Just this one

1.3K 23 0
                                    

  Hinabol siya ng daddy niya.Pero tuloy-tuloy pa din ang pagpagulong niya ng wheelchair niya.Naabutan siya nito at ibinalik sa kwarto niya.Hindi lang siya umimik pero sobrang sakit ng dibdib niya at nagpipigil lang siya na bumunghalit ng iyak.Ayaw niyang magtaka ang mga ito. Ayaw niyang mapahiya.

  "Margarita,what's wrong?Hindi ka ba masaya na buhay ang ate mo at makakasama na natin siya?"malumanay na tanong ng daddy niya kanya.Marahil ay iniisip ng daddy niya na disgustado siya sa muling pagbabalik sa buhay nila ng Ate Amarrah niya.

  Masaya siya na buhay ang ate niya.Aaminin niya,naiinggit siya sa ate niya pero at the same time,nasasaktan siya dahil ito din pala si Jadice na mahal na mahal ni Lorcan.Alam niya at nakita niya na si Lorcan na sobrang nasasaktan sa paghihiwalay ng mga ito noon.Base sa nakita niya kaninang reaksyon at pagyayakapan ng mga ito,mahal na mahal pa rin ng mga ito ang isa't isa.At sino siya para hadlangan yun?Siguro,tama nang manahimik siya.Tama nang wala itong alam.Ayaw na niyang gawing kumplikado ang mga bagay.Ayaw na niyang magulo pa ang mga buhay nila.Tumingin siya sa daddy niya at marahang umiling."It's not that,Daddy.Of course,I am happy but Dad,it's more than that..."hindi na niya napigilang humagulhol.Hinsi na niya napigilan pang iiyak ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandling iyon.Niyakap siya ng ama at marahang hinahaplos ang buhok niya. Tulad ng ginagawa nito kapag nagtatampo siya, nagkakasakit o nagkakasugat noong bata pa lamang siya. Ganito din ito noon sa ate niya. Ito ang saviour nilang dalawang magkapatid.

  "Is it about that guy you're with?"napabuntong-hininga ang ama niya ng hindi siya sumagot. Mukhang may ideya na rin naman na ang Daddy niya dahil sa hindi niya pag-imik at agad na pag-iwas ng tingin."Okay lang kung hindi ka pa ready.Maghihintay ako.Marami akong pagkukulang sayo at sana hayaan mo akong bumawi.Hindi ko man mapawi ang sakit na nararamdaman mo but I can be your shield,Anak..."pang-aalo sa kanya ng daddy niya.Lalo siyang napahagulhol at napayakap ulit sa ama.Patuloy din lamang ito sa pag-also sa kanya hanggang sa kumalma kalma na siya.Nagpaalam lang ito ng may tumawag dito mula sa kumpanya. May appointment pala ito sa susunod na oras.

  "Marga..."tawag sa kanya ni Lorcan.Nakahiga siya patalikod sa gawi nito.

  "I'm happy for you."malamig na sambit niya.

  "It's not what you think.Narinig mo naman di ba ang sinabi ng doctor?She has an amnesia.At ang huling alaalang natatandaan niya ay nung mga panahong kami pa.Please,try to understand-"pinutol niya ang sasabihin pa sana nito.

  "Stop.You don't have to.Wala naman tayong relasyon di ba?Just be with her.I'm out."malamig na tiningnan niya ang lalaki.

  "Marga-"

  "Just get out of here Lorcan.I don't wanna see you anymore."pagtataboy niya sa binata.Ilang segundo pa siya nito tinitigan bago lumabas ng bagsak ang mga balikat.

  Tuluyan na niyang pinakawalan ang hagulhol na kanina niya pa pinipigilan.Gusto niya utong pigilan at bawiin ang mga sinabi niya. Gusto niyang aminin dito ang totoo pero naduqag ulit siya.Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya.Sobrang sakit.Life's so unfair for her but there's no one to blame than her.

Yours To Find (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon