Chapter 16:

13 0 0
                                    

- Fury's POV -

Pagkatapos kong kumain ay napatingin ako kay Yuki. Mukhang natutulog nanaman siya, palagi bang kulang ang tulog nito at palaging inaantok.

Habang pinagmamasdan siya ay naramdaman kong may tumitingin samin kaya linibot ko ang paningin ko sa paligid. Ramdam na ramdam kong may nakatingin samin pero di ko ma pinpoint kung nasaang parte tumatago ang nag mamanman samin.

Pababa na sana ako ng puno ng makarinig ako ng isang bagay na parang inislice ang hangin. Ano nanaman kaya toh, mukhang di na ligtas tong university.

"Shit!" bigla akong napalingon kay Yuki na nasa tabi ko.

Hawak hawak niya ang braso niya, napatingin ako dito at nanlaki ang mata ko ng may dugong tumulo mula dito.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko sakanya pero di niya ko pinansin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sina Aki na pumunta sa lumang garden at hanapin ang may gawa nito, alam kong nandun pa siya dahil ramdam ko pa ang mga tingin niya samin. Pagkatapos kong tawagan sina Aki ay tinulungan kong bumaba si Yuki mula sa puno dahil di parin tumitigil ang pag tulo ng dugo niya.

Nang makababa kami ay agad kong hinila si Yuki papunta sa likod ng puno dahil may dagger nanaman na papalapit samin.  Di ko alam kung sino ang target ng mga dagger na yun. Tiningnan ko si Yuki dahil bigla siyang tumahimik, pagtingin ko sakanya ay namumutla na siya. Parang ano mang oras ay mawawalan siya ng malay.

"Anong nararamdaman mo?" tanong ko sakanya

"M-may la-lason"  nanghihinang sabi niya.

"Ha?! Hoy Nerd wag mo kong tutulugan!" pinipilit kong wag siyang pumikit, biglang natumba si Yuki kaya agad ko siyang sinalo, "Shit!"

"King!!" nakita ko sina Aki natumatakbo papalapit samin, kasama nila ang mga kaibigan ni Yuki.

"R!" tawag nila kay Yuki ng makalapit sila.

"Hanapin niyo kung sino ang may gawa nito, kunin niyo rin yung dalawang dagger" utos ko sakanila. 

Agad namang sinunod nila Ken yung sinabi ko at tumakbo papunta sa kabilang bahagi ng lumang garden, sumunod rin  sakanila ang dalawang lalaking kaibigan ni Yuki.

"Anong nangyari?" tanong nung tinatawag nilang Kelly.

"Nakaupo lang kami sa taas ng puno nung biglang may dagger na sumulpot at tumama sa braso ni Yuki" paliwanag ko 

"This is bad, this is so bad, lagot tayo pag nalaman toh nila ti-" 

"Friya! can you please stop panicking and ran to the Dean's office!"

"I'm not panicking!"

"Yes you are! So stop what your doing, AND F*CKING GO TO THE DEAN'S OFFICE!!"

Nag palipat lipat ang tingin ko sa dalawang babaeng nasa harap ko, bigla silang tumahimik at nag titigan na para bang nag uusap ang mga tingin nila. Maya maya pa ay biglang tumayo yung tinawag nilang Friya at tumakbo papunta sa Dean's Office.

"Hey, can you help me and bring her to the infirmary" napatingin ako kay Kelly ng sabihin niya yun.

"Sure" dali dali akong tumayo at binuhat si Yuki ng parang bagong kasal at nag simulang mag lakad-takbo papunta sa infirmary.

Lahat ng madadaanan naming estudyante ay napapatingin samin. Ang iba nagugulat, ang iba naman ay parang nakakita ng bagong pagchichismisan. Si Kelly naman ay nasa likod namin at nakasunod samin.

"Nurse Kyla!" tawag ko sa school nurse namin ng makarating kami dun.

"Yes Sir- Omy!" naputol ang dapat sasabihin niya ng makita kami, agad niya kaming pinapunta sa isang kama, kaya linapag ko agad si Yuki sa kama.

Linapitan ni Nurse Kyla si Yuki at chineck ang sugat nito sa braso na kahit ako ay hindi ko alam kung daplis lang ba ito o malalim ito. Pagkatapos icheck ay lumapit samin ni Kelly si Nurse Kyla.

"Sir Fury, medyo malalim po ang sugat niya and she needs stickes pero kaya naman po itong itahi  dito sa infirmary" sabi sakin ni Nurse Kyla

"Go ahead Nurse Kyla do what you need to do" sabi ko.

"Wait...What?" medyo nabigla ako sa tanong na yun ni Kelly, di ko nalang siya pinansin at tiningnan ko si Nurse Kyla na lumapit ulit kay Yuki.

Nakahanda na si Nurse Kyla na tahiin ang sugat ni Yuki ng biglang inagaw ni Kelly yung karayom.

"You cant touch her" biglang sabi ni Kelly, na naging dahilan para kumunot ang noo ko.

"Pag di tinahi ni Nurse Kyla ang sugat niya, mas lalo siyang manghihina dahil sa nawawalang dugo sakanya" sabi ko sakanya.

"I dont care. Just dont touch her" - Kelly

Linapitan ko si Kelly at hinila papalayo sa kama ni Yuki.

"Go ahead Nurse Kyla" - ako

"Dont f*cking touch her" bigla akong sinuntok ni Kelly ng napakalakas sa mukha kaya nabitawan ko siya, lumapit ulit siya kay Yuki, "Try to touch her and I wont think twice to kill you"

Napatingin ako sa hawak niyang scalpel na hindi ko alam kung saan at kailan niya nakuha. Nakatutok ito samin.

- Kelly's POV -

"Kelly!" parepareho kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Friya dun.

"What took you so f*cking long?!" nabubuset na tanong ko sakanya.

"Hinintay ko pa si Gi- I mean si Dean" - Friya

Pagkasabi nun ni Friya ay biglang pumasok si Gio sa pinto. Tiningnan niya muna ako at si Yuki na walang malay sa likod ko bago bumaling kay Fury at dun kay Nurse Kyla.

"I think you should leave first" sabi niya habang nakatingin kay Fury at Nurse Kyla.

"What?!" - Fury

"Pati po ako?" tanong ni Nurse Kyla

"Yes now get out" mahinahon pero may diin na sabi ni Gio.

Mag sasalita pa sana si Fury pero lumabas rin lang siya nang makita niya na nakatingin parin sakanya si Gio. Paglabas nila Fury ay humarap sakin si Gio.

"Why are you holding that scalpel?" tanong niya

"Pinangtakot ko lang sakanila para di nila galawin si Blood, makikita nila ang tatoo niya sa may braso pag ginalaw nila ang sugat niya" sabi ko, "And what took you so long?"

"May hinanap pa ako sa loob ng office ko" sabi ni Gio

"At ano namang hinanap mo na mas mahalaga pa kay Blood?" sarcastic kong tanong sakanya.

" Nang sabihin ni Friya na nawalan ng malay si Blood pagkatapos nitong masugatan ng isang dagger naisip ko agad na possibleng may lason ang dagger na yun kaya hinanap ko pa tong antidote" sabi ni Gio at pinakita sakin ang isang maliit na bote na may lamang liquid na color blue.

Lumapit siya sa harap ni Yuki at kumuha ng injection sa tray na pinagkuhaan ko nung scalpel. linagay niya yung antidote sa loob nung injection saka ito itinurok sa braso ni Yuki.

"That's enough to work, Ok na si Blood kailangan niya nalang ng pahinga" sabi ni Gio at tumingin samin ni Friya.

"Sino ang mag tatahi niyang sugat ni Blood?" tanong ko sakanya.

"Kailangan natin siyang iuwi sa mansion nila" sabi niya.

"Pano natin magagawa? Magagalit yun si Yuri pag nalaman niya toh" sabi ko

"Not if si Friya ang mag sasabi" sabay kaming napatingin kay Friya na ngayon ay parang naiiyak nung makitang nakatingin kami sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon