Chapter 1

165 2 1
                                    

Jai's Pov

Maaga akong nagising dahil maaga din ang pasok ko. Kaya nag gagayak na ako para pumasok, Katatapos ko lang din maligo kaya nag aayos na ako. Simpleng foundation at liptint lang ang nilagay ko binrush ng kunti ang kilay at pwedi na akong pumasok. Nakakahiya naman kung papasok akong Haggard diba.

"Jaira ang tagal mo naman!" Sigaw ni ate amor sa akin kaya minadali ko na ang pag ayos ng buhok ko. Dahil sasabay ako sa kanya may pupuntahan din kasi siya malapit sa school kaya sumabay na ako.

"Oo na patapos na!" Pagkatapos ko mag ayos dumeretso na ako sa baba para sumabay kay ate amor.

"Napakatagal parang party ang pupuntahan!" Gigil na sambit ni ate amor ng makababa na ako. Kaya naman di ko na siya pinansin baka ma beastmood pa lalo.

Nagbyahe na kami papuntang school medyo malayo layo rin ang school namin. Pero dahil nga hindi masyadong traffic madali akong nakarating ng school. Malaki ang school namin dahil nga marketing student ako nasa dulo pa at malapit sa canteen ang aming Building. Kaya naglakad ako papuntang CBA. Wala pa rin naman masyadong students sa CBA. Usually naman kapag pasukan marami na agad students. Pero ngayon kukunti palang dahil wala pa rin naman gaanong class.

*fast forward*

Nag discuss lang yung prof namin sa mga course outline for this semester. Nagbigay din ng kunting Background about sa subject kaya nag take note ako ng nag take note. Kaya ng matapos ang class ko. Pumunta muna ako ng SM para mag aliw aliw. Dahil may 2 hours akong free kaya kakain nalang siguro ako then mag wi-window shopping dahil wala naman akong pera para mag shopping.

Nagpara na ako ng sasakyan para pumunta ng SM, Luckily sobrang linis ng kalsada ewan ko ba kung bakit walang traffic ngayon pero natutuwa ako sa araw na to. Dahil syempre Monday ngayon expected kong Traffic pero sabi nga ng iba Expect the unexpected.

Dito na ako sa SM kaya nagbayad na ako at bumaba. Dumeretso muna ako ng watson baka sakaling may makita ako dahil hindi pa rin naman ako nagugutom kaya naglibot libot muna ako. Lumipat naman ako ng department store para tumingin ng ibat ibang vintage dress.

Bumili nalang ako ng Shawarma at Milk tea dahil napagod na rin akong maglibot libot. Umupo muna ako sandali sa isang food court ng SM para don maghintay ng oras. Habang kumakain inopen ko muna yung IG ko at nag IG stories. Nag scroll ng kunti at nanuod ng videos. Pagkatapos kong kumain bumaba na ako dahil papasok na akong school, Inagahan ko ng kunti dahil baka traffic na.kaya nag aabang na ako ng masasakyan papuntang school. Nag grab nalang ako dahil ang init sa jeep kanina, since wala akong pang retouch na dala kaya mag papafresh nalang ako sa aircon.

Binaba na rin ako ng driver sa harap ng gate. At dumeretso na ng CBA medjo marami na ang students sa CBA kaya pumasok na ako ng room at sa loob nalang hintayin ang aming proof.

Maya maya lang dumating na yung Prof namin sa minor subject. Kaya 2 hours lang class ko. Dahil minor subject lang kaya naman binigay niya na yung course outline ng Buong first semester. Dahil nga naka print na pinicturan ko nalang para if ever na kailangan ko tignan yung course outline madali kong mkikita dahil nga lagi ko naman hawak yung cellphone ko. Katulad ng prof namin knina nag discuss lang din siya tungkol sa Background ng subject. Medyo terror yung Prof na to dahil may mga rules siya kapag nag ka-class na siya. Tango lang kami ng tango ng mga classmate ko walang nagsasalita dahil baka anytime pwedi kang sigawan. Kaya tahimik kaming lahat.

Umabot ng dalawang oras ang lecture niya tungkol sa subject niya. Dahil nga history yun syempre maraming kwento kaya umabot ng 2 hours.

"Masipag mag kwento si maam" bulong kopa sa katabi ko. Tumawa lang kaming dalawa pero hindi naman malakas dahil baka sigawan kami. Nagbigay yung prof. Namin na gagawin mag ba-by group kami dahil gagawa kami report about kay Rizal, Dahil group 3 kami napunta sa amin yung biography ni rizal. Which is madali naman din para sa akin dahil mahilig nga ako sa history.

"Prepared it next meeting, Class Dismissed" Saad ng aming prof. At agad inayos ang gamit at lumabas ng room. Inayos ko na rin yung gamit.

Pagkalabas ko ng campus may nakita akong nagtintinda ng kwek kwek kaya bumili muna ako bago sumakay.

"Kuya magkano po sa kwekwek?" Tanong ko sa lalaking nag titinda ng kwekwek.

"3 isa po tatlo sampo." Tipid niyang sagot kaya bumili ako ng tatlo. Inubos ko muna ung pagkain ko bago ako sumakay ng Jeep. Since may tubig naman akong dala di na ako bumili ng juice kaya agad na akong nagpara ng jeep para umuwi.

Dahil nga kasagsagan ng students na uuwi. Traffic na rin sa kalsada dahil nagsisilabasan na yung mga tricycle at jeep. Medyo masikip na sa jeep na to. Pero okay lang mapawisan dahil pauwi na rin naman ako.

"Manong bayad daw po" abot ko ng bayad sa Driver. Kaya ng malapit na ako sa bahay nag bayad na rin ako buti nalang may barya ako sa bulsa ng palda ko kaya di ako masyadong nahirapan kunin ung pera. Dahil nga nasa likod ung bag ko.

"Manong para po" inihinto na ng driver yung jeep sa kanto. Malapit nalang din naman yung bahay namin kaya naglakad nalang ako.

Dumeretso na ako ng kwarto, at nagpalit ng pambahay nadatnan ko naman si mama na naglilinis.

"Hindi pa umuuwi sila ate amor?" Tanong ko kay mama habang nakaupo sa sofa.

"Wala pa kanina pa nga yon, wala pa rin hanggang ngayon"

"Na traffic siguro yun ma" Umakyat na ulit ako ng kwarto ko dahil may reporting nga pala kaming gagawin.

Ako nalang gumawa ng reporting at ibibigay ko nalang sa group mate ko kung ano ung erereport nila.

----------

A/N: Maiksi lng yung chapter na to guys. Pero babawi ako next chapter. Thank you. Vote vote vote po God bless

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"DESTINED TO BE WITH YOU" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon