SAKIT

4 0 0
                                    

"Ms.A ito na ang pangatlong resulta ng test na ginawa natin sayo. Hopefully this time maging malinaw na sayo ang lahat. Alam ko namang mahi--"

"Dok please! Ganon parin po ba ang resulta?! Sabihin mo na agad dok para matapos na." mahina ngunit pa-inis kong sambit.

"Okay. May nakita kaming tumors sa utak mo at malala na ito. Kung hindi mo agad ito aagapan, sorry to say Ms.A pero..."

"Anong pero dok?"

"The lifespan you will take is 3 to 5 months na lang Ms.A" malungkot na sambit ni dok.

Bigla akong natulala sa mga huling salita na binitawan ni dok. Nangibabaw yung lamig sa buong katawan ko kahit ang lakas ng aircon ni dok sa kwarto niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni dok, naglakad ako palabas ng hospital na parang ako lang ang tao. Yung pakiramdam na hindi ko maramdaman yung mga tao sa paligid. Blangko yung utak ko pero ang bigat ng dibdib ko. Walang luhang sumisilip sa mga mata ko ngunit parang sasabog anomang oras o minuto.

Sa mga nasabi ni dok, pinaniwalaan ko lahat yun pero hindi ko agad matatanggap sa sarili ko na halos limang buwan na lang pala ako hihinga sa mundo.

Patuloy akong naglalakad palabas ng hospital habang unti-unti nang pumasok sa isip ko ang mga dapat isipin.

"Ipagpapatuloy ko pa ba ang buhay ko?"
"Ipapa-gamot ko ba tong sakit ko?"
"O susulitin ko na lang ba ang mga natitirang araw ng buhay ko?"

Mga tanong na pumapasok sa isip ko ngunit hindi ko pa kayang mag-desisyon ngayon.

Bigla akong nahilo. Buti na lang may malapit na banyo bago makalabas ng hospital. Madali akong pumasok sa isang comfort room at sumuka. Nang aking makita, may kasama ng dugo. Sa mga puntong ito, dito na sumabog ang luha ko.

Talagang iyak!

Buti ako lang mag-isa sa banyo. Pagkatapos kong ilabas ang lahat ng luha ko at mag-drama sa banyo, lumabas na ako ng hospital.

"Thank you po Ms.A, ingat po sa pag-uwi." malambing na bati ni kuya SG ng hospital.

"Salamat" sabi ko.

Huminga ako ng malalim ng makalabas na ako. Naisip ko, kahit ganito ang nalaman ko sa araw na ito, tuloy ang buhay katulad ng araw na hindi nawawala ang liwanag.

Naga-abang ako ng taxi sa gilid ng daan ng biglang may humintong dilaw na van sa harap ko.

Hindi ko inasan ang mga sumunod na nangyari...



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TMKA - Days Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon