Abala ako sa paghahanap ng damit na susuotin sa Party na gaganapin sa Bar na pagmamay-ari ng hell twins na sina Micahella at Misshell nang may tumawag sa akin. Agad ko namang sinagot ng makita ang pangalan ni Abo.
" Huy asan kana ha? kanina ka pa amin hinihintay!"
" ito na parating na!" pagsisinungaling ko upang tumigil na siya
" sus ako ba lulukohin mo zoping? sawang-sawa nako sa mga palusot mong yan! sige na magbihis kana!" pasigaw niyang sabi kaya mabilis kong inilayo sa tenga ang cellphone ko.
"Oo na magbibihis psh" amin ko dahil nahulaan naman niya ang ginagawa ko.
Habang naghahanap nahagip ng mata ko ang red dress it is a deep v-neck dress, na mga 3 inch above the knee.Ito yung binigay sakin ni papa ng sinabi kong gagraduate akong com laude. Mabilis kong kinuha ang damit at sinuot. 'Perfect' bulong ko ng makitang bagay sakin ang damit. Agad kong sinuot ang 3 inch heel sandals ko na Ankle Strap pointed heel at naglagay ng light make-up sa aking mukha.
Click* click* wag kayong ano tunog yan nang camera sa phone ko, dahil nagpicture muna ako bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Pang-instagram update yun hihihi.
"oh alis kana? tara hatid na kita anak" tanong ni papa. Mabili naman akong tumango bilang pagsang-ayun kasi medyo late na ako.
"sama kami paaa" pacute na sabi ni Evilina at agad hinablot ang kamay ni Evilone para mauna sila sa kotse. Tsk
"oo na nauna na nga kayo kahiya naman" sabi ko at pumasok sa passenger seat kasi backseat sumakay ang dalawang demongyo haha. Habang nasa byahe patungong Hell twins bar ay pinagbilinan ako ni papa na dapat umuwi ako at kung ano-ano pa, habang ang mga demongyo sa likod ay kumakain ng chocolate.
"Pa dito na" sabi ko ng makita ang mukha ng mga kaibigan kong nakabusangot hahaha. Inihinto ni papa ang kotse sa tapat nila, humalik muna ako sa pisngi ni papa at nagpaalam sa kanya at sa mga kapatid ko bago bumaba sa kotse.
"ay buti naman Evilyn dumating kapa baka kasi maging tuod kami dito kakahintay sayo!" sabi ni Ashley at inirapan ako. Patay lagot nayan kasi tinawag una kogng panagalan.
"Hay nako Ashley para namang di kana nasanay sa babaeng yan, tara na pasok na tayooo" sabi ni Angelice at hinablot kaming pareho ni ashley. Bakit ba uso ngayon ang manghablot ng kamay? napaka-aggressive ng mga tao ngayon tsk. Tumingin ako kay Ashley at nagpeace-sign para dina mabad mode pero binatukan niya ako at sinabing
"huy zoping wag kanang malalate ha?"
"oo na psh" sabi ko habang hinihimas ang batok ko, tang na juice sakett
Pagpasok namin sa bar agad kaming sinalubong ng taong nagsasayawan. Agad naming hinanap sina Micahella at Misshell na agad naman naming nakita kasi kinawayan nila kami. Nasa VIP seats sila kasama ang kanilang kambal din na kapatid. Yung photographer namin kanina which is si Kuya Jonhell(jo-nel po ang pronunciation)alyas john at si kuya Rondhell(ran-del po ang pronunciation) diba lakas maka-imperno ng mga pangalan nila? haha
"oh upo muna kayo girls, at tatawagin ko muna yung mga boys nasa dancefloor ma kasi sila nangchi-chicks haha" sabi ni kuya John agad namin kaming tumango at umupo sa round sofa
"girls anong gusto niyong inumin?" tanong ni Mica
"ikaw na bahala Mica basta yung nakakalasing haha" sabi ko
"broken ka dzai?" tanong naman ni Misshell na nagpatahimik sakin
"ay porket maglalasing broken agad?" depensa sakin ni Mica
"ayy Evilyn Zophiel na pala pangalan mo ngayon bal" sabi ni Misshell sa kambal niyang si Mica. Psh mag-aaway na naman to. Tinawag ni Mica ang waiter at may kung anong sinabi hindi na ako nag-abalang makinig kasi busy ako sa pag-oobserba sa mga tao dito. May naglalandian sa dancefloor,nagtatawanan sa gilid, nagahahalikan sa sofa at nag-aano sa madilim na parte ng bar tsk di naman to motel.
YOU ARE READING
It started with a.....shit?
Random"Pinagtagpo para maglandian hindi para magmahalan" Evilyn Zophiel Garcia "Hanap muna tarbaho bago landi" yan ang muto ng babaeng nagnganagalang Evilyn pero paano kung makahanap nga sya nang traboho pero ang may-ari ng kompanyang pagtatrabahoan nya...