2nd Chapter

70 4 0
                                    

Chapter 2

“So this is what you mean by somewhere private?” I asked matapos niya akong ibalibag papasok ng Mercedes Benz niya. Hindi siya sumagot at umikot nalang sa harap. I therefore conclude na wala talagang manners itong lalaking ‘to. Tinatanong pero irap lang ang sinagot? What a jerk.

Humalukipkip ako at diretso ang tingin sa unahan nang pumasok siya. I want my phone back! Malamang hinahanap na ako nila Lizy.

“Phone ko?” I demanded as I held out my hand.

“I’ll give it to you later.” Malamig niyang sabi. Nag-init agad ang ulo ko. Nakakaloka na talaga ang lalaking ‘to, promise.

“I need it NOW, Mallari.” Mariin kong sabi. Aba, hindi rin naman ako papatalo sakanya no!

Inis siyang tumingin sa’kin. “Bakit ba masyado kang atat na makuha yung cellphone mo?”

“Eh ikaw, bakit ba ayaw mo pa kasing ibigay yung cellphone ko?” I retorted. Hindi siya nakasagot. Nagsukatan kami ng tingin. Ha, hindi ata ako magpapatalo dito no. I may be a girl but I refused to be underestimated.

He closed his eyes and expelled a heavy breath. Para bang punong-puno na siya sa’kin. Oh well, ako rin naman punong-puno na sakanya no! Akala niya ba siya lang? Kapal please.

“Here,” I smiled triumphantly when he reached for his pocket. Finally.

“Ano ‘to?” napawi ang ngiti ko nang hindi Samsung phone ang iabot niya sa’kin. “Sa pagkakaalam ko, Samsung ang phone ko at hindi Iphone.”

“You’ll call your friends, right? Go ahead.” Sagot niya pero hindi parin ako nagpatinag.

“Yes, I will call my friends. Using my phone. Now give me my damn phone, Mallari!” I shouted dahil nabibwisit na talaga ako.

“Just call your damn friends and let’s get this over with.” He ran his hand through his hair at para bang frustrated na frustrated na siya sa’kin.

I arched a brow. “Ikamamatay mo ba pag binalik mo sa’kin yung phone ko?”

“Tatawagan mo ba sila o hindi?”

“Shit ka! Sa’yo na nga!” itinulak ko sa dibdib niya yung mamahalin niyang phone. Walanghiya. Lamunin niya pa. Bwiset.

Nagtaas siya ng kilay sa’kin. “So hindi mo na sila tatawagan?”

“Hindi ko alam kung tanga ka ba o ano, eh. Binalik ko na nga sa’yo diba? Alangang tawagan ko pa sila?!” tumaas na ang boses ko. Jusko po, magkakaaltapresyon pa ata ako dahil sa lalaking ‘to. ‘Wag naman po sana, Lord.

“Bakit ka ba nakasigaw?” bakas sa boses niya ang pagkairita. Ha. Mairita ka kung gusto mo. Pake ko ba.

“Nakakabwisit ka kasi.” I said and he didn’t answer. “Anyway, ba’t mo ba ‘ko gustong makausap, ha? Bilisan mo dahil masusuffocate na ako dito kapag nagtagal pa ko.” Irap ko.

“It’s about last night.”

“Of course.” I snorted that earned me a glare from him. “So what about last night?”

He took a deep breath. “I don’t want you to tell anyone about it. Whatever…” he sighed. “Whatever I told you last night.”

I stared at him for a while. I couldn’t believe what he just said. And then I burst out laughing like an insane woman.

“I can’t remember telling a joke,” nakakunot-noo niyang sabi. Obviously ay wala siyang idea kung bakit ako natatawa.

MistakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon