"Ui tama na. Kawawa na si Tine. Di man lang tinutulungan ni Mhernie" sabi ni Nina. Magsasalita sana ako para tanungin kung bat ako nadamay kaso biglang sumigaw si Tine.
"TIGIL NAAAA!" ngayon ko lang sya narinig sumigaw. (Ano ka ba Men. malamang ngayon lang. Ngayon lang kayo nagkita eh!) ay onga pala.. Biglang natahimik lahat..
"Matutulog nalang ako" sabi nya tapos sinandal nya yung ulo nya sa bintana. Lahat kami nakatingin lang sakanya. Nung pumikit sya, biglang tumulo luha nya. Ngayon ko lang din nakitang tumulo luha nya. Ako ba ang dahilan? Minsan, naiisip ko.. "BAKIT KO PA SYA HINAYAANG MAKAWALA?" nakakalungkot na makita syang lumuluha. Pero masaya ako kasi hindi sya nagbago. Saya parin si Tine. Yung Tine na nakilala ko
"Sabi sainyo eh." sabi nung Krista
"Mhernie kasi" sabi ni Jillian. Ngayon ko lang sila nakilala. kaibigan sila ni Tine.
"Ako?!?" inosenteng tanong ko. Ako nanaman?? :/
"Hindi. Hindi ikaw. Kami!" sarcastic na sabi ni Nina tapos bumulong "puta"
Talagang may galit yan sakin si Nina. Simula nung nagbreak kami ni Tine. Ewan ko ba dyan. Daig pa si Tine kung makareact. Eh si Tine nga d magawang magalit sakin eh.
:Ui, isandal mo yung ulo ni Tine sa balikat mo!" sabi ni Jillian. Hini naman sa ayaw ko talaga. peero andito si Megan. parang nakakaturn-off naman kung gagawin ko yun habang andito saya
'Wag na!" pagtutol ni Nina
"Boba! baka maaksidente pa yan. Dilikado kaya matulog sa bintana" sabi ni Jillian
"Magagalit lang si Tine" sabi ni Nina "Tsaka mukhang ayaw naman talaga ni Mhernie" dagdag pa nya. Hindi talaga sa ayaw ko.. syempre alam kong mahirap matulog ng ganyan sa isang sasakyan at dilikado din. kaso ayokong maturn-off sakin si Megan. Pero.. mahal ko pa ba si Tine?
- - - -
MEGAN'S POV
Kairita! Isama ba naman ako tapos biglang iiwan lang ako dito sa isang tabi -__________________- nyemas! Kanina pa sila. Puro nalang Tine, Tine, TINE! Punyemas talaga -,- Eto namang bruha na to, ang O.A. Ang arte-arte. Sobra. Napaka drama -___________________________- Akala mo kung sinong sikat. Pabida! badtrip talaga -,- Pero sorry nalang sya. AKO na ang GUSTO ni Mhernie. SHE'S NOTHING