Chapter 5: Amusement park 2

6 7 0
                                    

Chapter 5

Nakabusangot ang mukhang sumama saakin si Clarion,halatang napipilitan eh. Ano bang nakakatakot sa mga rides na yan ? Sobrang saya ngang sumakay diyan eh.

Nang tumingin siya saakin agad ko siyang inirapan, Hindi ko alam kung ba't ako nakakaramdam sa kanya ng inis ! Siguro dahil may period ako ngayon . Sumimangot siya sa ginawa ko , Ano ba talaga ang totoo ? Ako ba talaga ang babae dito oh siya ? Umaasta kase siyang babae , And i feel irritated . I stamped my feet in the ground and left him disgusted .
Bwiset ! Kanina lang ang ganda na ng mood ko then biglang ganito ? Ang init ng ulo ko kaya lumayo nalang muna ako kase baka mamaya masabihan ko pa siya ng masasakit na salita .
Bago pa ako makalayo ng tuluyan hinigit niya ako pabalik .

"What ?!" I asked irritated . Sumeryoso naman ang mukha niya .

"I'm sorry love.. i-it's just that... I-i'm s-scared " nauutal nitong sabi. Umamo naman ang aking mukhang nakatingin sa kanya .

" Duh ! Anlaki mong tao tapos takot ka diyan ! Come'on tara na !" I cheerly said . Hihilain ko na sana siya ng hindi siya umalis sa pwesto niya , nang tignan ko ito bumungad nanaman saakin ang nakasimangot nitong mukha . Ang bilis niyang mag bago ng mood ! Bipolar nga naman !

At dahil nga NAKAKAAWA naman daw ang itchura nitong BABY DAMULAG na ito , hinila ko nalang siya sa isang bench at umupo. Kunwaring nagtatampo ako sa kanya na tumalikod, Sana umandar ka ! Please i want to ride there. Makalipas ang ilang minuto ng wala paring kumakalabit saakin. Napairap naman ako, Ilang beses na kaya akong napairap ngayong araw na ito dahil sa lalaking ito ?. Sumulyap ako sa kanya, bwiset ! Nakasimangot parin hanggang ngayon ? Dahil sa inis agad ko siyang binatukan .

"Aray !" Saad nito . Imbes na mag sorry inirapan ko siya ng bonggang bongga. Kala mo madadaan mo ako sa mga pacute mo, ikaw itong nag aya dito tas ikaw din pala may ayaw . hayystt lalaki nga naman .

" Oh ano ? Ganito nalang tayo ? Palakihan nalang tayo ng mata dito ganun?" Sarkastiko kong tanong . Ibinaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay dahil tiyak na masasapak ko itong nasa gilid ko ngayon .

"I'm not ready ,can you give me more time para patigilin muna itong takot ko ?" Sambit nito .

"Oo na , basta in one condition..."
Nag tataka naman itong napatingin saakin.

" Bilihan mo muna ako ng cotton candy " sabi ko at napatingin sa bilihan ng cotton candy , nag liliwanag ang aking mukha habang nakatingin duon . Napabaling ang atensyon niya sa cotton candy at napailing iling na tumingin saakin .

" Oh ano ? Bibilihan mo ba ako o Hindi ?" Masungit kong tanong. Agad Naman siyang tumayo at lumapit sa tindero . Nag labas siya ng pera sa kanyang wallet .

"Manong isa nga po nito " Sabi nito sabay turo sa kulay asul na cotton candy ,napalunok ako habang nakatingin dito. Nang makabili siya inilahad niya ito saakin .

"Happy ?" Tumango naman ako at parang batang tumikim sa cotton candy . Napapikit ako sa tamis at sarap nito . Wooh ! Heaven ! . Napatawa naman ng mahina si clarion habang pinag mamasdan ako.
Isinawalang bahala ko na lang iyon at nag patuloy nalang sa pag kain .
Inilibot ko ang aking paningin sa buong amusement park , nakaramdam ako ng pananabik sa aking dibdib habang nakatingin sa nakaka bighaning mga rides. Nang matapos akong kumain ay hinila ko si Clarion papunta sa ferris wheel , tatanggi na sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin . Wala na siyang nagawa Kaya't sumama nalang siya saakin. Bumili muna kami Ng ticket bago makasakay, Inunahan ko na siya at pumila na. Mahirap na noh , baka maagawan pa kami.
Nang makabili na siya ng ticket agad siyang pumunta sa tabi ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko .
Nag tataka ko siyang tinignan .

" What ?" Tanong ko . Huminga siya ng malalim . " N-nothing..." Nginitian ko nalang siya at hinila na dahil kami na ang sasakay .

"Wooahhhh !" Sigaw ko habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ere. I love this !
"Wooooahhh yeaaahhh !" Hiyaw ko .
Napatingin naman ako sa katabi ko .
Nakawak ito ng mahigpit sa kamay ko at nakapikit . Napatawa naman ako habang nakatingin sa kanya.

Escaping Bride Where stories live. Discover now