"1..2..3...SMILE" sabay naming sabi habang nakangiting nakatingin sa camerang hawak ni John
"oh wacky naman" sabi ni Kuya John kaya sinununod naman namin yon. Nagpose kami ng iba't-ibang pose hanggang sa nagsawa kami.
"Finally GRADUATE na tayo guys" sabi ni Angeleca habang naka-akbay sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya. Pero di ko kayang itago ang lungkot na nadarama sapagkat kaming lahat ay magkakahiwalay na.Nagulat nalang ako ng may tumulong luha sa magagandang kong mata.
"Alam ko namang mamimiss mo kami zoping pero huwag masyadong OA di naman tayo magkakahiwalay ano?"sabi ni Ashley
" At may last get together pa tayo sa Boracay. Sama ka ha? Huwag kang mag-alala last lang naman yun di pa the end" sabi naman ni Ashley. Nagtataka na ko sa sinasabi ng babaeng to ha. Last lang naman yun di pa the end? Napatampal ako sa aking noo
"Malamang sasama talaga ako tapos mag b-boy hunting tayo ng mga gwapong lalaki sa bar bwahaha"I laughed happily. Alangan naman dzai naiimagine ko yung mga mukha ng lalaki sa bar shitt, bakit biglang umini ang toga ko ?
"Ayy iba talaga pagbroken ano?" sabi naman ni Mica.
"shut up.psh" sabi ko sabay irap. Pag-usapan lang nila lahat wag lang yung tungkol sa ex ko. Nagpeace sign lang si Mica sabay sabing sorry. I mouthed 'okay lang'
Habang nakikinig sa ceremony at speech ng mga staff sa school ay di ko maiwasang mapangiti habang ini-isip yung mga pinagsasabi sakin ng mga tao.
"sus di pa yan makakatungtong ng kinse buntis na yan"
"Baka di nga yan makagraduate ng high school hahaha"
"magagaya lang yan sa ina nyang malandi"
"ayy hala ngayon ka lang umuwi? Mag-aalas onse na ah? Ganyan bang oras umuwi ang mga tunay na istudyante?"
yan ang mga salitang pa-ulit-ulit kong naririnig sa mga kapit-bahay namin. Yong parang daig pa nila papa ko kung makapagsalita, okay lang sana kung relatives ko sila pero hindi eh, so wala silang karapatan. Yan ang mga salitang ginawa kong inspirasyon at motibasyon upang pag-igihan ang aking pag-aaral. Kaya ngayon hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang inaalala ang mga iyon, kase sa bawat bigkas nila ng mga salitang iyon isa lang ang parati kong isasagot.
"pake nyo ba?kayo ba nagpapakain sa akin?kayo nagbibigay ng baon ko? kayo ba magulang ko? Diba hindi? pero wag kayong pag-alala pag ako nakagraduate ng college? Ilalaga ko yung diploma ko at ipapainom sa inyo"
yan ang parati kong sinasabi sa kanila. Bastos na kung bastos pero nawalan na talaga ako ng respeto sa kanila psh. Kaya dapat magtago sa sila ngayon dahil papainomin ko sila ng nilagang diploma bwahahaha
"Hoy napano ka?para kang baliw jan tumatawa mag-isa" sabi ni Mark the Pangit hahaha
"ikaw napano yang mukha mo?"tanong ko sa kanya na parang nag-aalala
" Ha? wala namang nangyari sa mukha ko ha?" sabi ni mark sabay tingin sa screen ng cellphone nya
"ayy wala pala? yung mukha mo kase pangbaliw bwahahaha" sabi ko ng tumatawa. Inirapan nya ako at umalis. Nakakatuwa talaga pagtripan yung isang yun bilis kasing mapikon
Cum Laude lang ako pero alam kung proud na proud sakin si papa. Pinagmamalaki nya kasi ako sa mga kaibigan niya.
"Micahella Del Mundo" hala si mica na tinawag sa stage. Tumingin ako sa paligid at nakita ko Micang kasama ang mommy niya
....
"Evilyn Zophiel Garcia" agad kaming tumayo ni papa pagdating sa harap ay ibinigay ang diploma at medalya. Agad kaming nakipagkamay sa mga Guest of Honors and school staffs. Nang marating naman ang harap ay isinabit ni papa sa akin ang medalya at agad kaming humarap sa gitna ng nag-aalong tao. Ngumiti kami ni papa sa camera at sa pangalawang pagkataon ay nagpose ako ng peace sign la lang trip lang kita ayy trip ko lang pala yun haha
Nang matapos ay nauna ng umalis si papa dahil may tataposin pa syang trabaho, pero sabi niya pag-uwi ko kain daw kami sa labas.
..........................
"magbilang tayo ng tatlo tapos sabay nating ihagas mga cap nitin okay?" sabi ni Carl na agad namang sinang-ayonan ng lahat
"kuya John timing po ha? para paghagis namin ng cap tatalon kaming lahat at makunan mo" sabi naman Arius. Nag thumbs-up lang si kuya john at sininyasan kaming pumwesto na at agad naman naming sinunod.
"Isa, Dalawaa, Tat--"hindi pa namin na tapos ang pagbibilang ng may nagsalita
"kailan tayo tatalo pagkatungtung ng tatlo o pagkatapos?"tanong ni Amyrille
"pagtungtung ng tatlo psh"sagot ng highblood na si Andrew at ayun nag-away ng ang dalawa. Nagsi-ilingan nalang kami at bumalik na sa pagbibilang
"okay isaa,dalawa,tatlooo" sabay naming sabi at tumalon. Gumawa pa kami ng kung ano-anong kaik-ikan bago napagdesisyonang umuwi para sa get together naman mamaya. Next next week pa yong sa boracay iba kase to ano ba haha
"bye guys kitakits mamaya una nakami nila Zoping,Ash,Mica at Amyrille" sabi ni Angelice. Niyakap ko muna silang lahat bago kami umalis. May narinig pakong nagsabing masyado na daw akong OA mukang Abo ang pangalan tss.
"bilis na Zoping mamimili pa tayo ng susuotin" sabi ni Mica na sobrang excited para mamaya
"Oo na psh." tipid kong sabi at sumabay sa kanila
"Pumunta kayo mamaya ha?" sabi ni Amyrille at tiningnan ang relo. Kaya napatingin naman ako sa akin ayy wala pala akong relo hahaha
"anong oras na rille?" tanong ko sa kanya at agad naman niya akong sinagot ng quarter to five.
"hala uwi nako guys, maglalaga pa kasi ako ng diploma" biro ko. Natawa sila at sinabing dapat daw pumunta ako mamaya at kung ano-ano pang kaikikan. Bago pumunta ta parking lot nagbihis muna ako ng white t-shirt at pants.Nang matapos ay pumunta na ako sa parking lot ng school. Agad ko namang nahanap ang motor ko. Umangkas ako sa motor at mabilas na pinaandar ito.
"Im Home!!" sabi ko ng makapasok sa gate ng bahay. Ng buksan ko ang pinto sinalubong agad ako ng confetti.
"Hi home" sabi ni ng nakababata kong kapatid na babae. Inirapan ko nalang siya habang siya naman ay humagikhik sa pinagsasabi niya. Duhh self support.
"Happy Graduation Anak" sabi ni papa at sinalubong ako ng yakap. Agad namang sumunod ang dalawa kong kapatid at sinabing 'Group hug' kaya ayun nag-group hug kami haha ang OA namin super.
" sige na anak kumain kana, diba may lakad ka pa mamayang 7? " tanong ni papa. I nodded at pumunta na kami sa kusina. Habang kumakain di ko maiwasang hindi mafeel ang tuwa ni papa habang nag-uusap kami at sinasabihan ang dalawa kong kapatid na dapat sundin ang yapak ko. I feel honored kase diba bilang nakatatandang kapatid dapat ikaw ang model ng mga kapatid mo. At alam kong nagampanan ko iyon ng maayos.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam nako sa kanila na pupunta na akong kwarto para mag-ayos at maghanap ng damit na susuotin.
" I hope this night will be perfect" saad ko habang binuksan ang pinto ng aking kwarto.
YOU ARE READING
It started with a.....shit?
Random"Pinagtagpo para maglandian hindi para magmahalan" Evilyn Zophiel Garcia "Hanap muna tarbaho bago landi" yan ang muto ng babaeng nagnganagalang Evilyn pero paano kung makahanap nga sya nang traboho pero ang may-ari ng kompanyang pagtatrabahoan nya...