CHAPTER 2

3 1 0
                                    

Chapter 2: all about Amara

Amara's POV

We got dismissed na dahil lunch time na. Kasama ko si Thalia at naglalakad na kami papunta cafeteria.

Isang private University ang VU, kaya karamihan mayayaman ang nandito pero may scholarship sila para sa mga kapos na katulad ng nakikita ko ngayon na binubully ng mga estudyante.

Lalapit na sana ako sakanila ng bigla na lang ako pinigilan ni Thalia at kinaladkad ako papuntang cafeteria. She's stronger than I am kaya nakakaladkad niya agad ako. Wait may lakas ba ako wala ata eh. Any way I tried na makawala and nag reason out na ako para lang matulungan yung binubully pero ayaw niya talaga alam ko lang na concern siya sakin dahil nga alam niya ang kalagayan ko. Kalaunan hinyaan ko na siya dahil nakakapagod na.

Humanap kami ng mauupuan at nakita namin bakante ang isang table tabi ng bintana kaya doon na kami pumwesto.

"Ara next time never try to do that okay? I know naawa ka ako din pero alam mo naman kung anong pwedeng mangyari sayo and I can't let you. Please be selfish sometime." pagmamakaawa niya habang hawak hawak ang kamay ko.

"okay Thalia. I'll try." saka ako ngumit sa kanyan.

Lumiwanag naman ang mukha niya bago tumayo.

"alright I'll get our food kaya stay here huh? Behave ka lang dyan I'll be right back." tumango ako saka siya umalis at pumunta sa counter.

Alam niya naman kung ano lang ang kinakain ko dito kaya no need ng sabihan. Siya din lagi ang nakuha ng food ayaw niya raw akong pagudin napaka nanay niya talaga hahaha pero I'm so blessed kasi may taong concern sa kalagayan ko bukod kay Kuya Chris.

Inilibot ko ang paningin ko hoping na mahanap ko sila kuya at hindi naman ako nabigo i found them sa may sulok ng caf magkasama silang dalawa and of course kasama ang iba pang kaibigan nila. Nagkekwentuhan lang sila dito ko lang nakikita ang ngiti at naririnig ang tawa nila kuya kasi sa bahay kapag nakikita ko sila laging naka seryoso mode at minsan nmn laging wala sa bahay.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa mga taong nakapalibot sa kanila. Puro babae tapos nagkikislapan ang mga mata. Nakakainis! Akin lang sila kuya hmmmp!

"oh umayos ka bakit naka duck face ka dyan?" napatingin naman ako kay Thalia nakabalik na pala siya.

Inilapag niya naman ang mga dala niya. Bumili siya ng pasta with orange juice ako naman binilhan niya ako ng tuna salad with orange juice din at may pabaon pang milk.

" yan muna kainin mo walang gulay sila ngayon ehh buti may tuna salad. And yung milk bumili na ako just in case magutom ka mamaya." explain niya.

Bawal kasi sakin ang matatabang pagkain kaya puro gulay or masusustansyang pagkain ang binibigay niya sakin at laging may pa milk yan.

" ahh kaya pala naka duck face nakikita nanaman ang kuya niyang pinagpapantasyahan ng lahat. " sabay subo niya sa pagkain niya.

"eh kasi Thalia naman kung tignan nila sila kuya onti nalang kidnapin nila eh" pagmamaktol ko sabay subo ng salad. Hmmm.. Masarap siya actually.

"itigil mo na nga yan, wag ka magalala hindi nila kikidnappin yang dalawa. Titig palang niyan alam mo ng paglalamayan ka kinabukasan" yep ganun sila kuya namana nila kay daddy ang pagiging matapang at nakakatakot.

Nakakatakot sila pag galit lalo na si daddy kaya ayokong makita siya tuwing nasa bahay siya. Minsan nagkukulong ako sa kwarto kapag naman inabutan ako na nasa labas si Daddy naderetso ako sa kwarto ni Kuya Chris nasa bandang likod kasi ang tuluyan ng mga katiwala malaki din yung kwarto niya pero mas malaki yung akin. Pag andoon ako si kuya Chris naman nasa sofa lagi natutulog hihihihi..

Your king, My kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon