1

23 1 0
                                    

Sa kinahabahaba na nang buhay ko dito sa mundo, natapos ko na ang lahat ng dapat kong tapusin, may trabaho na ako, may bahay, may kotse, tsk! kulang nalang syota. Nak ng teteng naman oh! kelan ba ako magkakaboypren? kapag uutal-utal na ako? kapag wala na akong ngipin?. Lord naman, ang unfair mo naman. Bigyan mo na ako, nakakalungkot na eh.

"Ikaw ba Resty, kelan ka magpapakasal?"tanong ni Aunti Lorry sa akin. Reunion kasi namin ngayun at lahat ng myembro ng aming pamilya ay present.

"Ho? ma-malapit na ho" sagot ko

Halos mabilaokan ang mga pinsan kong babae, lahat sila tinatawanan nila ako dahil alam nilang wala paring lalaking.maliligaw sa landas ko.

"Ilang taon ka na nga ba iha?" Aunti Amy

"25 po"

"25? pero may boyfriend ka na diba?"

Sarap niyong batukan! wala! wala pa akong syota. Bweset naman kasi itong family tradition namin. Kailangan kapag 25 ka na, dapat ay lalagay kana sa tahimik, kagaya ng mga pinsan ko. Naiibggit nga ako sa kanila, sana.. makita ko narin ang one and only true love ko.

"Po? ahh meron po"

"Talaga? Naku, gusto namin iyang makilala at nang makilatis. Panahon na para lumagay kana sa tahimik Resty. Nasa tamang edad kana at handang-handa ka na para sa ganyang bagay"

Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Auntie. Anak ng! ang hirap magsinungaling at mas mahirap maghanap ng mapapangasawa no!

"Ate Resty bukas pala magsusukat kana ng gown mo"

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Nasa paboritong tambayan ako ngayun, at iyon ay ang sa gilid ng Lake. No'ng maliit pa ako, parati ako ditong tumatambay. Iniimagine ko na kapag malaki na ako, dito ako ikakasal. Napaka ganda kasi dito parang paraiso, hindi! talagang paraiso ito. Ang lola ang nagmay-ari nito at dito kami parating naliligo'ng magpipinsan.

"Opo, teka! 'yung design ba ng gown, eh iyong denisgn ko?"

"Opo madam, Ang cute kasi Ate. Tsaka syempre ikaw ang nag design"

*Poink*
"Aray!" Napahawak sya sa kanyang noo. Pinitik ko kasi ito. Ito talagang batang ito.

"Sipsip ka talaga Red!"

"Eh totoo naman eh, bakit kasi hindi kapa mag fashion designer kesa naman magpatuloy ka sa pagdedesign ng Cakes at pati kasal ikaw pa ang designer"

"Batang ito! eh gusto ko eh tsaka ayokong pumunta ng Paris at excuse me mister! Gustong-gusto ko ang aking ginagawa"

"Obvious naman Ate, Naka apat na branch kana nga ng Cakes and Pastry Shop mo--"

"At isa na ako sa mga pinipilahan ng mga ikakasal para lang ako ang magdesign nang kanilang magiging Big Day"

"Pero sana kasal mo naman ang edesign mo Ineng"

Aakmang sisikohin ko sya at agad naman syang umiwas rito.

"Tumigil ka nga! hindi kayu makapaghintay!!" Tumayo ako at lumundaglundag sa sobrang inis sa mga taong nasa paligid ko.

"Ok ok, sorry"

"Lumayas ka nga rito Redmundo Luzuriaga at intindihin mo ang Bride mo, huwag ako"

Napansin kong pinipigilan niya lang ang kanyang tawa. Bweset na batang ito! at tsaka isa pa bakit ba kasi nauna pa itong magpakasal sakin?? nakakainis ako nalang ata ang naiwan dito sa ere.

Maid of HonorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon