Prologue

258 6 1
                                    

Aga's Pov

Papunta kami ngayon ng Beach ni JaJai hindi niya alam na may nakahandang surprise para sa kanya dahil ang alam niya lang ay papasyal lang kami with hugot brothers. Planado na ang lahat nakabili na ng Flowers, yung petals para sa surprise actually kinakabahan ako at the same time excited dahil first time kong mag byahe ng malayo kasama si Jajai. Kaya sobrang saya ko dahil binigay ni Lord yung araw na to

"Jai, Excited ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang nag mamaneho. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ini-enjoy yung view sa labas at malamang sa malamang mamaya makakatulog to.

"Syempre naman Kasama kita eh" Sagot naman niya hindi ko ene-expect yung sagot niya pero tae kinilig ako. Yung mga mata niyang nangungusap na parang sinasabing sakin ka lang pweding kiligin. Ang sarap sa pakiramdam na may isang Jai Asuncion sa tabi ko.

"Tae mo. Homo-hokage ka na ah" pabiro ko pang ganti sa kanya. Tinawanan lang niya ako binalik ang isip sa Daan. Tinitignan yung view na madadaanan namin dahil sobrang ganda.

Sa sobrang tagal ng byahe. Nakatulog si Jai, dahil antukin talaga siya hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya dahil sobrang perfect niya para sa akin. Napakasimple. Hindi ko aakalain na yung gantong babae ay kasama ko ngayon. No words can explain my feelings right now basta ang importante Masaya ako dahil kasama ko si Jai ngayon. Masaya ako dahil hawak ko yung kamay nya ngayon sobrang overwhelm dahil dati pangarap ko lang makapunta ng gantong scenery kasama yung babaeng mamahalin ko. Tapos ngayon ito na yon sobrang bilis lang ibinigay at napakaganda ng timing. Masasabi ko lang na Sobrang The best kapag si Lord ang nag plano.

Nakikita ko na yung dagat yung puno na napakaganda pero si jai tulog pa rin hanggang ngayon. Hindi ko na muna siya ginising kahit malapit na kami para mamaya maganda ang gising niya.

"Hala shit ang ganda dito ajussi!" Nagulat nalang ako ng biglang nagising si jai. At nakita ang napakagandang view. naglalakihang mga puno yung hampas ng alon dinig na dinig na namin dahil malapit na malapit na kami.

"Oo jai alam ko. Nakikita ko kung gaano kaganda....."

"Ikaw" Pabitin ko pang sambit sa kanya . makikita mo sa mukha nya na sobrang saya niya kahit sa simpleng bagay lang. Yung ngiti nyang walang katumbas na kahit ano sobrang tini-tressure ko bawat araw na kasama ko siya dahil wala na akong iba pang hihilingin kundi makasama si Jajai habang buhay.

"Parang baliw"

"Okay lang maging baliw basta sayo" hirit ko na naman, puro tawa nalang kami sa kotse. Dahil nga hinihintay pa rin namin sila Choi bumaba muna kami at nagpasyal pasyal sa tabing dagat

Dinala ko si Jai dagat. Para makita niya yung napakagandang view sobrang ganda dito nakakarelax. Parang nakikisabay yung panahon hindi masyadong mainit, Hindi rin masyadong Maulan sakto lang yung weather ngayon ang sarap ng simoy ng hangin.

"Ang gandaaaaaaa"

"Sobrang ganda dito Ajussi!"

"Pero mas maganda ka" Habang hawak ko ang kamay niya pumunta kami malapit sa dagat at nag picture dahil hindi ko kayang hindi e-capture lahat ng magagandang Moments na kasama si Jai. Sobrang worth it kahit napakalayo ng byahe as long as kasama mo yung mahal mo wala ka ng hihilingin pa.

Habang hinihintay sila ang ibang HB kumain muna kami ng street foods dahil favorite ni jajai yung tokneneng.

"Tatlo na yan para. I love you" Saad ko sabay abot ng tokneneng sa kanya na naka plastic cup.

"Luh tubul"

Habang kumakain kami. Tumunog yung cellphone ko kaya agad kong tinignan dahil baka nagtext na si Choi Blair
Hindi nga ako nagkamali nagtext na sila. Actually kanina pa sila dito para e-set up yung surprise para kay Jai. Unti unti na naman kumakalabog ang dibdib ko dahil sobrang kinakabahan ako.

"Nagtext na si BG, Dito na sila Ano? Tara na?" Yaya ko naman kay Jai na kumakain ng tokneneng sobrang cute kahit punong puno yung bibig nya.

"Lezzgoo"

Pumunta na kami ng kotse. At dumeretso sa place na ginawa ng HB kung saan isusurprise namin si Jajai. Excited na ako para sa surprise and at the same time kinakabahan. Kaya ng malapit na kami inistop ko muna ung kotse para piringan si Jai.

"Bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong niya habang palinga linga. Kinuha ko naman yung panyo para piringin siya kaya nagtataka na naman yung mukha niya. Sobrang innocent lang niya.

"Jai, this is memorable day para sa akin. Kaya pikit ka" Ngarag pa yung boses ko sa pagkakasabi na yon. Dahil nga kinakabahan ako.

"Hala anong meron?"

"Kinakabahan ako Aga" sunod sunod nyang saad. Kahit naman ako kinakabahan din pero hindi ko yun pinapahalata. Kaya piniringan ko na siya at pinatakbo ulit ang sasakyan.

"Hala ano to ajussi?"

"Wala, Just Trust me"

Malapit na kami sa lugar kung san isusurprise si jai. Nakita ko na rin ang HB kaya hininto ko na ang sasakyan. Hinalikan ko naman si Jai sa noo dahil pakiramdam ko kinakabahn din siya.

"Wag kang kabahan nandito ako. At never naman kita iiwan"

"Jai, lagi mong tatandaan whatever happens. Mananatili ako sa tabi mo at mananatili akong taga supporta mo"

"Huuy anong meron aga?"

Binuksan ko na yung pinto ng kotse ko at inalalayan si Jai. Dumating na rin si BG para siya na ang mag aalalay kay jai papunta sa akin dahil kukunin ko pa yung flowers sa likod ng aking kotse.

Hinihintay nalang namin si Jai dito para simulan ang surprise. Nakikita ko na sila habang inaalalayan ni BG si Jai. Palapit na sila ng palapit kaya niready ko na ang sarili ko habang hawak ko sa kaliwang kamay ang bulaklak. Naka ready narin yung petals na nakapalibot sa amin kung saan kami tatayo ni jai.

Kinuha muna ni choi ed yung flowers na hawak ko. Kaya hinawakan ko yung dalawang kamay ni Jai. At hinalikan kaya tinanggal ko na yung piring sa mata niya.

"Hala Ajussi. What are you doing?" Tanong ni Jai ng makita ako. Hinalikan ko naman yung noo niya at niyakap siya.

"Wala. "

Dinala ko si Jai sa center. Kung saan don nakapalibot yung petals. Nakikita ko sa mga mata niya ung saya at kaba. Kaya niyakap ko ulit siya.

"Jai, Siguro nagtataka ka kung bakit nandito tayo ngayon, kung bakit ka nakapiring kanina kung bakit kasama natin ang HB" Pabitin kong saad kay jai nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"Gusto kong malaman mo na. Mahalaga ka sa buhay ko. Lagi kong sinasabi sayo na wala na akong titingnang iba. Wala na akong hihilingin pa dahil binigay kana sa akin bawat araw na kasama kita sobrang tini-tressure ko yun bawat araw na kasama ka mahalaga yun sa buhay ko" Pagkasabi ko ng mga linya na yun nakita ko yung luhang pumapatak sa mata niya kaya niyakap ko siya. Ayaw ko ring maiyak kaya niyakap ko nalang si Jai. At ramdam ko yung hikbi niya kaya hinalikan ko siya sa noo.

"A wise men said, A very special girl deserves a very special treat and you deserve a very special treat. Jai matagal ko na tong gustong sabihin"

"Jaira Asuncion!" Pagkatapos kong sabihin kay Jai ung gusto kong sabihin nag linya na sila Ben,Edric at Blair sa likod ko para ipakita ang hawak nilang.....

Will You Be My Girlfriend?

Nakita ko na naman yung luhang pumatak sa mata ni Jajai. Hinawakan niya yung kamay ko. At niyakap ako

"Oo naman*hik* Yes *hik*" naluluhang saad niya. Kaya ng alisin nya yung pagkakayakap niya sa akin hinalikan ko siya noo, at niyakap ng Mahigpit.

"ITS A YES CHOIII!" Sigaw ko pa. Dahil sobrang saya ng araw na to. Dahil simula ngayon Girlfriend ko na si Jajai

"Success!" Sigaw ko at sigaw din ng HB kaya nag group hug kami. This is the best day ever. Wala na akong iba pang hihilingin kundi makasama si jajai habang buhay

"Salamat choi"

"No problem choi. Tulungan lang" Sagot naman ni Blair. Napakaswerte ko dahil may Tropa na ako na supportive may family pa ako na sobrang mahal ako at syempre May girlfriend na ako.

---------

Thank you for reading guys.
See you next Chapter. Hope you like it

"DESTINED TO BE WITH YOU" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon