . Morena , mahaba buhok , mala model ang katawan at tangkad at classy manamit . May buhat pa siyang batang babae na siguro nasa 3 or 4 years old . Habang inaalalayan niya yung babae umupo, tumakbo yung bata pagka lapag niya papunta sa side ko .
"courtney come here ! " tawag ni kurt sa bata .
"Im gonna wash my hands dad ! " sagot ng bata kay kurt .
" mommy will accompany you . Ok?" sabi ni kurt kasabay ng pag tayo ng babae kanina .
Di ko alam magiging reaction ko . Di ko alam kung anong gagawin ko basta iniwan ko nalang yung upuan ko at yung bayad ko sabay tayo .
Nakita ko yung gulat sa mata ni kurt nung nakita niya ko sabay tingin sa likod ko . Tinignan ata kung nandun pa yung kasama niya . Nung nasiguradong wala . Sinubukan niyang lapitan ako . Pero mabilis akong umiwas at lumabas . Pero nasundan niya ko .
"jana let me explain " habol niya sakin
" ano pa kurt ieexplain mo ? Nakita ng dalawang mata ko ! May pamilya ka ! May asawa at anak ! Ano pang sasabihin mo para mabilog na naman yung ulo ko ? Huh ? " I spat at him .
" jana please hear me out. Yes Im married pero ikaw yung mahal ko !" sabi niya habang pilit akong hinahawakan .
Nag pupumiglas ako habang umiiyak. Pinag susuntok ko siya sa dibdib . Ang sakit ! May nasisira na pala akong pamilya ng di ko alam . May naaagaw na pala akong ama sa bata gaya ng ginawa samin ng kabit ni papa ng di ko alam .
" kurt ! Naririnig mo ba sarili mo ? May pamilya ka ! Kasal ka ! Gagawin mo pa kong kabit walangya ka ! . Ayoko na tapusin na natin toh please ! Ayokong makasakit ! " pag mamakaawa ko sa kanya .
" jana wag mo naman gawin sakin toh ! Mahal na mahal kita ! "
" ito ang wag mo gawin sakin kurt ! Ayokong makasira ng pamilya kaya utang na loob ! Tama na ! " sabi ko sa kanya sabay talikod at takbo papunta sa sasakyan ko sabay harurot paalis doon . Paalis kay kurt .
Pag uwi ko binuhos ko lahat ng sakit at luha .
Tinapos ko na kahit masakit . Kasi ayun yung tama . Patuloy lang sa buhay . Di na ko babalik . Dahil ayun yung tama .
BINABASA MO ANG
The Heartbreak Playlist (story compilation)
Randomcompiled stories of heartbreak , sacrifice and moving on .