Lindsay.
"Oh my God, Lindsay!" bungad sa akin ni Demi at bakas sa mukha niya ang tuwa.
Nakakarindi ang ginawa niyang pagsigaw. Gosh, if only I have the power to change someones voice, papalitan ko talaga ang sa kaniya dahil sobrang tinis nito and my damn ear can't handle that kind of noise.
"Can you lower your voice a bit? Ugh, Demi! Ang sakit sa tenga." I grinned at her at galit na tumingin sa kaniya.
Eh kasi naman, alam na nagbabasa ako parati, instead na lapitan niya ako she'll surprise me with her intimidating voice. Gustuhin ko man na masanay pero hindi talaga. I can't.
Bigla siyang lumapit sa upuan ko at inakbayan ako. Damn this girl. "Sorry na, alam mo naman pag naeexcite ako", sambit nito. Bakas pa rin sa mukha niyang tuwa. Kahit na inis ako hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano ba talaga ang sasabihin niya.
" Get to the point, Demi."
"Since magtatapos na ang school year, nakita ko kase doon sa announcement board na nagha–."
Naputol naman ang sasabihin niya dahil narinig namin ang nagdaragaang yabag ng mga kaklase namin. Jeez, they're coming. Ano ba kasing meron at halos lahat sila wala dito sa room at ako lamang ang natira? Palakas ng palakas ang mga yabag nila. Napatingin ako kay Demi na tumayo at naglakad papuntang pinto para i-lock ito at hindi sila makapasok. Ngunit, bago pa niya ito magawa ay a—
"LINDSAAAAAAY!" sigaw ng mga kaklase ko sa akin at napapikit ako dahil nakakabingi ang ginawa nilamg ingay. Agad akong napatayo at tinignan silang lahat ng masama.
"What?" tanong ko sa kanila.
Napa-cross arm na lang ako ng wala sa oras. Kung may ideas man sila na gagawin, I totally hate it. Kung pwede na ilayo ako sa kanila. Kung pwede lang. Hindi ko namalayan na nakapalibot na sila sa akin at hinawakan ang aking braso at hinila ako. Napatingin ako kung sinong may-ari ng kamay na iyon. No other than, Sam. Well, siya lang naman ang nag-iisang lalaki na nagtotolerate ng ganitong gawin. He's been my classmate since junior high at until now na senior high ako. Humarap siya sa akin at nginitian ako. Napakunot na lamang ang noo ko dahil that's the first time na ngumiti siya ng ganon sa akin. Uhh, it's a genuine smile.
Nakakadiri.
Kinilabutan ako sa ginawa niyang pag ngiti. I swear.
"Grabe ka naman, Lindsay." sambit ni Sam.
"Oh, so well, ano gusto mong maging reaksyon ko? Kiligin? Like, sabihin ko sa'yo na 'hihi, ang gwapo mo pag nangiti ka'. That's totally... gross." pananaray ko sa kaniya.
"Tsaka isa pa, saan niyo ba ako dadalhin? Tsaka 'yung kamay mo, 'di mo naman kailangan na hilahin ako, look" sabay turo ko aking paa. "I have feet."
Tumawa naman siya at tinignan ako ng nakakaasar. We'll probably dahil sa ang dami kong nasabi. Lumuwag naman ang paghawak niya sa akin at tuluyang binitawan ang braso ko.
"Hay, hay, Lindsay. Calm down, ang dami agad nasabi. Tsaka papunta tayong guidance offi–"
"What!? Guidance Office?" napasigaw na lang ako dahil nabigla ako sa sagot ni Sam.
Agad namang lumapit ang isa ko pang kaklase na si Angela kay Sam at binatukan ito sa ulo. "Aish! Kahit kailan talaga Sam! Alam mo namang tatakbuhan niyan tayo pag sinabi mo ." sambit ni Angela.
"Eh kaysa naman mabigla siya na nasa harapan na tayo ng guidance. Papalag pa 'yan at magpupumilit na ayaw niya pumasok." sagot ni Sam.
"Alam mo–" hindi na nakapagpigil si Angela at binatukan muli ito.
BINABASA MO ANG
Married and Remarried
Teen FictionWhat if you were tricked that he's been single all the time and your the only woman that he marries?