1st

3 0 0
                                    

"Bilisan mo naman Tess! Kahit kailan ang bagal-bagal mong kumilos!" Walang humpay na kakadak-dak ng team leader namin na si Mio. Ewan ko sa baklang 'to. Palaging nakabantay sa bawat galaw ko. Sumunusunod kahit san ako pumupunta. Insecure sa beauty ko ang gaga.

"Opo sir." Dali-dali kung iniligpit ang pinagkainan ng guest. Kahit sobrang bigat ng mga pinggan na kaya kung buhatin ito ng isahan. Ang isang pinggan ay aabot ng isang kilo.

Inilagay ko na agad ang pinggan sa hugasan. Sobrang bigat, nangalay agad ang mga braso ko. Lumingon ako sa dining clock, malapit ng magsasara itong restaurant pero marami paring guest ang kumakain. Hanggang 10 'oclock lang tumatanggap ng guest na kakain, at 15 minutes nalang mag-te-ten na pero walang humpay ang pagdating ng guest na kakain.

Biglang tumunog 'yung bell, isang palatandaan na ready ng iserve ang isang pagkain.

"Chief?" Sabi ni Jasman na kasama ko sa dining. Siya 'yung kasabayan ko sa pagsimula dito sa 'El Centino Dining Shores'. Siya 'yung food runner namin. Waiter na taga bigay ng bawat order ng pagkain ng guest namin.

"Okay na ang Penne Arabiatta. Eserve mo na sa table eighteen." Sagot ni Chief Gerry. Ang head Chief ng PM Shift. Head Chief ng Grand kitchen.

"Okay po Chief." Sagot ni Jasman. Dali-dali niyang e-senerve ang pagkain sa table eighteen. Sobrang busy namin ngayon. Hindi magkamayaw ang order na natatanggap ng Grand kitchen. At panay naman ang sigaw ni Chief Gerry dahil mali-mali ang bawat presentation na ginagawa ni Yvan.

"Ayusin mo naman Yvan. Andami ng nagrereklamong guest sa sobrang tagal mong kumilos." Abot hanggang cashier area ang pagbulyaw ni Chief Gerry kay Yvan dahil nakabukas ang mini-glass door ng kitchen. Si Yvan naman ay sorry lang ng sorry. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Baguhan palang kaming pareho kaya pareho kaming nag-aadjust sa trabaho namin. Nauna lang siya ng isang linggo sa amin ni Jasman.

"Tess? Bill out na daw 'yung table five." Pukaw ni Junvy sa akin. Siya ang bartender ng PM shift pero dahil hindi siya busy, lumalabas siya ng bar station at tinutulungan kami sa dining.

"Teka, saglit lang vy. Etototal ko muna lahat ha." Tumango lang ito sa'kin. Tapos biglang umalis. Wala akong choice kundi ako ang magbibigay ng bill jacket sa guest. Baka may umorder kasi kay Junvy kaya umalis.

Pinuntahan ko agad ang table five pagkatapos kung itotal lahat ng inorder nila.

"Ni hao Ma'am, Sir. Your total bill is Three thousand five hundred sixty pesos (P3560.00)." I smiled sweetly to the chinese guest. Dumistansya ako ng konti para kahit papano'y di nila ako masabihang bastos. Nag-usap silang masinsina. Syempre in chinese language kaya tahimik lang ako sa gilid. Hindi ko kasi naiintindihan.

They gave me Four thousand pesos (4,000.00). Agad ko namang kinuha ito. Tatalikod na sana ako pero bigla akong tinawag ng guest.

"Ahhm. Wait. No change. You keep." Napangisi ako ng malapad ng narinig ko ang sinabi ng guest sa'kin.

"Xie. Xie (thank you)!" Ngumiti pabalik sa'kin ang guest. Tumalikod na ako sa kanila at tinungo ang cashier station.

"Lapad ng ngiti natin ah?" Biglang sinundot ni ate Jo ang tagiliran ko. Si ate Jo ang assistant Team leader namin sa dining. Siya ang nag-aasisst sa'kin every time na naguguluhan ako at nahihirapan sa pagkakahera ko.

"Tess? Hanap ka sa table sixteen (16)." Agaw pansin ni John sa'kin. Isang waiter na naka-assign palagi sa paglilinis ng mesa na kinainan ng guest (bustboy).

"Bakit daw?" Takang tanong ko. Pero nagkibit balikat lang ito sa'kin.

Tinungo ko agad ang table sixteen na sinasabi ni John. Medyo kinakabahan ako baka kasi may mali na naman akong nagawa.

"Anyeong! How may I help you Ma'am, Sir?" Yumukod akong kaunti sa harap ng korean guest namin.

"You. Take. Us. Order!" Tumango ako bilang sagot.

"You. Don't. Give. Foods. This!" Itinuro niya ang picture ng Spaghetti al Pesto sa menu. Nanlaki ang mata ko. Nangiti ako ng hilaw sa harap nila. I excused myself to them at dali-daling tinungo ang cashier station. Agad kung kinuha ang listahan ko. Echineck ko agad kung naisulat ko ba ng maayos ang order nila. Tama naman, naisulat ko naman. Kaya pinuntahan ko agad si Jasman at tinanong kung kailan mase-serve ang al Pesto.

"Chief G? Table sixteen al Pesto, remaining minutes?" Nag-antay ako ng sagot pero bulyaw ang natanggap ko mula kay Chief G.

"Tanga ka ba Tess? Hindi mo ba nakita na UA (Unavailable) ang al Pesto?" Napapikit nalang ako. Pinipigilan ang maluha.

"Sorry po Chief. Hindi ko po tiningnan ang board po." Nanatili parin akong nakapikit. Bigla nalang akong hinila ni Ate Jo sa gilid. Kahit nakapikit ako alam kung si Ate Jo 'yun dahil yan ang palagi niyang ginagawa every time na napapagalitan ako ng kasamahan namin.

"Ngiti ka Girl! Snob mo sila! Di naman sila ang may-ari nitong ECD Shores." Biglang sumulpot si Bella. Siya talaga 'yung klase ng babae na kahit pinagkaitan na ng liwanag pero naka ngiti pa'rin.

"Anong kumpulan 'to? Oras ng trabaho di'ba? Kaya doon kayo sa assign station niyo." Pabulong pero may himig ng pagkainis na boses ng team leader namin na si sir Mio.

Dali-daling nabuwag ang kumpulan namin. Si ate Jo ay pumuntang spudium, si Bella naman ay nag-aassist kay Patrick sa pag seserve ng pagkain. Ako naman ay pumuntang table sixteen.

"Excuse me Ma'am, Sir?" Lumingon ang dalawang korean sa'kin. Saying some korean words.

"So sorry to inform you, but al pesto is not available. But we can change it into other dishes if you want too." There forehead knotted. Oh no! They talk some korean words again. I step backward. I feel nervous. My hand is sweating right now. I don't know what to do kung papagalitan nila. Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang isang menu. Habang naghihintay sa ipapalit na order nila sa Al Pesto.

"Waiter. You. Food. This. Okay?" Itinuro nila ang panibagong order. Nahimas-masan ako ng hindi sila nagalit. Tango lang ako ng tango. Pagkatapos inulit ang inorder nila at umalis. Agad-agad kung isinulat ang order nila at ibinigay kay Jasman.

Everything went well after that incident. Akala ko masisira na ng tuluyan ang araw ko dahil sa nangyari kanina. Talagang mabait ang panginoon.

"Tara na?" Sabi ni Ate Jo sa'kin. Nauna na 'yung ibang umuwi. Tanging kaming tatlo nalang nila Bell at ate Jo ang natira. Hinintay kasi nila akong makapag-report sa Sales ko ngayong gabi. Gusto din nilang masiguradong tama ang ginawa ko para hindi ako mapagalitan ng Accounting kung nagkamali man.

"O sige te. Mauna na kayo. Hintayin ko nalang kapatid ko. Papunta na daw kasi. Salamat. Ingat kayo. Bukas ulit." Nakangiti ako habang kumakaway sa kanila. Umupo lang ako sa waiting area habang panay tingin sa cellphone ko. Sa totoo lang, kanina ko pa kinokontak kapatid ko pero hindi ko siya makontak.

Tiningnan ko ang wallet ko, may bente pesos at dumukot ako sa bulsa ko, may five hundred pesos ako. Tip na natanggap ko kanina. Napangiti ako pero napabuntong hininga rin sa huli. Nakakapagod talaga sa trabaho. Nagsimula na akong mhumakbang at tinanggal ang sapatos ko na may two inches ang taas. Kailangan kung ingatan, sayang naman pag nasira agad, bago pa naman.

I looked at my wrist watch, fifteen minutes nalang pala mag-te-twelve na ng hating gabi. Medyo malayo pa sa highway itong linalakaran ko. Oo nakakatakot, pero kailangan. Malapit na ako sa highway ng may isang kotse ang huminto sa gilid ko.

"Hop in. Saan punta mo?" Kumunot ang noo ko. Des oras ng gabi, may mang-aalok ng sakay? Ngumiti ako ng hilaw. Malapit na ako sa highway, nakikita ko na ang liwanag sa kabilang kalye. Lumingo-lingo ako, sign na tumatanggi ako sa alok niya. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Delikado pa naman, naka skirt ako ang ikli pa tapos walang ibang tao sa paligid at ang dilim-dilim pa.

"You are not my type! I just want you to be home safe." Ano ba yan, ayaw ko nga diba? Tuloy parin ang sunod ng kotse sa akin.

"Thanks, but no thanks sir. Diyan lang 'yung bahay namin." Itinuro ko ang bahay na may ilaw. Mga ilang lakad pa kasi bago sa highway talaga. Sorry Lord kung nagsinungaling ako. Kailangan kasi. Bumusina lang 'yung kotse at pumaharorot na. Nakahinga naman ako ng umalis na ang sasakyan at insakto namang dumating ang kapatid ko.

Thank you Lord for making me safe all the time. And sorry for lying earlier.

---
shekaii26💋

Matessa LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon