3rd Chapter

91 4 3
                                    

Chapter 3

The moment he held my hand, I knew there was no turning back. I knew that somehow, something in my life would change from now on. And I’m pretty sure it’s gonna be messy. So why am I doing this? I didn’t know. Maybe I was already losing my sanity. I’m not sure.

“Pinagtitinginan nila tayo,” I whispered as we walked down the hallway. Magkahawak parin ang kamay namin. Naiilang ako sa mga ibinibigay nilang tingin sakin. Samin. Hindi ako sanay sa atensyon. I hate it, actually.

“Masanay ka na,” he uttered without giving me a glance. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang naglalakad kami at magkahawak ang kamay. Napa-tsk ako. Janelle, Janelle, Janelle… anong ginagawa mo sa buhay mo?

Tahimik na kaming dalawa hanggang makarating kami sa room. Sinalubong agad ako ni Lizy.

“Hoy Janelle! Saan ka ba—“ she stopped when she noticed our intertwined hands. “Uh, okay? Anong nangyayari? Bakit kayo magkahawak-kamay?” she reluctantly pointed at our hands. Natahimik ang buong classroom na kanina lang ay medyo maingay pa pagdating namin. Alam ko, nakuha na namin ang attention nila. Goodness! Malamang hindi lang pagkatao ko ang nawindang ngayong araw na ‘to kundi buong bloc namin.

“I think it’s normal for a boy to hold his girl, right? Babe?” he squeezed my hand and flashed me a smile.  What in the freaking world? Babe?!

Mukang hindi na nakayanan ni Lizy ang narinig. “What? What?” nagpabalik-balik ang tingin niya sa’ming dalawa. I gave her a faint smile. I’m so sorry, friend. Kahit ako hindi pa ma-absorb ang mga nangyayari ngayong araw na ‘to. “Hoy Janelle! Ano ‘to? Hindi ko magets!”

I opened my mouth but the words were stuck in my throat. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam paano ieexplain! My god, this is harder than I actually thought.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tropa ni Mallari na panay ang tawanan. Natigilan lang sila nang mapansing tahimik ang buong klase.

“Anong meron? May quiz ba?” tanong ni Zeke. “Ba’t ang tahimik niyo ata?” he laughed.

Walang sumagot. Doon lang nila kami napansin at automatic na nagkaroon ng ngisi sa mga muka nila.

“Oy, Kenneth!” si Clarence. “Ba’t hawak mo kamay ni Janelle? Kayo na ulit?” tanong niya habang tumataas-baba ang dalawang kilay. Mas lalong nalito ang kanina’y naguguluhan na si Lizy. Shit na Clarence. Sarap pasakan ng bakal ang bibig!

Nagtawanan sila at naglakad palapit sa’min. Jusko. Nasaan na ba ang prof? Sa buong buhay ko ngayon ko lang hiniling na sana pumasok na agad yung prof!

Nakipaghigh-five sila kay Mallari at tumingin sakin suot ang nakakaasar na ngiti. Ugh. Kairita ‘tong mga kumag na ‘to. Kawawa naman kayo. Pinagmumuka kayong tanga ng tinuturing niyong kaibigan!

“Manlibre ka naman!” natatawang sabi ni Earl.

“Oo nga! Nagkabalikan na kayo oh! Papainom na ‘yan!” dagdag pa ni Clarence.

Natatawa lang na umiling si  Mallari sakanila. Kami naman ni Lizy ay nandun lang at nakatunganga. I looked at her pleadingly. She just shook her head and left. Lumapit siya kay Claire na nakatingin lang din sa’min wearing a confused look. I just shrugged. Dahan-dahan kong kinakalas ang kamay ko sa pagkakahawak ni Mallari. Napansin niya naman iyon kaya mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

“Yes, babe?” malambing niyang tanong kaya naghiyawan ang walangya niyang tropa. Peste ka, Mallari! Tigil-tigilan mo ko sa tanginang babe na ‘yan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MistakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon