Prologue

9 1 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan at kahit patong-patong na ang suot kong jacket ay hindi pa rin maibsan ang lamig na nararamdaman ko, kakaiba ang lamig na dala nito na paea bang nanunuot sa kaibuturan at kalamnan ko. Ilang hakbang na lamang ay natanaw ko sa hindi kalayuan ang isang abandonadong bahay at napag-isipan kong dito muna magpalipas ng gabi.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talaga namang hindi lang maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Pakiramdam ko kase may mga mga matang nakatingin sa bawat kilos ko at parang ang bigat ng pakiramdam ko sa bawat paghakbang ng paa ko. Pero hindi naman siguro tama ang hinala ko, diba? Dala lang siguro ito ng lamig na nararamdaman ko kung kaya't kung ano-ano na lang ang pumasok sa utak ko.

Hindi rin nagtagal ay mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kaya't lakad-takbo na ang ginagawa ko, pakiramdam ko mamatay na ako sa sobrang lamig. Isabay mo pa ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam ko sa abandonadong bahay na 'to.

Bubuksan ko pa lang ang seradura ng pintuan ng mapansin kong nakaawang ito ng bahagya kaya bigla naman akong kinutuban. Pinakiramdaman ko ulet ang paligid ko kung may hindi ba kaaya-aya sa lugar na ito at ng mapagtanto kong mas lalong bumigat ang tensyong nararamdaman ko kaya't inihanda ko ang sarili ko sa maaaring mangyari saaken rito.

Wala akong ibang pagpipilian kundi tumuloy dahil kung hindi ay mamamatay ako dala ng sobrang lamig na simoy ng hangin, idagdg mo pa ang malakas na kulog at kidlat kaya't nakakapanhilabot ang dating netong abandonadong bahay.

Pansin ko ang isang malamlam na ilaw hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. At ang mahinang paghikbi, ay hindi nakatakas sa sensitibo kong pandinig kaya't nagmamadali akong pumasok sa isang silid at laking gulat ko ng tumambad saaking harapan ang isang dalagang may mala-porselana ang kutis ng balat, malamlam ang mga mata nito at namumugto na dahil siguro sa sobrang pag-iyak. Sinubukan kong lapitan ito ngunit mas isiniksik pa nito ang kanyang sarili sa isang tabi at binalot ang kanyang suot na balabal sa kanyang katawan.

Nakakapag-taka lamang, bakit naririto ang babaeng ito sa abandonadong bahay na ito? Bakit ba parang takot na takot sya ng nagtangka akong lumapit rito. Pero isa lang ang nasisiguro ko, may hindi nangyaring maganda rito.

"Hmm, wag kang matakot. Ako nga pala si Shieldler, anong pangalan mo at bakit naririto ka sa abandonadong lugar na ito?" Kalmadong tanong ko sakanya, mas lalo nyang hinigpitan ang pagkaka-pulupot ng kanyang balabal sa kanyang katawan. Kaya't hindi ko na sinubukan o magtangkang lumapit pa sakanya. " Maaari ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo sa lugar na to? Diba higit na ipinagbabawal sa syudad nyo ang tungkol sa pag-gala sa labas ng Liseux? "

"H-huwag kang lalapit saakin!!!" Mas lalo akong nagulat dahil biglang naging bayolente ang naging reaksyon nya samanralang wala naman akong ibang ginagawa kundi ang pagmasdan kung gaano kadungis ang hitsura nya. Paanong nangyari iyon? "Ano ba ang sinsabi mo? Narito ako upang tulungan kang makaalis sa lugar na 'to."

"Hindi  ko kailangan ng tulong mo, baka isa ka din sa kanila. Mga demonyo kayo!!! Mga wala kayong puso!!!"  Nagwawala na ito ngunit hindi pa din sya gumagalaw sa kanyang pwesto. Patuloy pa din sa pagbuhos ang mga luha nito.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko?!" Isang malakas na suntok ang dumampi sa pisngi ko at hindi ko inaasahan ang isang iyon. At laking ipinagtataka ko ng hindi man lamang ako nakaramdam ng kaunting kirot. "Wala akong alam sa sinasabi mo!?"

Naguguluhan. Yan ang unang sumagi sa isip ko, at mas lalong bumigat ang tensyong nararamdaman ko. "Anong ginagawa mo sa lugar na 'to kung wala kang ginawang kahalayan sa anak ko!?" Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng hiyaw nito. Nararamdaman ko ang pamumuo ng kakaibang pwersa sa mga kamay ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita kong nakalutang na sa ere ang katawan ng lalaking nasa harapan ko. "Wala akong alam sa sinasabi mo, kaya wag mo akong pagbintangang may ginawa akong kahayupan sa anak mo."

Hindi ko alam kung bakit nagawa kong maging kalmado. Nakalutang pa rin sa ere ang lalaking nasa harapan ko at pansin ko ang mapupusaw na kulay sa mga kamay ko. Anong klaseng mahika ito? Bago ko pa masagot ang mga katanungan ko ay naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. Kung kaya't napahiyaw ako ng sobrang lakas, parang pinipiga ang kalamnan ko.

Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nakita ko kung gaano sila karami. I am framed up, at wala akong kalaban-laban mula sakanila.

bloodyeuranophile and meydey_wey.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Altered Demons - h i a t u s -Where stories live. Discover now