0.3

14 1 5
                                    

Nakakahilo pala ang paghahanap ng class mo pagcollege. Kanina pa ako naghahanap diko pa rin makita. English 1 kasi ang una kong klase at hindi ko parin makita room ko. Jusko ayoko malate sa first day of school ayoko magkaroon ng bad impression sa akin prof ko hano.

Napunta na ako sa library pero hindi ko parin makita. Paano ko nalaman na library? Malamang may mga libro mga boi hay nakuuu charout!

Saglit akong humilig sa pinto ng library dahil napapagod na ako. Ikutin ba naman ang buong campus hano?

"Ahmmm, excuse me."

Nagulat ako ng bigoang may nagsalita ako sa likod ko kaya agad akong napalihis sa daanan ng library.

"Sorry hehe." Paghingi ko ng pasensiya sa lalaki at napakamot sa ulo.

Nagulat na ako nang biglang bumalik siya.

"Miss? Naliligaw kaba?" Tanong niya sa akin

Sasabihin ko ba? Nakakahiya naman baka sabihin  katanda tanda ko na pero naliligaw parin ako pero sabagay diko naman kasi talaga alam yung room ko e.

"Oo e." Ata napahawak na lang ako sa batok ko.

"Ano ba class mo?"

"Room 128"

"Malapit na dito yon. Samahan na kita."

"Talaga?! Salamat ah."

"Let's go."

Mabuti na lang talaga mabait tong si kuya! Your My Savior huhu.

Malapit na ngalang talaga pala. Hindi pa naman nagsisimula yung class namin kaya okay lang.
Isang malaking pasasalamat ang ginawa ng Savior ko huhu.

"Thank you ha." Sabi ko sakaniya

"Wala yon. I'm Daryl Tuazon from Department of Engineering and you are?" Shakssss! Ngumiti si kuya mo! Nakakatunaw naman ngiti niya.

"Ah ehh.. I-I'm Irene Her-hernandez."

"Alis na ako."

"Sige. Thank you."

At tuluyan na nga siyang umalis. Wahhh! Nakakahumaling naman ngiti ni Daryl!

Pumasok na lang ako at umupo sa gitna. Mas masaya sa gitna kasi kita lahat. Ewan ko mas gusto ko talaga sa gitna pagnagklaklase kahit dati pa.

Nagsimula na ang klase namin saglit lang ang naging roll call at nagsimula na sa discussion. First day discussion agad hoooo!

Natapos naman agad ang mga klase ko at lunch na ngayon. Nagugutom na ako kaya nagtuloy tuloy na ako sa Cafeteria. Nang makabili na ako ay tsaka ko lamang naalala si Sukie. Nanag nakaupo ako agad ay chinat ko na siya.

Me

Sukie! Nasa Cafeteria na ako sunod ka nalang.

Hindi naman din ako  naghibtay nang matagal dahil nakita ko na din siya agad. Nakabusangit siya habang papunta sakin.

"Anyare sayo?" Tanong ko sakaniya.

"Nakakabusit lang! First day of school nagdiscuss agad naman oh tinatamad pa ako e."

"Same. Pumila ka na wala ka pang pagkain."

"Hingi na lang ako sayo." Sabay amba niyang kuha sa pagkain ko ngunit agad ko iting hinablot papunta sa akin.

" Hooo! Gutom ako bumili kana."

" Damot talaga." Sabay irap sa akin at bumili.

Kumain na kaming mabilis ni Hyunsuk dahil may klase pa ako ng 1 pm pero siya 2 pm pa kaya balak daw muna niyang pumuntang field kaya naghiwalay na kami agad.

Mabilis dumaan ang oras at tapos na ang lahat ng klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Hyunsuk
Nandito ako sa gate. Hintayin kita.

Agad agad akong nagmabilis sa paglalakad at pumuntang gate. Nakita ko siya na nakahilig sa tabi nito at sikbit sukbit ang kaniyang bag. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at dumamba.

"Anditan kana pala. Ano tara na?"

"Tara na!"



Stay || Choi HyunsukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon