Alibus Mondraco Luxuria Research Facility.
Nightshade Hill, Rosevelt Melanchoria.
November 27, 2035.Humane Intelligence Unit.
Project Magnifico: Shieldler John Vanguard Cross
Initial Progress: Indigenous Dominance and Altered Enhancement.
Status: 99.9% still counting.
Chamber #679—
Sumalubong ang isang napaka-tahimik at malamig na pasilyo ng isang pasilidad sa syudad ng Rosevelt Melanchoria. Matagal ng naitayo ang institusyong ito at sa halos isang dekadang pag-aaral at pananaliksik ay ngayon lang napag-tagumpayan ang kanilang matagal ng minimithi. Na maisakatuparan ang pagtatayo ng mga Humane Weapons, na kung saan ay kinukuha nila ang mga nasawing bangkay ng isang tao at pag-aralan ang mga ito at palitan ng panibagong konsepto ang bawat bahagi ng mga organismo sa katawan nito."Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi ba, Azure?" Isang ngisi ang sumilay sa labi ng isang kilalang negosyante na isa sa mga sumusuporta at nagbibigay tulong pinansyal para sa pagsasa-ayos sa mga kakailanganin s loob ng pasilidad. At sa ganung paraan ay isa sya sa mga unang makikinabang rito. "Magaling ang iyong ginawa, Isiah. Hanggang ngayon ay napapabilib mo pa rin ako sa iyong talento pagdating sa mga ganitong bagay." Kalmadong sagot nito habang pinagmamasdan ang isang cryogenic chamber na kung saan ay nakapaloob rito ang isang lalake habang lumulutang sa isang kulay asul na likido at napapalibutan ng iba't-ibang chord na kung saan ay nakakonekta sa katawan nito.
Ang mga chord na nakakonekta sa katawan nito ay ang nagsisilbing life-supporr nito na kung saan ay magagawa nitong makahinga o mabuhay kahit may kakaibang likido sa loob ng isang glass cryogenic tube. At sa pamamagitan nito ay magagawa nilang pag-aralan at palitan ang mga internal organs nito ng mga alternatibong tubo at iba't-ibang uri ng wires.
"Kahit ako ay hindi makapaniwala sa ginawa ko, Azure. Mukha ngang hindi nasayang ang sampung taon sa pananaliksik upang matapos ang proyektong ito." Magalang na sagot ng doktor habang pinagmamasdan ang hawak nito ang isang tablet at pinagmamasdan ang proseso na nangyayari sa loob ng isang malawak na silid.
"Hindi na ako makapag-hintay, Isiah. Sa lalong madaling panahon ay kakailanganin ko ang isang yan para burahin ang mga taong balakid sa mga plano ko." Makahulugan ang sinabi nito kung kaya't hindi na nagawa pang sumagot ni Isiah. Hindi nito lubos maisip na gagamitin nya ang proyektong matagal nyang pinaghirapan para sa pansariling interes lamang pero hindi sya maaaring umalma o tumaliwas sa kanilang napag-usapan dahil malaki ang utang na loob nito kay Azure. Dahil kung hindi dahil sakanya ay wala sya sa kanyang kinatatayuan ngayon kung kaya't labag man sa loob nito ay kailangan nyang sumunod sa utos nito dahil matagal nya na itong kilala at hindi ito magdadalawang-isip na paslangin sya kahit kailan.
—
"Ako nga pala si Isiah Louis Aurelio at ako ang Headmaster ng pasilidad na ito kaya hangga't maaari ay susundin mo lahat ng ipinag-uutos ko sayo. Naiintindihan mo ba, Shieldler?" Wala sa sariling napatango ang isang binata na para bang walang buhay na nakaupo sa isang bakal na silya habang pinagmamasdan ang isang kakaibang uri ng bola na nasa kanyang harapan. Tulala lamang ito at walang bahid ng kung anong uri ng emosyong nakapinta sa kanyang mukha. "Ngayon ang ikadalampu't-pitong araw ng iyong pagsasanay, magagawa mo na kaya ang ipinag-uutos ko sayo Shieldler? Magagawa mo na bang pagalawin ang bracket na yan?"
Isang matalim na tingin ang ibinaling sa kanya ng binata at labag man sa loob ni Isiah ang kanyang gagawin ay hindi sya pwedeng makaeamdam ng awa kahit na sabihin pa nating isang Alternative Human lamang ang hinatang nasa kanyang harapan. Hindi sya pwedeng makaramdam ng katiting na awa dahil kahit saaang sulok ng silid na kinaroroonan nila ay paniguradong napapalibutan ng mga kamera habang pinagmamasdan sya ng iba't -ibang stockholders, board members at partikular sa mga iyon ay si Azure Melanchoria Ashnoff.
Nagsimula itong magtipa sa hawak nyang tablet at umugong sa apat na kanto ng silid ang isang napaka-lakas na palahaw ng binata dahil sa kuryenteng bumalot sa katawan nito at halos magmaka-awa ito dahil sa sakit na nadarama. Kung kaya't panandaliang itigil ito ni Isiah, gustuhin nya mang lapitan ito at humingi ng tawad dahil sa kanyang ginawa pero hindi maaari dahil sa takot na baka bigla na lamang syang bawian ng buhay.
"Ngayon, gawin mo na ang pinag-uutos ko sayo, Shieldler John, bago pa kita mapaslang dyan sa kinauupuan mo." Walang emosyong sambit ni Isiah. Ramdam nito ang biglaang pagbigat ng tensyon kasabay ng biglang pagka-basag ng hawak-hawak nitong tablet. Nalusaw na din ang posas sa magkabilang bisig nito at halos tumilapon ito sa isang glass wall na humahati sa kanilang dalawa. Ramdam nito ang kirot dala ng mga bubog na tumusok sa likurang bahagi ng kanyang katawan. Nagsipag-bagsakan na din ang mga iba't-ibang kagamitan kagaya ng mga nuclear helium carbonate syrringes, mga oxygen tank, mga scalpel na maayos na naisantabi at kung ano ano pa.
Nakaramdam sya ng takot dahil sa lakas na pwersang bumalot sakanya. Na para bang inuubusan sya ng hangin at ang kanyang katawan ay para bang paralisado dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ramdam nito ang pagbigat ng kanyang pakiramdam at nahihirapan din itong huminga. Pero bago sya mawalan ng ulirat ay pinagmasdan nito sa huling beses si Shieldler, "Patawad, anak."
—
Use the official hashtag: #AlteredDemonsWP on any of your Social Networking Sites, we will be stalking about your comments and feedbacks with this story.
—bloodyeuranophile.
YOU ARE READING
Altered Demons - h i a t u s -
Science FictionThere is no particular place for the weaker ones, and the alttered demons will always chase what they called- vengeance. Science Fiction || Action A collaboration novel of bloodyeuranophile and meydey_wey