Chapter 4: Amusement park

8 9 0
                                    

Chapter 4

Amusement park
9:30 am

Nakatingalang pinag mamasdan namin ni Clarion ang makulimlim na ulap sa kalangitan . Wala ni isa saamin ang tumangkang mag salita,nilalasap namin ang katahimikang namamagitan saaming
Dalawa.Naisip ko lang para akong ulap na makulimlim, kasing dilim nito ang buhay ko ngayon at kaunti nalang ay babagsak na..... Susuko na....
Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko at pinipigilan ang pag iyak.
Napatingin naman ako sa gilid ko at naabutan ko siyang malalim ang iniisip.
Why do we always get hurt ? Ang gusto ko lang naman ay mahalin ka at makasama ka pero parang di umaayon saatin ang tadhana . I want to be with you forever.... pero ba't ganun ? Gumagawa parin sila ng paraan para pag hiwalayin tayo .
Lumandas ang mga luha saaking pisngi ng hindi ko namamalayan,agad ko itong pinahid pero kahit anong gawin ko hindi parin ito matigil. Napahikbi ako ng tahimik habang pinag mamasdan ang taong mahal ko. kung Hindi man ikaw ang lalaking para saakin ? Nag papasalamat ako dahil ikaw ang minahal ko, at nag papasalamat rin ako dahil nakilala kita at dumating ka sa buhay ko
Clarion Kez.......

Bago pa niya ako maabutang umiiyak pinahid ko na ang mga luha ko.
Nang tumingin siya saakin Ngumiti lang siya ng tipid at hinawakan ang mga kamay ko.

"Naalala mo ba noong una tayong nag kita ?" Tanong niya . Napangiti naman ako ng maalala ang araw ng una naming pag kikita ng taong mahal ko.

*Flashback*

Nag lalakad ako sa pasilyo ng aming paaralan ng madaanan ko ang grupo ng mga kalalakihan. Nag tatawanan ang mga ito at ang iba naman ay sumusulyap saakin. Ang isa sa kanila ay bumulong sa katabi at itinuro ako, lumingon naman ito sa direksyon ko . Binilisan ko ang pag lalakad at ng makarating ako sa kanilang harapan bigla akong tinawag ng isa sa kanila.

"Miss !" Tawag nito. Hindi ko ito pinansin at dumeretso lang sa pag lalakad.
"Miss snobber !"sigaw nito ulit .Narinig ko ang yapak nitong papunta sa direksyon ko . Napapikit naman ako ng mariin bago humarap.
Bumungad saakin ang nakangiting mukha ng lalaki . Tumingin ako sa kanya ng nag tataka.
"Ahm... Miss nahulog mo oh... " Sabi nito at inilahad saakin ang aking I.D picture, Kinuha ko naman ito mula sa kanya at ngumiti ng tipid .

"T-thankyouu... " Sambit ko . Nakatitig lang ito saakin at Hindi ko rin mapigilang tumitig pabalik . Hindi ko alam kung ba't Hindi ko mapigilan ang aking sarili, Parang may tumutulak saakin na tumitig rin sa kanya pabalik, Gusto kong iiwas ang aking tingin pero inaakit ako ng kanyang mga mata. Bigla naman ang akong natauhan ng may tumikhim sa likod ko .

" Huwag masyado ah... Baka mamaya kayo mag katuluyan niyan !" Sigaw Ng isa sa barkada ng lalaki . Humiyaw naman sila at tumawa ng malakas . Dahil sa kahihiyan iniwas ko naman ang aking paningin at yumuko,uminit ang aking mga pisngi . Shit lauren ! Stop it your so malandi ! .

"Magsi tigil nga kayo !" Sigaw ng lalaki . Tumingin ako dito at naabutan ko itong mariing nakatingin sa kanyang mga kasama . Tumahimik naman ang kabarkada neto.
Tumingin ito saakin at ngumiti ng tipid .

"Ahm.. s-sige aalis na ako... Salamat ulit.." nahihiyang sambit ko at tumalikod na . Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang bumilis ang tibok nito. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito ? Arghh ! Isinawalang bahala ko nalang ito, siguro napagod lang ako sa kakatakbo kanina.. oo ganun yun !. Kumaripas ako ng takbo ng medyo nakalayo na ako sa kanila .

Escaping Bride Where stories live. Discover now