Heartbreaker- Epal

29 1 1
                                    

Chapter 2

"Bunso! Gising na!! Malelate kana! Tsk. "

Ano ba yan si kuya! Natutulog pa naman yung tao oh!

*yawn* "Kuya, 10 minutes pa! Hayaan mo pa ako matulog!" Sabi ko kay kuya,

"Bunso, malelate kana, diba 8 ang pasok mo?! Quarter to 8 na!" Sabi ni kuya, tsk! Nakakabwisit naman,  papasok nanaman ako makikita ko nanaman yung epal na yun!

"Oo na! Oo na!" Sagot ko kay kuya,

Bumangon na ako at lumabas nadin si kuya, dumeretso na ako sa cr, naligo na ako, at nagbihis.

Pag baba ko nakita ko si kuya na kumakain na. Tsk! di man lang ako hinintay. Umupo na din ako para kumain,

"Bilisan mo bunso baka  malate na tayo!" Sabi ni kuya, hindi ko na sya sinagot at kumain ng kumain nalang.

Pagkatapos ko kumain nag toothbrush at dumeretso na din ako sa sasakyan para makapunta na ako sa school, ano ba yan! Makikita ko nanaman yung epal na yun! Sana hindi na sya pumasok! Pampasira lang yun ng araw ko!

Dumating na kami sa school, pinark na ni kuya at nagpaalam na sakin, dumeretso na din ako papasok sa school, nakita ko nanaman si epal!! Hayy nako! Nakakasira ng umaga!

Nasa harapan ko sya,

"Good morning, BEAutiful!" Sabi ni markepal, hindi ko sya pinansin at naglakad nalang palayo, tinawag nya ako pero hindi ko na sya pinansin, nakakabwisit talaga yun! Sinundan nya naman ako! Ano ba problema nito!

Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi na sya makasunod. At dumeretso sa classroom namin, umupo na ako sa likuran, pumasok na din sya sa classroom namin. Tsk! Tinititigan nya ako kanina pa, ano ba ang problema nya! Dukutin ko kaya ang mata nya! Naglecture na ang prof. Namin, nakatitig pa din sya! Hayy nako! Nilingon ko sya bigla nya naman iniwas ang tingin nya, tumingin ako ulit sa prof namin at nakinig, hindi ko nalang pinansin yung epal na yun. Baka mapatay ko lang yun.

Lunch break na, binitbit ko ang gamit ko at lumabas ng classroom, baka kasi kulitin nanaman ako nung epal na yun!

Paglabas ko pumunta na ako sa canteen para kumain, bumili lang ako ng pancakes at juice, umupo na ako sa dati kong inuupuan wala naman kasi tao, and btw hindi ako friendly, kaya lagi ako nagsusungit.

Kumain na ako, hayy! Mabuti naman at hindi na ako binulabog ng epal na yu----

"Hi, bea kamusta kana? Namiss mo ba ako?" Sabi nya, tssskkk!

"Kailan mo ba ako titigilan?!" Sigaw ko sakanya Nakakabwisit! 

Tumayo sya at itinaas ang right handa nya, "Neverrrrrr!" Sigaw nya, waaaaaah pinagtitinginan na kami ng mga tao! Pigilan nyo ako makakapatay na ako! Tiningnan ko sya ng masama.

"Pwede ba tayo... maging magkaibigan?" Tanong nya sakin,

"Syempre..........HINDI!" Sagot ko sakanya, nagpout sya, pfft! Nakakatawa ang hitsura nya.

"Bakit ka naman ngumingisi jan?! Nasaktan na nga yung tao  oh?" Sabi nya,

"Wala kang pakialam!" sabi ko sakanya,

"Grabe ka naman! Sige na please.." sabi nya,

"A . YO . KO.! Gets mo?" Sabi ko,

Nagpout ulit sya, hindi ko na napigilang hindi tumawa.

"HAHAHAHAHA!" Tawa ako ng tawa,

"Baliw ka ba?" sabi nya sakin, inirapan ko lang sya.

Naglakad na din ako palayo, pero Sinundan padin ako ng epal.

"Bakit ba ayaw mo makipagkaibigan sakin, gwapo naman ako, mabait, matalino, san ka pa?!" Sabi nya sakin,

"Sa kabayo! Mas gusto ko pang makipag kaibigan sa kabayo, atsaka ayoko sayo! Masyado ka mahangin mo ayoko ng ganun!" Sabi ko,

"Joke lang! Hehe pangit kaya ako, wala nga nagkakagusto sakin e." Sabi nya,

"Eh ano yun?!" Tinuro ko yung mga babae na kulang na lang hubadan na sya sa isip nila.

"Ah.. eh.. ay! Wala yan! Tara kain tayo! Gutom na ako hehe!" Sabi nya,

"Kumain ka," sabi ko,

"Sumama ka," sabi nya

"Hindi nga tayo friends! Hindi kita kilala kaya hindi ako sasama sayo."  Sabi ko, pero bigla nya ako hinila hanggang sa makarating kami sa parking lot,

"Basta masarap dun." Sabi nya, masarap daw e, bumigay ako, hahaha! Nakita ko syang nagsmirk, sungal naglalin ko sya e.

Tumigil kami sa karinderya,
"Dito?" Tanong ko.
"Ay, hindi doon!" Sarkastiko nyang sabi, inirapan ko lang sya,

Pumasok na kami sa loob. Nag hi sya dun sa mga tao dun,

"Matagal ka na ba kumakain dito? Para kasing kilala nila." Sabi ko,

"Yieee.. curious sya. Keleg keleg!" Sabi nya, binatukan ko sya!

"Tinatanong lang! Bwisit!" Sabi ko,

"Oo, matagal na ako kumakain dito, minsan nga libre ako." Sabi nya,

Hindinkonna sya sinagot at umupo na, may dala dala syang mga pagkain, at umupo nadin sa harap ko.

"Oh, kain na tayo." Nakangiting sabi ni markepal,

Kinuha ko na yung ulam na gusto ko at nagsimula na kumain, kahit hindi ako nakatingin sakanya alam kong tinitingnan nya ako, pag lingon ko sakanya nakita ko syang nakangiti,
"Ano nginingiti ngiti mo jan?!" Galit ko na tanong sakanya, kung makangiti naman 'to parang wala ng bukas!

"Wala! Ang ganda mo kasi!" Sabi nya, na nakangiti padin habang umiiling iling,
"Alam ko," Nakasimagot kong sabi sakaya, ngumiti naman sya,

Lamon lang ako ng lamon,

"Oy, may dumi ka," tinaas nya ang thumb nya at akmang pupunasan na ang dumi ko sa tabi ng bibig ko, Pero! Tinabig ko yun at..

"Tabi mo nga yang kamay mo! Ako na!" At pinunasan na ang dumi sa labi ko. Napangisi naman sya,

"Ano naman nginingisi ngisi mo jan?!" Galit kong tanong sakanya, umiling naman sya,

Pag katapos namin ay dumiretso na kami sa school,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon