SULAT

11 1 0
                                    

Kinuha ang puting papel na naka-ipit sa pitaka.

Binasa ang naka-sulat...

Sa Facebook kita una nakita at nakilala. Ang ganda ng mga litrato mo na kahit sinong lalaki mama-mangha sayo. Nalaman ko na modelo ka pala kaya may mga litrato ka na halos di ka na mag-damit. Pero di kita hinusgahan kasi lahat naman tayo ay may laya na ipakita kung ano man tayo sa iba. Naging magkaibigan tayo sa Facebook account lang. Nagpapansin sayo at pinipilit kang mag-kwento kasi may mga hugot yung mga post mo. Marunong naman ako magpayo kaya yung dating dinidedma mo, naging bestfriend mo. Di nagtagal nahulog ka sakin at naramdaman mong mahal mo ako. Ito naman ako, ikaw ay sinalo dahil may gusto din ako sayo kahit sabi ng iba na hindi  daw totoo ang katauhan mo sa nakikita ko sa mga profile pictures mo. Pero di ako nakinig sa kanila at pinagkatiwalaan  ka.

Minahal kita,
Minahal mo ako.
Minahal natin ang isa't-isa.
Ilang araw tayo naging masaya.
Pinapayuhan kita.
Dinadamayan kita
Sa mga oras na malungkot ka
Dahil sa mga lalaking sinasaktan ka.

Hanggang nagtanong ka
Kung pwede ba maging tayong dalawa
Kasi sabi mo, nahulog ka.
Nalaman at naramdaman mo ang lahat ng gusto mong makita sa isang lalaking gusto mong paglaanan ng iyong pagmamahal.
Nagulat ako at tinanong ka
Kung seryoso ka ba talaga?
Kasi sa totoo lang, hinangaan ko talaga ang iyong ganda.
Masaya ako sa nabasa ko, pero nandun ang maraming tanong na pano yun? Nag-aaral pa ako, sabay ikaw may trabaho, at malayo tayo.

Maka-ilang araw nag-isip.
Ikaw ang nagsabi na gusto mo talaga subukan.
Kaya pumayag ako kasi gusto din kita makilala ng lubusan.
Nobyo mo na ako,
Nobya na kita.

Mga ilang araw palang, gusto mo na tapusin agad kasi sabi mo di mo pala kaya. Nag-drama ako, kasi di ko nabigay yung kaylangan mo.
Binigay mo cellphone number mo,
Binigay ko cellphone number ko.
Narinig ko boses mo at ang saya ko sa ganong punto. Tuwing gabi ka tumatawag kasi dun ka lang libre. Ako  naman, todo tago sa pamilya ko sayo kasi lahat ng yun sekreto pero nalaman din naman nila sa dulo.
May pagkakataon na nagsawa ka pumindot sa social media ng bawat letra para makabuo ng mga salita at gusto mo lang sa tawag at text daanin ang lahat. Pero di ko nagawa kasi bakasyon ako at wala akong pera pang-text at pangtawag.

Kaya nagsawa ka ulit at pinutol ang kung anong meron sa ating dalawa. Nagpaliwanag ako at syempre nalungkot. Pero napaisip din ako na ang bilis ng lahat. Di kita niligawan at naging nobya kita agad kasi sa rason na gusto natin ang isa't-isa.

Pero maka-ilang araw, gusto mo ulit ibalik ang natapos.
Nagsimula ng bago.
Tinanggap kung ano ang mga wala ako. Pumayag ako ulit dahil lahat may pangalawang pagkakataon. Tumatawag ka gabi-gabi, nagbabatian ng magandang umaga araw-araw. Naging mas malambing at mapag-alala sa isa't-isa. Nagpasalamat ka pa na dumating at nakilala mo ako. Sinama mo pa ang Maykapal sa mga papuri mo sa katulad ko.
Ako, nagpasalamat din ako sa Maykapal na binigyan niya ako ng maganda, ma-a-alahanin, malambing, at masayahing babae kasi yun ang naramdaman ko. Minsan habang tumatakbo ang relasyon natin, may away, bati kasi di ko nasasagot ang tawag mo minsan dahil busy ako sa pagtulong sa aking magulang at sa mga gawain sa bahay. Pero kapag nag-kausap na, tapos ang gulo, tapos ang tampo.

Marami akong nalaman sa kanya.
May maliwanag at madilim na parte siyang dala. Tinanggap ko yun dahil mahal ko siya. Iniintindi ko siya sa mga duda niya at nilinaw na wala akong iba, siya lang talaga.

Pero isang gabi ang hindi ko inaasahang mababasa ko sa chat niya sa Facebook account ko.

Gusto na naman niya tapusin ang kung ano ang meron samin...

Ayaw na niya ako maging nobyo,
Ayaw na niya na maging nobya ko siya. Kasi meron daw na mas bagay sa pagmamahal ko, sa akin, at hindi siya.

Nagulat, nasaktan, nagalit, nainis, at nag-timpi ang luha ko sa mga nabasa ko sa pinapadala niyang mga salita sakin.
Kinontra ko lahat ng sinabi niya.
Hindi ko siya pinaniwala sa mga pananaw niya.
Pero buo na talaga ang desisyon niya kahit mahal na mahal niya daw ako, kaylangan niya daw ako iwanan ng mag-isa. Tinanong ko siya ng paulit-ulit kung bakit ganon ang naging desisyon niya, pero wala akong nakuhang katanggap-tanggap na sagot.

Pinipilit niya ako na mapunta sa isang babaeng nagustuhan ko dati kasi mas bagay daw kami kaysa sa kanya.

Akala ko tuloy-tuloy na kami, wala ng magbabago.
Handa na ako.
Handa na sana akong mahalin siya habang-buhay pero siya ang unang sumuko. Di ako makapaniwala na gagawin niya ulit yung una niyang ginawa kasi sabi niya kakayanin na niya at pinanghawakan ko ang mga sinabi niya. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit sa ganong paraan kami nagtapos o baka nadala lang talaga siya ng damdamin niya na sa una lang masaya, pero sa huli magbabago na lang at mawawalan ng gana.

Inisip ko nung una na biro na naman iyon kasi mahilig siyang magbiro tungkol sa ayaw na niya daw at itigil na namin yung kung anong meron sa aming dalawa, pero sa puntong ito totoo na ang lahat.

Natapos na.
Tapos na.

Tinanggap ko kahit ang sakit ng nararamdam ko.
Ayaw lumabas ng luha ko pero ramdam ko na tila sinasakal ang puso ko at nanginginig ang laman ko.
Ewan ko.
Akala ko kasi totoo, minahal ko kasi siya ng seryoso.
Sa kanya pa lang ako naging ganito.
Nagpadala lang siguro ako.
Alam kong minahal niya ako, pero nagawa niya sakin toh?

Atlis natuto ako sayo.
Ang dami nating napag-usapan, akala ko di ka na magbabago.
Ganon talaga siguro kasi rekta naging tayo, walang ligaw na proseso.

Masakit oo, pero atlis pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako sa bawat araw, oras, at minuto na nobyo mo ako.
Di ako nagsisisi na pinaramdam ko sayo ang pagmamahal ko.

Di talaga ako makapaniwala.

Ayaw kitang bitawan.
Ayaw kong maniwala sa nangyari.
Sana di mo na lang naisip yun, para tayo parin kasi may parte ka na sa puso ko at lumalim na ito.
Akala ko tayo na talaga.
Nakailang pahina ka kasi kwinento kita.
Pero lahat ng pahina, lahat ng kwento, lahat ng talata at tula, nagtatapos sa salitang tapos na.

Ito ang aking naramdaman, nais ibigkas ng aking labi pero sa pagsusulat pinawi ang sakit na hindi na mababawi sa taong mali na pinagbalingan ng ngiti.
Ito ako ngayon pero bukas sa makalawa, at sa susunod pa, makakalimutan din kita at lahat ay babalik sa sigla.

Salamat sa karanasan na binigay mo sa akin. Lagi kang mag-iingat at ipagdadasal ka sa Maykapal na maging masaya sa mga susunod mo pang mga desisyon at tagumpay sa buhay.

Mahal kita at paalam na.
Naway ito'y iyong mabasa.
Ito ang panahon na iniyakan kita, pero ngayon ako'y masaya na.

Ako si Airon at ito ang naging kwento ko sa babaeng sa mga salita sa social media nakilala, sa mga litrato lang nakita, at boses lang sa cellphone naramdaman ang kanyang presensya.

                                                  Airon, 2000

"Hi Ms.A kamusta po?" sambit ni dok  habang siya ay pa-pasok sa kanyang silid kung saan ako naghihintay.

Madali kong tiniklop ang sulat at binalik sa aking pitaka.

"Ok naman po ako ngayon dok, yung resulta po? Ganon parin po ba?" malungkot kong sambit.

TMKA - Days Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon