Chapter 3: Love is a home

11 5 0
                                    

"Love begins by taking care of the closest ones - the ones at home." - Mother Teresa

Genesis Jarabejo's Point of view

End na pala ng summer, at unluckily PM session nanaman ako, lagi nalang. This will be my last night, it's already 8 in the evening. Maya maya may kumakatok ng malakas sa pinto, tipong masisira na sa kakahampas.

"Asan papa mo?". Si mama pala, as usual lasing siya.
"Lasing ka nanaman, pupunta ka lang dito kapag makikipag-away ka".
Hindi niya ako pinansin at dirediretso siya sa taas, narinig ko naman silang naga-away at nagmumurahan nanaman.
"Pahinging isang daan!"
"Put*ngin* mong babae ka! pupunta ka lang dito para manghingi ng pera? G*go ka! Lumayas ka dito! At nasaan yung pantalon ko dito? binigay mo nanaman sa kabit mo o pinang shabu mo nanaman?".

Bigla akong napatakbo sa taas ng may narinig akong hampas ng kahoy at pag-iyak.
Nakita ko si mama iyak ng iyak sa sulok ng kwarto, kaya nilapitan ko siya, nakita kong anlaki ng pasa sa hita niya.
Bigla akong naiyak at pag tingin ko sa kama nandoon sa ilalim ng unan yung pantalon, kinuha ko yon at pinakita ko kay papa.
"Ayan oh! hindi man lang kayo naghahanap nananakit na agad kayo!".
"E t*rantado yang mama mo e! alam ng pagod ako mukhang pera".

Itinayo ko si mama at pinalabas ko na ng bahay. Galit ako kay mama pero naaawa ako sakanya kapag sinasaktan siya ni papa. Si mama naman kasi talaga ang naunang nanlalaki at doon nalang nambabae si papa.

Pumunta ako sa kwarto ko at doon nagsimula akong umiyak ng umiyak, hindi ko alam kung bakit nagkaganito kami, sobrang kahihiyan at sakit yung nararamdaman ko. Lahat ng tao sa amin alam na alam lahat ng ginagawa nilang kagaguhan. Tangina ang sakit.

Nagsimula lahat yun ng mag-abroad si papa, naging chef siya sa Japan pero 6 months lang, lahat ng pinapadala niya kay mama walang napuntahan. Nilustay ni mama kung saan saan o sabihin na nating sa drugs.. tangina kasi ng mga kapitbahay namin e, alam nilang may problema si mama kaya binigyan nila ng drugs para lang lalong mabaliw, tangina niyo, sira na buhay niyo kaya nandadamay kayo ng ayos na pamilya.

Noong nasa Japan si papa kami ditong mga anak walang makain dahil ang mama ko gabing gabi na umuuwi. Hanggang sa pag-uwi ni papa doon na nakarating sakanya na may lalaki si mama, ka-jamming ni mama sa drugs. Tangina adik. Pero hanga ako kay papa dahil pinilit niyang suyuin si mama para lang maging maayos kaming pamilya, kahit nagkanda baon kami sa utang dahil hindi binayad ni mama lahat ng pinapadala ni papa. Nalulungkot ako kapag nakikita kong nalulungkot si papa dahil hindi niya nakita ang pinundar niya sa ibang bansa, expected ni papa pag-uwi niya tapos na ang bahay namin, buhay pa ang negosyong iniwan niya kay mama, pero lahat yon nalugi, imagine 6 business? nalugi dahil sa hindi marunong maghawak na ina.

Hindi ko na matandaan or wala na akong matandaan na magagandang memorya tungkol sa pamilya namin, kaya sa school palamura ako, prangka at wala akong inaatrasan kapag away. Ansarap sa feeling na sa pakikipag away mo nalalabas lahat ng problema mo sa pamilya.

Sabi nga nila isa lang blacksheep sa pamilya pero mukhang lahat ata kami, wala akong mapagsabihan ng problema sa bahay dahil akala nila okay lang ako, akala nila nakangiti lang ako lagi.

Ginagawa ko din yunh best ko para makakuha ng mataas na grades sa school para maging proud si papa sa akin, Undergrad si papa ng Chemical Engineering kaya kapag sa science nagpapaturo ako sakanya, tuwang tuwa siya sakin kasi nakikita niyang may interest ako sa pag-aaral at tingin niya ako ang makakaahon sa pamilya namin, mataas din ang pangarap ko dahil gusto kong mabigyan kami ng maayos na buhay at pamilya.

I did my best para maging proud si papa, yung Happiness lang naman ni papa yung mahalaga sakin, kasi nakita ko yung pagod niya, yung lungkot, yung galit, at yung iyak niya. Gusto kong maayos kami ulit, bumalik si mama sa bahay at magkaayos uli sila, kaso mukhang malabo na..

I love my family so much, pero hindi ko mabuo yung pagmamahal dahil may hinahanap din akong pagmamahal galing sakanila, galing sa pamilya ko, pakiramdam ko ¼ nalang yung dumadaloy na pagmamahal sa katawan ko, yung ¾ galit, inggit, lungkot at iba pa.

I felt like i'm a homeless person, feeling ko nakatira ako sa Hunted house at puro multo kasama ko, feeling ko araw araw halloween sa bahay namin, at dahil dito nagsimula kong ibaling ang atensyon ko sa iba, ine-entertain ko lahat ng nanliligaw sakin dahil nakakakuha ako ng atensyon at pagmamahal sakanila na akala ko pupuno sa sarili kong nagkukulang, natuto akong dumalas sa labas ng bahay dahil ang labas ay mas better kesa sa loob ng bahay.

Love is a home. So, if you feel you're homeless, either magulo ang family niyo, o masyado mong pinaikot ang buhay mo sa mga taong dapat dinadaanan lang.
-X-

Read, Votes, Comments and follow are appreciated. When you need someone to talk you have me :) i got you.

My definition of love, everydayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon