Chapter 1
Pasukan nanaman, poshaa! Kakatamad naman oh!
*sigh* Hay nako,
Bumangon na ako para mag toothbrush at maligo,
Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at dumaretso na sa baba para kumain, binati ako ni manang toring, "Apo, kain na."
Then bumaba nadin si kuya luke, umupo sya sa tabi ko at kumain kami ng sabay,
"Bunso, first day mo ngayon huh?! Wag basagulera okay?" Sabi ni kuya,
"Kuya naman! Pano kung may kumalaban sakin?! Di pala ako lalaban?" Sabi ko,
"Ang tanga mo naman bunso! I mean wag ikaw ang unang mangaaway, pilitin mo ang sarili mo na wag makipag sapakan," sabi ni kuya,
"Whatever," pagtataray ko,
Sumakay na kami ni kuya sa sasakyan nya, tahimik lang kami sa byahe,
Nangmakarating kami sa school kinausap nanaman ako ni kuya,
"Bunso, yung mg---" pinutol ko kaagad ang sinabi nya at ako ang nagpatuloy nito,
"Mg..a sinabi ko sayo kanina huh? Wag mo kakalimutan." Pagpapatuloy ko,
Napangisi naman si kuya,
"Malaki na talaga ang kapatid ko! Okay, kita nalang tayo mamaya huh?" Nagpaalam nadin ako at tiningnan ang mga nakapost ng sections at rooms,
4a ang nakuha kong section,
Naglakad na ako papunta sa classroom, pag pasok ko umupo ako sa may bakanteng upuan sa likuran,
Pagupo ko biglang may nambato ng papel, pag bukas ko nito ang nakasulat ay 'hey beautiful' sino naman tong kumag na to' tsk, ang daming alam.
Nagpakilala na ang iba kong classmate, ako na ang sunod, tumayo ako at nagpakilala, "Hi everyone, I'm beatrix villongco, but you can call me bea." at umupo na ako,
Sinasabi na ng teacher namin ang schedule namin,
Hindi na mana kailangan nyan! Tsk, nakakaantok lang,
Hindi ako nakinig sa mga pinagsasasabi ng teacher ko,
Kaya nagmalay ako break na pala,
Nagsilabasan na ang mga classmates ko, ako nalang ang natira sa classroom namin at yung lalaking nag aayos din nb gamit nya,
Biglang lumapit yung lalaki,
"Hi, bea right?"
Tiningnan ko lang sya ng walang expression. At naglakad na palabas.
Ito yata yung nagbato sakin ng papel. Tsk!
Nangmakarating ako sa canteen umorder muna ako, ng pagkain ko "Chocolate straberry cake," sabi ko dun sa tindera.
Umupo na ako dun sa may walang tao.
Nagsimula na ako kumain, bigla naman may lumapit.
Umupo sya sa harapan ko. Wadafak! Ito nanaman yung lalaki. Nakakabwisit!
"Hey, I'm mark and you are beautiful." Sabi nung lalaki. Poshaa!! Sya nga! Sya yung nagbato sakin ng papel.
"Did I even ask your name?! At oo maganda ako, ano naman yun sayo?!" sabi ko sanya, tsk ang epal epal! Wala naman ako pakialam kung sino sya!
"Bitter mo naman! Meron ka ba ngayon?" Sabi nya, wtf! Anong meron?! Sapakan ata gusti nito e.
"Tigilan mo nga ako! Umalis ka dito!" sigaw ko sakanya, nakakabadtrip!
Naglakad na ako palayo, ano ba yan! Hindi pa nga tapos tong' kinakain ko! Nakakabwisit naman kasi yung pesteng lalaking yun!
Kailangan ko na umuwi, half day lang naman kami, naglakad na ako palabas ng school. May lumabas din at sumabay sakin. Pag tingin ko.. waaaaaaaaaah! Sya nanaman! Hindi nya ba ako titigilan?! Ang epal epal nya! Gusto ata nya ng sapak para tumahimik sya at para tigilan na nya ako!
"Hindi ka ba titigil?! Wag mo nga ako sundan!" sigaw ko sakanya, tiningnan nya naman ako,
"Huh? Hindi naman kita sinusundan bea e. Hindi ba pwedeng papunta din dito yung pupuntahan ko." Sabi nya sabay ngisi. Wadafak napahiya ako dun ah. Inirapan ko lang sya at naglakad na at sumakay na sa taxi. Tinext ko si kuya luke na hindi na ako sasabay sakanya.
Nangmakauwi na ako, nagpahanda ako kay manang toring ng kakainin ko. Umakyat na din ako para magbihis.
Pagkatapos ko magbihis, humiga ako sa kama ko, tsk! Nakakabwisit talaga yung mark na yun! Ang sarap patayin!
Umuwi si nadin si kuya, pag baba ko nakita kong may kasama syang mga lalaki, nakaupo si la sa dining area, so dumeretso ako dun. Nilapitan ko si kuya,
"Kuya, nakauwi ka na pala." Sabi ko kay kuya,
Nagsmile sakin si kuya.
"Bunso, sila nga pala yung mga bago kong kaibigan."
Tinuro turo at pinakilala ni kuya yung mga kaibigan nya, kumulo agad yung dugo ko nung nakita ko nanaman sya! Poshaaaaaaa!
"Ikaw nanaman!" Inis na tanong ko,
"Ako nanaman?" Sabi nya sabay ngiti, bwisit ngiti ngiti pa sya e kung putulin ko kaya ang bibig nyan!
"Magkakilala kayo?" Tanong ni kuya,
Sasagot na sana ako, pero inunahan na ako ng epal,
"Ah, oo magkaibigan nga kami e." Sagot ni epal,
"Anong magkaibigan? Kaibigan mo yang mukha mo!" Inis na sabi ko kay epal,
Umakyat na ako at iniwan sila doon. Ang epal epal epal nyaaaaaaaa!
BINABASA MO ANG
Heartbreaker
Teen FictionAko si Bea Villongco, May minahal na ako, nagsobra sobra pero, niloko nya ako. sinaktan at pinaiyak. kaya kailangan ko ng revenge