18 0 0
                                    


"You may now kiss the bride"

sabi ni Father. Haaaay ang sarap isipin na ikaw na bride ay hahalikan na ng iyong Groom. Sana mangyari sakin to. Kanina pa nga ako nagpapacute sa partner ko, shit! ang gwapo at ang tangkad niya dai! oha? baka malay niyo kami na susunod na ikakasal. Think positive ne, pero wag maging assuming. Ay naku naku naku..  tumingin siya sakin. wag kangang pahalatang lumalandi ka! che! tumigil ka nga utak..

"Ate Resty!! Picture tayu" narinig ko ang sigaw ni Red. Eh akong mabait na pinsan tumakbo agad at nagpapicture. Ang ganda kaya! Apat kami, nasa tabi ako ni Red tapos nasa tabi din ni Tanya ang kapartner kong gwapo *o*. Ay ako na ang malandi, sige!

Reception

"Si Resty ang nag design nang lahat na ito, pati na ang wedding cake" Narinig kong sabi ni Tanya kaya napalingon ako. Hooo! kausap niya pala ang kapartner ko.

"Amazing ha" sagot ng kapartner ko.

Oh? Amazing daw ako.

"Oh wait Tanya, tumatawag si Dianne"

-_____- Dianne? sinong Dianne?? Anak ng! May Girlfriend na pala yan eh, Walang kwenta! pweh!! talagang iniwan na ako ng panahon.

Bakit ba kasi ganito ang buhaaay? *iiyak* *pakamatay*

teka, biro lang.. kayu naman.

"Oddy, are you okay?"

Kilala niyo na yan!

Nasa tabi kasi ako ng Dagat, heto.. Nagdadrama na naman ang peg.  Hah! Kala nyo hah.. Ako kaya ang best actress dito.
"Okay lang ako"

Naramdaman kong tumabi siya sakin.

Napabuntong hininga ako. Ki walang kwentang rason kong  bakit nakakarandam ako ng lungkot, dahil lang wala akong boyfriend.
" Bakit, may girlfriend na ba ang Anthony na iyon?"

"May Dianne daw, che! paki ko sa kanya."

" Di bale, I have a good friend. Ipapakilala kita sa kanya.. Be ready tomorrow ha"

Napatawa ako, pero sa loob looban ko nakaramdam ako ng inis. Ilang dates na ba ito?  Tapos sa huli ako rin naman ang nasasaktan.
" Gab naman, ayoko nang makipag date sa mga kakilala mo. Tsaka alam mo namang sa huli hindi rin naman ako nagugustuhan. Tinatamad na ako. "

Masyado kasing masakit ang huling heartbreak ko. He was my collegue, hindi High School palang kami, kilala ko na sya. I thought he was my true love kasi iba sya. I was his secret admirer in high school hanggang nag college. Ginawa ko ang lahat, para lang magustuhan niya ako. We were in the same University, gusto ko kasi siyang makita parati kaya sinundan ko siya. Siguro kayu gusto niyo na akong paluin. I'm such a fool...  Masyadong masakit ang mga huling salitang ibinigay sakin. I was so obsess to him. Sabay kaming gumraduate, he was a Journalist and ako Culinary. After graduation, Nagkikita kami pero pansin kong  hindi sya komportable sa akin, na para syang naiinis. And then one day, nagising ako.. Gusto ko nang magtapat sa kanya..

Flashback

"Fred, chocolate" Inabot ko sa kanya ang isang green paper bag, puno ito ng chocolate na galing pa sa ibang bansa. Nakayuko akong ibinigay sa kanya ang Bag. Alam ko kasing namumula na 'tong mukha. Nasa park kami, nakaupo sa isang couple bench. Napapalibutan ng mga puno at puno ng maraming lights. How Romatic the place is, pero hindi ko pa alam kong anung mangyayari.

"Thank you Resty"

"Ahm, Fred..--"
Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng bigla syang lumuhod sa harap ko.

Eto na ba ang hinihintay ko?

Napangiti ako " Oo, Fred.. Payag akong maging girlfriend mo " halos na pasigaw kong sabi.

Pero biglang binalot ng galit at inis amg kanyang mukha.
"Anung sinasabi mo? " taka niyang tanong sakin

" Lumuhod ka--"

"Nagkakamali ka ng inakala, babae.. Pwede ba!" Bigla siyang tumayo.

"I knew it, ikaw ang nakakainis na stalker ko" lumapit siya sakin at tumawa.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang hiya ng mga sinabi niya.
"Anu? Hindi ka makapagsalita? Oh C'mon Resty, stop making yourself fool"

Ang tanga ko
" Pakiusap Resty, stop following me or stalk me. Tsaka please, lumayo ka na sakin, dahil baka pagtawanan ako at e bully ng mga collegue ko. Ayokong mapahiya, ayokong malaman nila na ikaw.. Nagkagusto sakin"

Halos mapanganga ako sa mga sinabi niya. Nanlulumo na ang aking mga mata, lumalabo na ito.

Tumawa siya "thanks for the chocolates, akin nalang to.. Sayang naman"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumakad na sya papayo hanggang hindi ko na sya nakita pa.

Napaka kapal talaga ng mukha niya.

Napangiti ako sabay kumawala ang aking luha at tuluyang dumaloy sa pisngi ko.

Anu pa nga ba ang bago?

End of flashback

Kaya simula no'ng nangyari iyon, mas nakasanayan ko nang ma reject. Naging pusong bato na ako. Hindi na ako umiiyak.

" Naniniwala akong meron talagang lalaking magpapasaya t sasama sayu Forever Oddy" Gabriel

Itong taong ito, lahat na ata ng paraan na nagawa na niya pero wala pa rin.

" tsk, hayaan mo na pinsan darating din siya"

"alam kong masama ang loob mo dahil hindi mo nasalo ang boquet kanina"

" As usual Gabriel, hindi nga talaga ako ang susunod na ikakasal. "

*ring ring* *ring ring*

" Wait Oddy, sasagutin ko lang to.. "

" Hi Love"

Chosero itong pinsan ko.

" yeah, I'm going home tonight.. Take care of yourself and our baby. Goodbye Love, see you later. I love you"

Binaba na niya ang kanyang cellphone.
" ikaw, umuwi ka na. Hinihintay ka na nang asawa mo"

" ok ka lang ba dito? "

" Oo naman"

" Okay, mag-ingat ka pinsan ha. Love you " sabay beso, tapos lumakad na sya
" hoy, bilisan mo..tandaan mo buntis ang asawa mo"

Kumaway nalang sya sakin at tuluyan nang umalis.

Anak ng tinapa, mag-isa na naman ako nito.

Hinayaan kong humiga ang katawan ko sa buhangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga.

" Miss? Miss! Nako, baka nagpakamatay to. Tsk, nakagown pa".

Naramdaman kong tinatapik ang balikat ko. Tapos biglang kinurot ang ilong ko. Anak ng ! Sino ba 'to??

--
Authors note

okay lang ba? Please leave your comment and also your vote. I would love to ^^ xsixsi

By the way

Si Gabriel ang nasa picture

Maid of HonorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon