C H A P T E R 1

119 16 2
                                    

• C H A P T E R O N E •

          "Sabihin mo,ano ang iyong motibo upang patayin ang prinssesa?!" Tanong saakin ng prinsipe habang nakatayo sa aking harapan na may matang nag-aalab sa galit at nais rin akong patayin.

       Umiiling ako habang umiiyak,diko alam ang mga tinatanong at sinasabi nila,

      "Wala akong alam!Hindi ako ang pumatay sa prinssesa!" Sigaw ko habang unti unting humihina ang tibok ng aking puso.

     "Sya ang pumatay sa prinssesa!"    

"Nakakahiya sya!"

     "Walang galang ang babaeng yan!"

     "Yan ba ang itinatanghal na susunod na Sun Guardian?Hindi bagay....!" 

     "Nakakahiya sya sa mga ninuno ng mga Sun Guardian’s!"

      Yan,yan lang ang iilan sa mga sigawan ng mga kapwa ko estudyante na nakapalibot saakin. Wala akong naintindihan sa mga sinasabi at sinisigaw nila. 

    Hindi ako ang pumatay sa mahal na prinssesa! Bakit ayaw nila akong pakinggan?wala naman silang ebedensya na nagpapatunay na ako ang gumawa dba?

     Nakaupo lang ako sa aking selya sa loob ng aming silid at nagbabasa ng biglang kinaladkad ako ng mahal na prinsipe at dinala dito sa Training Gym na kung saan lahat ng estudyante ay nakapalibot na sa loob. 

    Natigil ang sigawan at tumahimik ang lahat ng pumasok ang hari at reyna sa loob.Tanging iyak lang ng mahal na reyna at ang mga yabag nito ang tangi mong maririnig sa buong gym at wala ng iba.       Napa-angat ako nang aking ulo ng makita ko ang mga paa ng reyna sa aking harapan ng bigla nya akong sinampal, napa "ohh" naman ang mga manunuod sa nangyari.

      "Ang kapal ng iyong pagmumukha upang kalabanin kami at pinatay mo ang aking anak!Ang dapat sayo ay ipatapon!" Umiiyak na sigaw ng reyna sa akin habang dinuduro pa ako, 

     "Ika’y aming ipapatapon sa ’Mundo ng mga Makakasala’ at hindi na muling makakabalik pa sa ating mundo!" Deklara ng hari na nagpalaki ng aking mata ng magprocess na sa utak ko ang mga sinasabi ng hari,  

    "Huwag po!Maawa po kayo!ayaw ko pong umalis sa ating mundo!" Umiiyak na pakiusap ko at lumuhod pa sa kanilang harapan. 

      "Bakit?naawa kaba nung pinatay mo ang aking anak?Dba Hindi?Hindi ka naawa kaya yan ang nararapat sayo!Ang matapon!At sa pag-alis mo sa ating mundo,hindi muna muling makikita ang araw na pinapangarap mong mahawakan!" 

      Sigaw nya na mas nagpalaki sa aking mata at mas lalong nag pa hina ng pag tibok ng aking puso.Sila’y tumalikod at umalis,umalis ng di man lang naririnig ang kwento ko,na Hindi man lang nakikinig sa paliwanag ko. 

      Kinaladkad ako ng mga royal guards palabas sa pangunguna ng mahal na prisipe,nais ko sanang manlaban pero nawala ang aking lakas ng makalabas kami ay mukha ng aking mga magulang at ng aking kakambal,nakaukit sa kanilang mga mukha ang salitang "disappointment".

       Tumingin ako sa aking kakambal na may nakakaawang tingin upang ako’y tulungan ngunit Hindi sya tumingin saakin,ng mapunta ako sa harapan ng aking ama’t ina ang guardian ng Sun and Moon ay super disappointed saakin.

     " I am terribly disappointed on you light,your such a disappointment of the family!" Malungkot at disappointed na saad in papa at umalis sa harapan ko, 

     "Good Thing you are already out of the family!You are worthless!!" Galit na saad ni mama at umalis kasunod nya ay ang aking kakambal na di mn lang ako tiningnan. 

    Kaya itinapon nila ako sa portal papunta sa mundo ng mga mortal na mabigat ang loob at sira na ang sarili.

 • E N D O F C H A P T E R 1  •

Under the Light [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon