Prologue

2 3 0
                                    

"Baka nagmumuni muni lang ako, ano ba Lindsay, you already married him at imposibleng may anak na siya." sambit ko sa sarili ko.

Kanina lang ay nakita ko si Chico na may kasamang bata at tinatawag siyang "Daddy" maybe tawag lang iyon sa kaniya. You know kids are just like that.

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang kaibigan kong si Kirsten. Pawisan at gulat na gulat siya.

"L-lindsay..." bungad niya sa akin.

I wasn't wrong, right? O 'yung mga hinala ko totoo na talaga? No! No! I know Chico won't do that to me.

Wala pang sinasabi si Kirsten, Lindsay. Ano ba! Umayos ka! Hindi ko namalayan na pumapatak na ang luha ko. Napaluhod na lang ako at tiningala ang aking kaibigan.

"Lindsay, s-si Chico m-m-may asawa na s-siya dati. Si Ate Freya, t-they divorced d-dahil g-gusto ka niya pakasalan." sambit ni Kirsten at niyakap ako. Tuluyang gumuho ang mundo ko.

"All this time! Tama ang hinala ko! Why do I have to suffer from this? Bakit?" patuloy pa ring umaagos ang luha ko at parang hindi na ito titigil. Narinig na lang namin ang pagkalampag ng pintuan.

"Lindsay! Lindsay, magpapaliwanag ako. Sweetie... mali ang akala mo. I ma-" agad kong pinutol ang kaniya g sasabihin.

"ENOUGH, SIR CHICO! I'M DONE WITH THIS SHIT! LUBAYAN MO MUNA AKO, PLEASE. KUNG SINABI MO PA LANG SA AKIN N'UNG UNA HINDI 'TO MANGYAYARI." sigaw ko.

"Do you really love me? Why don't you even trust me? 'Cause no matter what, I'll accept you for who you are. Chico, kahit ano ka pa, mahal kita, and that will never change kahit na ilan pa ang naging asawa at anak mo. Dahil mahal kita. But for now, ayaw ko na..." dugtong ko.

Agad akong pumunta sa aking kwarto at ikinulong ang sarili ko doon.

Akala ko, hindi na matatapos ang kaligayahan ko, but little did I know, I married him and he remarried me.

Married and RemarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon