(Please read this story,thanks!)
<First Encounter with the one of the jerks>
Kaori's POV
Natutulog ako ng mahimbing ng marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko.Mabilis ko'ng binuksan ang mata ko at tumayo.Naligo,nag-toothbrush at nagbihis ako.Nakasuot ako ngayon ng pang-jogging,balak ko magjogging ngayon eh(halata naman).Dumiretso na ako sa kusina namin at naghanda na ako ng almusal naming magkakapatid.Wala sina mama ngayon dahil pumunta sila kina Lola dahil namatay ang pinsan ni papa.
Pagkatapos ko'ng magluto at maghanda ng almusal,ginising ko na ang mga kapatid ko.
"Kuya,kakain na,gising na"paggising ko kay Kuya John.
"Maya nalang,antok pa ko"sabi nya ng naka-busangot.
"Tss,bahala ka! Dadating pa naman ngayon si Ate Kyla"pagkabanggit ko ng pangalan ng girlfriend nya ay agad napatayo si Kuya at dumiretso sa comfort room at naligo.Natawa naman ako at pumunta nalang ako sa isa ko pang kapatid,si Zarah.
"Zarah,gising na,handa na ang almusal"malumanay ko'ng sabi habang tinatapik sya ng dahan dahan.Binuksan naman nya ang mga mata nya at binati ako ng 'Good Morning ate' napangiti naman ako at binati ko din sya pabalik.
"Goodmorning din baby Zarah!"masaya ko'ng pagbati sakanya.
"Kain na tayo"pag-aaya ko sakanya,tumayo naman sya at naghugas ng mukha at bibig.
"Tara ate"sabi nya sabay hawak sa kamay ko,pumunta naman kami sa kusina.Naghugas na kami ng kamay at umupo.Bigla namang dumating si Kuya.
"Nahuli na ba ko?"tanong nya ng nakangiti.
"Sakto lang Kuya"pagsagot ko.
"Hi Kuya! Goodmorning!"masayang sabi ni Zarah kay Kuya.Napangiti naman ng mas malawak si Kuya at binitbit si Zarah.
"Goodmorning din bunso! Kain na tayo"sabi ni Kuya at ibinalik nya si Zarah sa upuan nito.Katulad ng sinabi ni Kuya,eh kumain na nga kami.
A*F*T*E*R *A* C*O*U*P*L*E O*F M*I*N*U*T*E*S
Natapos na kami mag-almusal at si Kuya na ang nagligpit at nag-hugas ng pinagkainan namin habang si Zarah naman ay pumunta na sa kwarto nya at naglaro.Oo nga pala,di pa ako nakakapagpakilala ng sarili ko sainyo.
Ako nga pala si Kaori Agapito Oinuma,tawagin nyo nalang akong Kaori.I'm 19 years old at half Pinoy,Half Japanese.First year college na ako sa kinukuha ko'ng kursong Bachelor of Science in Nursing.Dapat ay doctor ang kukunin ko pero hindi ko na tinuloy dahil sobrang mahal na ng babayaran,tipikal lamang ang buhay ko.Slight maganda,sexy,mabait,cute,may pagmaldita at may pagka-cool.Ilan lamang yan sa mga ugali ko,hahaha.
Nag-jo-jogging na nga pala ako ngayon,medyo pinagpapawisan na ko dahil narin siguro medyo matagal na akong paikot ikot dito sa subdivision namin.Habang nag-jo-jogging ako napayuko ako at bigla nalang ako may nabanggang lalaki.
*Boogssshhh*
"Sorry,pasensya na"paghingi ko ng tawad sa lalaking nabangga ko,hindi ko sya kilala.
"Ano ba!? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"galit nyang sabi.
"Sorry,pasensya ka na talaga,hindi ko sinasadya"sabi ko habang nakayuko.
"May magagawa ba yang sorry mo!? Tignan mo?! Natapon sakin yung milktea na dala dala ko!"inis nyang sabi ulit habang tinuturo ang t-shirt nyang basang basa.
Naiinis na ko sa lalaking toh ah,nag-sorry na nga,di pa tinanggap,di ko naman talaga sinasadya.Tsaka hindi lang ako may kasalanan noh! Bakit rin sya hindi tumitingin sa dinadaanan nya?! Tsk!
Napa smirk naman ako bago nagsalita
"Kasalanan ko ba'ng may dala kang milktea?"pang-asar ko'ng sabi sakanya,halata sa mukha nyang lalo pa syang nainis at nairita.Sige lang,haha."Aba aba,sumasagot ka pa!"sabi nya at balak pa sana akong sampalin pero naunahan ko na sya at hindi lang sampal sinuntok ko pa sya,ano satingin nya sakin?lampa?ha,in his worst dreams!
"Ka-lalaking tao mananampal ng babae,tsk tsk"sabi ko at nilampasan na sya,halata namang nagulat sya sa pangyayari,may narinig pa ko'ng nagsasalita bago tuluyang makalayo sakanya.
"Pre? Anong nangyari sayo?hahaha"
"Mukhang na nasampal ng babae"
"Hahahahaha"
"Bwahaha"
"Hindi lang yun para,nasuntok pa sya hahaha"
"Tss,Achilles,ano ba kasing ginawa sa babaeng yun?"
"Argh! Kaasar sya!"rinig ko'ng sabi nya,talagang kaylangan mo'ng maasar.You messed with the wrong girl,I'm not just that girl,I'm a young lady with fierce! Ha!
FASTFORWARD
Its already 9 in the evening,inaayos ko lang yung gamit ko para bukas sa school.Nandito na rin sina mama't papa pero babalik din sila dun sa province namin bukas ng umaga.Hays,I hope they're okay lang,I also hope na maging maganda ang araw ko bukas at walang nakakabadtrip na mangyari katulad kanina! Argh!
Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago nagbihis ng pajamas'.Kinuha ko muna ang cellphone ko at chineck ulitang oras.
[9:21PM]
Pagkatapos,inayos ko ang alarm clock ko at ipa-pa-alarm ko to' ng 5:00 in the morning.Humiga na ako sa blue ko'ng malambot na kama.Inisip ko kung wala na ba ko'ng ibang gagawin bago matulog,natapos ko na pala ang lahat...okay na.
Naisip ko yung lalaki kanina,hmm,ano kaya name nya?ilang taon na sya? Tsk! Bahala! dapat wala akong paki sakanya hays! Itulog na nga lang toh!
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Ps:Pasensya na short update lang toh hehehe.
Author:
Please do vote for this part
Comment what do you think about this part
Share this story to others!
Thank you ♡Follow me in my account:
Instagram-ashtanwarrior(make this part reach 8+ vote for the next update😊thanks!♥)
YOU ARE READING
The 6 Jerks are My Suitors(Kaori FanFic Story)
RomanceA FANMADE STORY FOR KAORI OINUMA Reminder: Some SCENES,PERSONS or the CHARACTERISTICS OF THE PERSONS are PURE OF FICTION.This story contains WRONG TYPOS