EJ: Chapter 3

79 14 0
                                    

 “Ahh sige uwi ka na anjan na sundo mo.” - siya. Uuwi na talaga ako! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!

“Sige. Bye FRIEND.” - pekeng ngiting sabi ko. Diniinan ko talaga yung word na yun para mapukaw ko ang sarili ko na FRIENDS lang kami. Tapos sumakay na ako ng kotse.

END OF FLASHBACK

“So ayun nga ang nangyare kaya di ko na siya pinapansin. Hindi ko na rin siya tinetext at tinatawagan. Wala rin akong sasabihin.” - paliwanag ko.

“Tama yan girl. Iwasan mo na yung lalakeng yun.” - Elaine

“Ahh. That’s it? Girl! Baka mahalata ka lang niya na affected ka sa kanya!” - Joanna na ang lakas makasigaw. Napalingon tuloy yung mga tao sa paligid. Nakaupo na kasi kami ngayon sa mesa at kasalukuyang tinatapos ang pagkain namin.

“Shhhh. I know. But what can I do? I can’t pretend that I’m fine if I know I’m not.” - paliwanag ko.

“You mean nakita mo talaga yung ‘ano’ niya? Oh my G? Is it big? Yaaaaaahhhhh Grabe talaga si papa Axe--”

“Yucck! Ano ba naman Joanna! Kadiri ka!” - binatukan ko nga! Ang isip talaga ng mga barkada ko. Eeeewww.

“Kausapin mo na lang siya na parang normal. Yung walang ‘ilang factor’. Besides, you already emphasized that you’re just friends. So you do’t have to be worried.” - pag-iiba naman ni Stacy ng usapan. Haayy. Pinagpawisan ako dun ah!!

“She’s right Bianca. No offense ha. But I think she’s still in loved with my twin sister.” - Grace. Oo na! Kelangan ipamukha? Hanep talaga to sa pagpapasakit ng buhay ko. Siya lang kasi talaga yung halos di namin makasundong apat. Masyado kasi siyang careless sa mga sasabihin niya. Di niya sinisigurado kung makakasakit ba ito sa sasabihan niya. Ang hilig niyang kontrahin ako. Speaking of her twin sister, oo may twin sister nga siya pero sa section 2 siya. Section 1 kasi kami. Naging sila kasi ni Axel mula 3rd year tapos nalaman na lang namin na break na sila nung birthday ng kambal. Di kasi sila nagpapansinan at ayun, inamin nila pareho na nung bakasyon lang sila nagbreak. Ang tsimosa ko! Pero instead na maging masaya ako sa break up nila, naging malungkot ako lalo kasi si Axel sobrang lungkot niya. Nakita ko yung efforts niya para magsorry kay Faith. Alam ko naman na mahal na mahal pa rin niya si Faith kahit na hiwalay na sila.

“Bianca. I know you really like him mula pa first year. Kahit na feeling mo kalaban ang tingin niya sayo dahil sa ranking of honors natin, it didn’t become a barrier to your feelings. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ka man lang nagtop 1 eh ang galing-galing mo. I don’t know if pinagbibigyan mo lang siya or what. Gusto ko man kayong ipush but I think it’s more than enough. You’re beautiful and intelligent. Anjan naman si Jeff para saluhin ka.” - Elaine na may pagcomfort sa likod ko. Hindi ko naman talaga pinagbibigyan si Axel sa ranking of honors eh. Matalino at masipag naman talaga si Axel.

“But he is Axel’s bestfriend since grade school. I think it would be more awkward.” - opinyon ni Stacy

“But you really need to move on girl. Give Jeff a chance. Puro ka na lang kay Axel. At I’m sure it would never affect Axel kung wala naman siyang gusto sayo. Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, di mo na nakikitang andami ring nagmamahal sayo.” - Joanna. Di ko na alam ginagawa ko. Naiyak na lang ako.

“Ayan pinaiyak nyo siya. Eto oh sayo na lang. Pain reliever yan.” - Grace said while giving me a chocolate. “Masarap yan. I know that’s you’re comfort food.” - Garce while giving me a big smile. Tama siya. Pag malungkot talaga ako, chocolates and ice cream ang pantapat ko.

“Thanks.” - ako sabay tago muna nung chocolate sa bag ko. Naglulunch pa kasi ako.

RINNNGGGGGGGGG.... Bell na kaya bumalik na kami sa room. Eto na naman yung most favorite subject ko pero I would ignore it for now. Katabi ko kas siya sa subject na to. Alphabetically arranged kasi ang sitting arrangement namin. Alternate pa ang girls and boys. Reyes ang surname ko tapos Ristoff naman ang kanya.

“Class. Sit properly and face your partner. Solve these problems.” - teacher namin sa Math. Palaging ganito ang quiz namin para mas mabilis daw. She gives us 5 questions and we are going to solve these on a paper together with your partner. At dahil magkatabi kami ni Axel, kami ang partner. Sa subject na ito, lagi kaming nagkakasundo sa final answers namin. Pareho kasi kaming Math quizzer kaya lugi raw yung mga kaklase namin kasi pareho kaming magaling sa Math. But in our case ngayon, magkaiba kami ng sagot.

“2x+8 nga!” - sigaw ko.

“You’re wrong. 2x+5 ang lumabas sa sagot ko!” - sigaw din niya.

“Mali ka! Kapal ng mukha mong magconclude na ako agad yung mali eh di ko pa nga naeexplain yung sagot ko!” sumbat ko sa kanya.

“K fine! Yung sagot mo ang isusulat ko. Hope your happy.” - he, giving me an evil glare.

“Talaga! I’m so happy.” - sarcastic kong sagot. Nung inannounce na yung mga sagot ng teacher namin, mali kami sa item na pinagtalunan namin kanina. Mali ako pero mali rin naman siya.

“Oh kita mo? Mali tuloy tayo. Tigas kasi ng ulo mo.” - Axel

“Wow ha. Nagsalita ang tama ang sagot. Hiyang-hiya naman ako sayo.” - I answered in a sarcastic way tapos inirapan ko siya. Di na siya sumagot. Ilang oras lang, tapos na ang klase namin. Nauna na akong umuwi kina Elaine at sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Alam na rin nila kung bakit.

Endless JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon