Prelude

216 3 2
                                    

Nagsimula ang lahat nang may pesteng nagdesisyong tawagan ako sa dis-oras ng gabi…

“What the heck?” I muttered and looked at the clock. It’s already 1:00 in the morning. Sino ba itong walang awang tumatawag? Wala ba siyang orasan at hindi siya aware kung anong oras na? Napaka-insensitive ha.

Pikit-mata kong kinuha ang phone ko sa bedside table at sinagot ang tawag. Ni hindi ko na tiningnan kung sino ba yung caller.

“Hello?” my voice was groggy. Napansin ko agad ang ingay na nanggagaling sa background. Sino ba ‘to? Binuksan ko ang isang mata at chineck kung sinong tumatawag. “Mallari?”

Kenneth Anthony Mallari. He’s one of my blocmates and he’s one of the populars sa university. At bakit naman kaya tumatawag sakin to? Sa ganitong oras pa talaga?

“Baby?” my eyes widened. WHAT?

“Huh?” Gago. Bakit ako tinatawag na baby nito? Last time I checked, we’re not actually in good terms.

“Oy pare! Sino ba ‘yang tinatawagan mo!?” natatawang sabi ng nasa background. Medyo familiar ang boses niya pero hindi ko makilala. I guessed he’s one of my blocmates, too.

“Yung ex niyang wala paring pangalan yan! Sigurado!” sagot nung isang pamilyar din na boses.

“Sshh…” saway ni Kenneth dun sa lalaki at narinig ko silang nagtawanan.

“Tara na nga! Balikan ka namin dito pag tapos ka na ah! Mangchichix muna kami.”

“Hoy Mallari—“

“I miss you.” He was slurring his words. No doubt, he’s drunk. And this was a drunk phonecall. Pero miss? The heck. You’re so funny, Mallari. Ha ha.

I laughed sarcastically. “Really, now?”

Hindi siya agad sumagot. Sinilip ko kung binabaan niya na ba ako pero hindi pa naman. He’s still on the other line. “Come back to me, please?”

I was taken aback. WHAT. WHAT THE FREAK? ANO NAMANG PINAGSASASABI NITO?

“You’re drunk.” I stated. “Please don’t waste my time, Mallari. I’m hanging up.”

I’m about to end the call when he shouted on the other line. I grimaced.

“Wait, Jas! Baby, please…” wait, was he crying? Kenneth Mallari, umiiyak? Whoa! Big news! “Jas…” who’s Jas?

“Excuse me, my name is Jan—“

“Jasmine, please… come back to me.” Nanghihina niyang sabi. Naalala ko tuloy yung kanta ni David Cook dahil sa pinagsasasabi niya. Ha. Nababaliw na itong Mallari na ‘to.

“Hindi nga ako si—“

“Can’t we just start all over again?” At ngayon naman Starting Over Again? Hanoba! Kaloka ha! Bakit siya may ganitong drama?

“Ibababa ko na.” I said, trying to stifle my laugh. Kapag hindi ko pa ‘to binaba ay baka mamatay na ako neto sa kakapigil ko ng tawa. Parang baliw naman kasi ‘to! Hindi ko akalain na nasa dugo niya pala ang magmakaawa sa babae! Habulin kasi ‘to ng mga chikas, eh.

“Please, Jasmine! I still love you…” pabulong niyang sabi at nakaramdam naman ako ng awa. Okay, sino ba yang Jasmine na ‘yan? Ang alam lang kasi ng university ay may girlfriend itong lolo niyo, pero never naming nalaman kung sino. Ang galing niya lang magtago. As if naman may pake ako diba? Hah.

“I still love you…” he whispered and started crying again. Ano ba ‘to! Bakit ako naaawa dito? Kalerks.

“Dude! Tama na ‘yan!” rinig kong sabi sa background. Aba, ambilis naman nilang makabalik. Di siguro nakahanap ng mga chikas. Hah. Buti nga!

“Oo nga pre. Lasing na lasing ka na! Tara, uwi na tayo!” parang boses ni Earl yon, ah?

“Shit! Bitawan niyo nga ko!” sigaw ni Mallari. Aba, ang arte naman neto. Sinabing iuuwi na nga e! Kahit kailan talaga ‘tong lalaking ‘to.

“Mallari, go home. Lasing na lasing ka na.” I calmly said.

“I won’t go home until you come back to me.” Mariin niyang sagot. Ay? May ganong drama si koya? Eh pano pala, hindi na siya makakauwi niyan? Alangan namang bumalik ako sakanya e hindi naman ako si Jasmine whoever she is!

“Tangina! Kunin niyo na nga cellphone niyan!” sigaw ng isang lalaki.

“TEKA, PUTA! ANO BA—“ boses ng nag-aagawan ang naririnig ko at sumasakit na ang ulo ko sakanila. Naman! Nawala na tuloy yung antok ko!

“TANGINA, KENNETH!” wait. Parang boses ni Clarence yun, ha.

“SI JANELLE MEDINA ANG EX MO?!”

Nagulantang ang buong pagkatao ko sa narinig.

WAIT. WHAT? WHAT THE FREAK? AT KAILAN KO PA NAGING BOYFRIEND YUN?!?

MistakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon