Ikaw Ay Minamahal Ko - August Jacinto - Chapter 6 FINALE

519 5 0
                                    

Chapter 6

                Naging mahirap ang unang buwan ni Raf, una dahil malamig doo at pangalawa dahil nahirapan siyang maging independent sa Amerika, pero naging maganda ang paghahanap niya ng trabaho. Barista sa isang Coffee shop mula 6am hanggang 2pm, nagaaral ng Culinary mula 4pm hanggang 10pm. At pahinga mula 10pm hanggang 6am. Naging madalas pa din ang communication nila Raf at Marvin.

                After 3 months nakagraduate na si Raf at pumasok siyang assistant Chef sa isang restaurant sa New York. May nakikilala siyang mga Pinoy pero naging kaibigan niya ang magasawang si Robby at Rhea na 2 taon ang agwat ng edad sa kanya. Purong American si Robby at mayaman at purong Pinay si Rhea na may business sa America. Nagkakilala sila dahil naging classmate ni Rafael si Rhea sa culinary school.

                “Raf, doon ka na magdinner sa amin. I will cook Robby’s favorite Filipino Food Kare-kare.” Sambit ni Rhea habang naglalakad silang dalawa pauwi galling sa isang wedding ng kapwa nilang Pinoy. “Sure.” Pagsagot ni Raf. Sige maiwan na kita, puntahan ko lang si Robby sa office niya. Bye Raf.” Pagpapaalam ni Rhea. Naiwan si Raf sa gitna ng Time Square. Dumeretso sa inuupahang apartment si Raf at binuksan ang Computer para tignan kung Online ba si Marvin, pero hindi ito online kaya sinarado niya na lang ang laptop at naghanda ng isusuot sa dinner sa bahay nila Rhea.

                After 5 hours ay pumunta na sa bahay nila Rhea si Raf. Sinalubong siya ni Robby dahil nagluluto sa kusina si Rhea. “Goodevening Raf. Come in.” sambit ni Robby, matipuno, gwapo at head-turner si Robby at bagay naman sila ni Rhea na matangkad at Beauty Queen sa Probinsya nila sa Pilipinas. Sa dalawang taon nilang pagiging kasal ay di pa sila nabibiyayaan ng anak. ‘Thank you Rob. How are you?” tanong ni Raf matapos ilagay ang kapote sa Coat rack. “I’m Fine, you look great today.” Sambit ni Robby. “Raf, I’m happy you come. Doon ka muna sa sala, tatapusin ko lang ang niluluto ko.” Singit ni Rhea na sinalubong din si Raf. “Sure, take your time.” Sagot ni Rf. Bumalik sa kusina si Rhea at tinuloy ang pagluluto.

After 15 minutes tinawag na ni Rhea ang magkausap na si Robby at Raf para kumain. Hindi pa nakakaupo sa dining table si Raf ay amoy na niya ang mabangong Kare-kare na luto ni Rhea. Hindi nagtagal ay kumain na sila, nagkekwentuhan sila ng may biglang itanong si Raf. “Rhea, I’m planning to stand a business. Would you like to be my partner?” tanong ni Raf. “What kind of business?” tanong ni Rhea. “A Cupcake store.” Sagot naman ni Raf. “Wow, actually I’m planning to have a Food business but I have no idea what to plan.” Sagot naman ni Rhea. “Can I join Rafael’s plan of having a Cupcake business hon?” tanong ni Rhea sa asawa. “Sure hon. No problem with me. I will also help you with that.” Sagot ni Robby. Tuwang tuwa sa narinig si Rhea kaya hinalikan niya si Robby sa pisngi. “Maybe later we can talk about it.” Sambit ni Raf.

One hour din kumain ang tatlo bago natapos. “Rafael, maupo ka muna sa sala, mamaya natin pag-uusapan ang tungkol sa plano natin.” Sambit ni Rhea na nililigpit ang pinagkainan nila. Dumeretso si Raf sa living room at doon siya naupo. Nilabas niya ang phone niya sa bulsa niya at pinadalhan ng mensahe si Marvin. Marvin, magonline ka after 3 hours after mong marecieve ang message na ito. Nang maisend niya ang message ay dumating si Rhea at sinabing “Si Robby na daw muna ang maglilinis ng plate para daw mapag-usapan natin yung tungkol sa business.” Nag-usap for an hour sila Rhea at Raf, napagplanuhan nila mula maliliit na details hanggang sa malalaki pero nahirapan sila sa pangalan ng business at kung saan itatayo ito. “Ganito na lang bukas maghahanap ako ng pwede nating pagtayuan ng business tapos mag-isip na lang tayo ng idea kung anong inename natin. Una na ako magoonline kasi ako.” Paalam ni Raf. Hinatid ni Rhea si Raf sa pinto at nagpaalam. Limang blocks lang ang pagitan ng bahay nila Rhea sa tinitirhan ni Raf. Habang naglalakad ito ay may nakita siya na signage na nagsasabing FOR SALE ang isang maliit na store. Pumasok siya dito at hinanap kung sino ang pwedeng mapagtanungan hanggang Makita niya ang isang babae. Nag-usap ang dalawa at naging maganda ang transaksyon. Binayaran agad ni Raf ang store after 2 days at nag-umpisa na sila Rhea na irenovate into Preppy yet Unisex store ito at nakaisip na sila ng Store name R’s CUPCAKE HOUSE. After 2 months ay nagbukas na ito, naging patok sa mga tao ng New York ang Cupcake store nila. In just 5 months ay nabawi na nila ang pinuhunang pera.

Ikaw Ay Minamahal KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon