EJ: Chapter 2

116 15 0
                                    

Maya-maya lunch break na. Agad-agad kong hinila sina Elaine, Stacy, Joanna at Grace sa canteen. Tense na tense na ako sa mga titig ni Axel kanina. Nakakatunaw.

“Bianca Angel Reyes. Bakit ba madaling-madali ka???!” - galit na tanong ni Grace. Tsk. Sapakin kaya kita? Kundi lang kita bestfriend baka binalibag na kita. Hindi na lang ako umimik. Taray.

“Oy girl. Ano ba? Pansin ko iniiwasan mo si--” - Elaine

“Huh? Hindi ko iniiwasan yun.” - pagpuputol ko sa sinasabi ni Elaine.

“Look Bianca. You’re really so obvious. C’mon tell us.” - Stacy na nakataas pa ang kaliwang kilay at pinandidilatan pa ako. Umupo kami sa may table. Umorder muna kami tsaka bumalik ulet sa table.

“Oh tell us na kasi.” - Grace na nakacross arms pa.

“Kasi ganito yun.....”

FLASHBACK

Partner kasi kami ni Axel sa project namin sa Filipino. So nung first Friday ng sembreak, sinamantala na namin yung pagkakataon para gawin ng mas maaga yung project. I went to their house para dun gumawa. Sobrang close kasi kami to the point na tuluyan na akong nagkagusto sa kanya. Dati kasi sobrang ayaw ko sa kanya. Paligi niya akong inaasar, kinukulit, tapos yung mga jokes niya minsan nakakasakit na! Pero one day nagising na lang ako na MAHAL KO NA SIYA! Oh gosh! Syempre di ko sinasabi. It’s complicated eh.

“Good morning Tita, Tito.” - bati ko sa parents ni Axel, sabay nagmano ako.

“Good morning anak.” - anak na ang turing nila sakin kasi pinupush din nila kami ni Axel. Imagine, pati parents approve. Ahahaha.

“Akyat na po ako sa taas.” - paalam ko sa kanila. Alam ko na rin naman na nasa taas si Axel. Napakatamad kasi nun bumaba. Pag-akayat ko sa kwarto niya,

“Axe--” - biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Waaaaaaahhhhh!!!” - sigaw ko sabay takip sa mga mata ko gamit ang dalawang kamay ko.

Endless JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon