New Life

1.6K 37 0
                                    

  "Earth to Miss Marga!"pukaw ni Lilian sa naglalakbay na diwa niya.

  It's been five years since that day.Ang dami dami nang nangyari pero lahat ay nakayanan niya.And now,kaka'promote niya pa lang bilang General Manager ng isa sa mga branch ng VernoRita dito sa Pilipinas.

  "Oh,I'm sorry,Lilian.What is it again?."nakangiting tanong niya dito kapagkuwan.

  "Yun nga po Miss Marga,naka'sched na po yung meeting niyo sa CEO ng Elixir.Sila po ang top priority natin this week."agad na sabi nito sa kanya.

  Pinag-aralan niya ng mabuti ang proposal na gagawin niya sa Elixir. Kailangan makuha nila ang deal na ito.Lahat ay umaasang sila ang mapipili.Isa siya sa major stockholder ng VernoRita.She and her younger brother,Vernondrii Lopez, actually.Pero she remains low profile.Ayaw niyang makuha ang lahat ng madali at hindi man lang siya nag-effort.Nagsimula siya bilang isang accounting assistant sa branch na ito hanggang sa na'promote siya ng na'promote.Her brother never allowed it at first but she hardly refused.They have 4 branches in total.Dalawa sa abroad at dalawa din dito sa Pilipinas.Vernon stays in New York like the usual.

  Nanlalatang napaupo siya sa sofa.Kakarating niya palang sa condo unit niya.It's a very tiring day.Bukas may meeting pa siya sa CEO ng Elixir.She's well-prepared kaya hindi siya kinakabahan.Buo ang tiwala niyang makukuha niya ang deal.Nang makapagpahinga ay agad siyang nag ready at nagluto para sa dinner niya. Solo lang siya sa condo niya at hindi man lang sumagi sa isip na kumuha ng katulong o kahit labandera man lang.Lahat ng gawaing-bahay ay alam niyang gawin kaya hindi na rin siya nangangapa. She learned ng nawala sa poder ng mga magulang at natutuwa siya sa naging pagbaba go niya kahit wala ang halos lahat ng karangyaang tinatamasa niya joon kahit nasanay pa siya.She learned to be responsible in every action and decision na nagagawa niya sa buhay niya.

And that night,she dreamed of a man she will never forget in her whole life.

  Nakatayo na siya sa harap ng pinto ng CEO.l ng Elixir.Kaagapay niya ang secretary nitong isa sa mga schoolmate niya nung college. Kumatok ito para ipaalam na na na doon na sila at pumasok na siya. Hindi na sumama ang sekretarya nito sa loob.Nakangiting iginiya lang ito at nagpaalam na.Nakatalikod ang lalaking tantiya niya ay nasa 6'1 ang height.Umalis na ang secretary nito at silang dalawa na lang ang naiwan sa office nito.Ewan ba niya pero parang bigla siyang kinabahan.His aura is a bit familiar o baka guni-guni niya lang iyon.She tried to bring back her composure and voila...

  "Good Morning Sir,I'm Margarita Lopez of VernoRita."bati't pakilala niya dito.Nagulat siya ng pinaikot nito ang swivel chair na kinauupuan nito.

This can't be happening...usal niya sa isip niya.

  "Please take a seat Ms.Lopez."anyaya nito sa kanya.Tsaka pa lang siya nakahuma sa shock pagkakita kay...Lorcan..Yeah,the one and only Lorcan Mondemar.Ang lalaking tangi niyang minahal. Pakiramdam niya ay gusto na lang siyang lamunin ng lupa sa samut-saring nararamdaman ng mga sandaling iyon.

  "Oh,thank you,Sir."tugon niya dito.She tried her best para hindi mautal.They talk about sa proposal niya.She needs to be professional when it comes to this kaya hindi niya pwedeng tibagin ang pader na itinayo niya all those years.She's a better version of herself at alam niyang sa din aki-dami ng mga babaeng dumadaan sa buhay niyo ay hindi man lang siya nito matatandaan kahit pa katiting.

  "This is good.I just need to review it, Ms.lopez and we'll proceed on the signing next time.I' d assure niyo na company niyo ang magiging ka business deal namin sa project."sabi nito sa kanya at tinitigan siya ng matiim.Pinigil niyang huwag ipahalata ang pagkailang niya dito.Never siyang na-intimidate sa kahit sinong lalaki kahit gaano pa ito kakisig pero iba ang dating sa kanya ng binata.Agad niyang hinamig ang sarili.

  "Thank you Mr.Mondemar.I will look forward to it.Hindi ka magsisisi sa pakikipag-negotiate sa amin."sagot niya dito at gustong-gusto na niyanh makaalis sa harapan nito.

Iniumang nito ang kamay nito sa kanya.Tiningnan niya muna ito bago tinanggap.Nang magkadaiti ang kanilang palad ay dagli niya ding binawi ito pero kahit saglit lang iyon ay maramdaman pa rin niya ang pagpisil nito ng bahagya sa palad niya.Hindi naman ito minasama ni Lorcan bagkus ay ngumiti pa ito sa kanya.

  "Ahm,Thank you Mr.Mondemar.I need to go."paalam na niya dito.Kailangan na niyang makaalis at naka ipagkanulo pa siya ng damdaming matagal na niyang pilit na ibinabaon sa limot.

  "Okay.See you around Miss Lopez.Take care."may bahagyang ngiti ang labi nito na ikinapitlag ng puso niya. Tumango lang siya at agad na ding lumabas sa office nito.

Yours To Find (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon