2nd

2 0 0
                                    

"Mag-boarding house ka na lang kasi, ate."

Nanonood ng telebisyon si Allan, ang bunso naming kapatid. Siya rin ang taga-hatid at sundo sa'kin sa ECD Shores. Paulit-ulit niya talagang sinasabi sa'kin na dapat hindi na ako uuwi sa bahay. Kasi masyadong delikado, isa pa expire na 'yung driver's license niya.

"Ayan ka na naman eh. Talaga bang napapagod kana kaka-hatid at kuha sa'kin?"

Lumingon siya sa pwesto ko na naka-simangot. "Hindi naman sa gan'on, ate. Ang sa'kin lang naman, delikado kasi baka may taong iba ang trip. Hindi natin hawak ang isip ninuman."

Bumuntong hininga ako ng maalala ang nangyari noong isang gabi. Ka-muntik muntikan na 'yun. "Eh, sa ayaw kung mahiwalay sa inyo."

Nagkatinginan si Nanay at Allan, habang nakapatong lang ang dalawang kamay ni Jeanna sa ibabaw ng lamesa. "Hindi ka naman mamamatay!"

"Oh, ano? Joke lang naman! Ang highblood niyo naman." Nag-peace sign lang si Jeanna habang naniningkit ang mga mata.

"Hindi oras ng biruan, Jean. Magseryoso ka kaya minsan?" Pagsusungit ni Allan kay Jean.

Tumayo na si Nanay at inawat ang dalawa. Baka saan pa mapunta ang alitan ng dalawa. Para pa namang aso't-pusa kung pinagsama.

"Tsa.tsa. tigilan niyo na 'yan." Lumapit si Inay sa akin at umupo sa tabi ko. "Anak, bisitahin mo nalang kami dito paminsan-minsan. Masyadong malayo at delikado kasi talaga 'yang lugar na pinag-tratrabhuhan mo."

"Nanay naman eh." Yinakap ako ni Nanay, sabay pahid sa luhang tumakas sa kanyang nga mata.

"Mag-iingat ka doon anak ha? Palagi kang tatawag o kahit text man lang." Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Si Nanay naman, hindi naman ako mag-aabroad. Diyan lang naman sa kabilang kanto ako mag-rerenta ng kwarto."

Napuno ng tawanan ang apat na sulok ng aming tahanan. Kahit mahirap kami'y sagana naman sa pagmamahal ng bawat isa. Gutom at uhaw sa mga ibang kagamitan pero busog at malusog naman sa pagmamahal.

---

"Hi! Good day, may I take your order, please?"

Pinuntahan ko agad ang isang table ng guest na kumakaway malayo sa'kin. "Can I have some the best seller you have?"

I smiled automatically and pointed all the best seller to them. The guest order three different best seller. I bid goodbye to them.

"Chief, one grilled tuna, one spicy tuna steak and one calamares for table two for three person. Thanks!"

Tumalikod na ako't pumuntang cashier area. E-tinotal ko lahat ng mga orders ng mga guest. As usual kung ginagawa.

"Tess? Pwedi ka bang makausap saglit?"

Napatingala ako agad ng marinig ang boses ni sir Mio. Tumayo ako sa upuan. "Ay, opo sir. Bakit po? Ngayon na po ba?"

Tumango ito at may kinuhang papel sa drawer na malapit sa table ko. "Saglit, tatawagin ko si Jo."

"Jo, pakibantayan mo muna dito. Kausapin ko lang si Tess." Lumapit si ate Jo sa station ko at naupo sa upuan. Tinuloy kung anong ginagawang pag-lalagay ko ng presyo sa mga orders.

"Pasuyo nalang ate Jo ha?" Sumunod na ako kay Sir Mio sa dulcenia area. Kung saan ang kabilang dining na walang guest na naka-pwesto.

"I have something to tell you Tess. Before that, read this first." Inabot ang isang naka-rolyo na papel. Agad ko namang kinuha ito at binuksan. Na-shock pa nga ako pero 'di ko nalang pinahalata.

October 2, 2021

To: Matessa Lucas

We would like to inform you about the ending date of your duty. As of October 5, 2021 is your last day of duty. As we check your daily performance, we noticed that you didn't meet the standard that we are looking at you. Thank you for the day you spent here at El Centino Dining Shores.

From: Head Department/ General Manager.

Napanga-nga ako't unti-unting tumango. "Pirmahan mo nalang diyn kung saan nakalagay ang pangalan mo."

Itinuro niya ang isang linyang may pangalan ko. Hindi ako bulag para hindi makita ang pangalan ko. Tss.

Tumango na lang ako't pumirma kahit labag sa kalooban ko. Saan ako nagkamali at anong standard ang pinagsasabi nila? "Wala na po ba akong ibang pipirmahan?"

Alam kung medyo bastos, pero talagang nakakabanas at napaka-bastos ng patakaran nila. "Wala na Tess, pwedi ka ng bumalik doon sa station mo."

Agad akong tumalikod at walang ni anong salitang binitiwan. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang ngiti ng mga kasamahan ko. Akala siguro nila'y isang magandang balita ang bibit ko. Pero 'di nila alam na pamamaalam pala ang hatid ng puting naka-rolyong bitbit ko.

--
"Ano? Talaga bang ginawa nila 'yun sa'yo? Patingin nga ng sulat." Nag-hehestirical na ahayag ni Ate Jo habang palabas na kaming Gate. Si Bel naman ay panay ang sulyap sa'kin.

"Hindi na talaga ako mag-tataka kung ganon." Biglang pahayag ni Bel. Napatigil naman ako ng bigla akong hilain ni Ate Jo sa gilid at pati rin si Bel.

"Tahimik ka Bel. Baka ikaw na naman ang pagbuntungan ng galit." Bel rolled her eyes in front of us. May pagka-maldita talaga si Bel, pero nasa tamang panahon.

"Totoo naman kasi Jo. Inggit sila kay Tess dahil maganda at pala-kaibigan ito. Ayaw na ayaw nilang nalalamangan sila. Mga bakla! Masyadong namemersonal." She rolled her eyes once again.

"Ha? Totoo ba 'yun.?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango sila at nahiya naman ako dahil 'dun. At syempre, nagalit din. Wala silang magandang dahilan para patanggalin ako sa trabahong 'to.

---

"Good morning, andyan po ba si Ma'am Mery?" Tanong ko kay Ma'am Tiff na teamleader ng front desk. Tumango lang ito at itinuro ang office ni Ma'am Mery. Kumatok ako ng tatlo at pinihit ang siraduraat pumasok rito.

Nakita ko si Ma'am Mery na naka-upo sa kanyang desk at ngumunguya-nguya pa. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago tinaasan ng kilay. Aba't 'tong HR kuno na 'to. Ka-gigil!

"Good morning po Ma'am. May itatanong lang po sana ako." Sabi ko at unti-unting lumapit sa pwesto niya. Tumango ito at itinuro ang upuang bakante na nasa harapan ng table niya.

"Regarding po pala sa pag-end ng contract ko kahit hindi pa po ako nag si-six months." Ngumuya-nguya siya ulit at tumayo. Tinungo ang trash bin at iniluwa ang bubble gum na nginunguya-nguya niya kanina.

"Tinatanggal ka because, nag-lalay off." Walang ganang pahayag niya at naupo ulit.

"Ano pong dahilan?"

"Dahil hindi mo na-meet ang standard. At hindi rin kasi parehas ang pagdagsa ng turista sa hotel na'tin. At napapansin mo rin siguro na ikaw ang bago kaya ikaw ang tatanggalin." Mahaba niyang pahayag habang busyng kinukulikot ang kung anong bagay sa bag niya.

"Siguro naman po, may karapatan talaga akong malaman kung ano ang dahilan ninyo. Marami naman po kaming bago pero ako po ang napag-diskitahan niyong tanggalin. At hindi po katanggap-tanggap ang dahilan niyong porke't bago ako. Malamang po at hindi ko na-meet ang standard, kasi di ba po BAGO AKO." Sabi ko ng madam-damin. Walang nasabi ni isang salita ang HR na si Ma'am Mery sa'kin. Kaya't inexcuse ko na ang sarili ko't umalis na.

I don't care if she will think that I am rude. I'm just showing my true self. Nagpapaka-totoo lang ako.

Humanda talaga kayo sa DOLE. Isusumbong ko kayo. Hindi pa nga ako nag-wa-one month at tatanggalin niyo na ako. Kainis!

--
shekaii26💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matessa LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon