Ikaw Ay Minamahal Ko - August Jacinto - Chapter 1

3.3K 22 0
                                    

Characters:

Main

v  Rafael Custodio (18) – Mabait, gwapo, mapagmahal, mapagbigay at marunong manindigan. Pero hanggang saan nga ba ang paninindigan niya kung may isang lihim itong itinatago.

v  Fina Reyes (18) – mabait, tahimik at magandang kaibigan ni Rafael. Mahuhulog ang loob sa kanya si Rafael. Pero hanggang kalian niya mamahalin si Rafael kung may ibang taong magmamahal sa kanya.

v  Miguel Jacinto (19) – matalino, mayaman pero napakaDown-to-Earth na bestfriend ni Raf. Kaibigan ni Rafael pero maiinlove kay Fina. At anong sikreto ang itinatago niya.

v  Marvin Jacinto (19) – gwapo, mayaman at disenteng kakambal ni Miguel. Mapaglarong lalaki, mapanlinlang na ugali yan ang totong Marvin.

Minor

Ø  Accel Aquino (18) - isa sa mga campus heartthrob.  Mahilig sa magaganda at sexy na babae.

Ø  Anthony Javier (19) – mapagmahal at masipag na campus crush.

Ø  Jeric Montereal (18) – anak ng mayor na classmate din nila Rafael. Gwapo, mayaman at may pagkamayabang.

Ø  Angel Castro – makulit at masayahing kaibigan.

Ø  Gerry De Guzman –loyal, gwapo pero misteryosong tao.

Ø  Mylene de Vera – best friend ni Fina. Mabait at mapagkakatiwalaan.

Ø  Paula Dizon – maganda, makulit at mainitindihing babae. May crush sya kay Miguel.

Chapter I

                First day of college life ni Rafael. Maganda ang araw at mukhang hindi uulan, pero kinakabahan si Rafael sa mga taong makakasalimuha nila. Mayaman sila sa katunayan sa isang eksklusibong subdivision siya nakatira, home study siya simula Elementary at High School pero naisip niya na pumasok sa Ateneo de Manila University at kumuha ng Diplomat course bilang paghahanda sa pagmamana niya ng negosyo ng kanyang ama ang Custodio Group of Company.

                After niya maligo, bumaba na siya at dinatnan niya ang Papa at Mama niya sa dining table. Masarap ang almusal nila may hotdog, ham, bacon, egg, juice, coffee at fried rice. “Wow, ma ang favorite kong Fried Rice” sambit nya sabay hug sa mama niya. “Syempre anak nagpatulong ako sa Yaya Dina mo para iluto yan for the first day ng pagpasok sa totoong eskwelahan ng baby ko.” Sagot namn ng mama nya. “Raf, ipahahatid ba kita kay manong sa school?” Tanong ng papa ni Rafael. “No pa, kaya nga tinuruan nyo akong magdrive at binili pa ng car para imaneho ko diba?” Sagot naman ni Rafael. “Ok son, but make sure you will obey the traffic rules ok?” sagot ng papa niya. “Yes sir, I promise.” Sagot ni Raf sabay kagat sa kinakaing Hotdog.

                After an hour sabay na umalis ngunit sa magkaibang sasakyan ang mag-ama sakay ng Black na Hyundai Coup ang papa ni Raf. At si Rafael ay sa binigay sa kanyang sasakyang red na Porsche 911.

                30 minutes ang byahe ni Rafael bago makarating sa ADMU compound. Sa may likod nagparada si Rafael. Kinuha niya ang bag at Registration Form para tignan kung saan ang first class niya. Nang Makita niya ang room ay umakyat ito sa hagdan ng biglang tumunog ang kanyang cell phone. Nagtext ang mama niya at kinakamusta siya, nagreply ito at sinabing papunta na sa first class niya.

                Nang makita na niya ang class room niya ay humanap agad ito ng bakanteng upuan. Nakakita siya sa may left side sa tabi ng bintana, pag upo niya ay napatingin siya sa katabi niya.

Ikaw Ay Minamahal KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon