Isang napakagandang araw nga naman! Pero siguro kaya kayo narito ay hindi maganda ang iyong araw.
Payo #1
Tandaan mo, lahat ng tao ay kailangan ng payo.
Hindi porket 1st honor ka kaya mo na ang sarili mo o kaya naman feeling mo ikaw na ang love guru o adviser ng grupo ay alam mo na ang gagawin mo.
Hindi sa lahat ng panahon ay tama tayo at minsan kinakailangan nating humingi ng payo sa iba.
Minsan naman kahit hindi tayo humihingi ng payo kailangan padin nating makarinig nito para malaman nating tanga na pala tayo.
------------
Maganda araw!!
Ang librong ito ay mga payo lamang sa mga mambabasa.
Paalala payo ay advice lang di ko sinabing gawin nyo ha.
Ang mga payo na ilalagay ko rito ay maaring gamitin nyo upang mamulat ang inyong mga mata sa mga pinag gagawa mo.
In short wag kang tanga
-mahiyaing binibini
