"Ahmm.. Ma?" sabi ko kay mama habang nanunuod kami sa sala. Tinignan lang ako ni mama na nagsasabing "ano?"
"Pwede.. Pwede bang.. Pwede po ba kong sumama sa Get-Together ng mga kaibigan ko?"
"Kelan ba yon?"
"Next week po. sa resort ng kaibigan ko"
"Hanggang kelan?"
"Wala pa pong sinasabi"
"Saan ba yang resort?"
"Malapit po sa cavite.. kasi taga dun sila"
"HINDI PWEDE!" expected ko na yan :3 ganyan talaga si mama
"Ang layo.. Sa Cavite???" d pa ko nakakasagot, may sumunod nanaman
"Tapos hindi sigurado kung hanggang kelan?? Abnormal ba kayo??"
'Ma, ngayon nga lang po kami magkakasama-sama eh.. Please.. minsan lang naman po eh.. Ngayon lang.."
"Tantanan mo ko CJ ha! Hindi pwede." pag tinawag ako ni mama na "Cj" seryoso talaga. As in serious. Kaya nagsimula nang tumulo luha ko. Ano pa bang magagawa ko? Iyak nalang..
"Kahit umiyak ka pa ng dugo dyan, Hindi pwede" pagmamatigas ni mama
"Tita kasama po ako!" napatingin ako sa may pinto nang marinig ko yung boses ni Krysta kasama si Kyle
"Ako rin po!" dagdag ni Kyle
"Andyan pala kayo" sabi ni Mama
"Tita payagan nyo na po si Tine. Kasama naman po kami eh" pagpupumilit ni Krysta
"Truelalu. D namin papabayaan si Tine" dagdag ni Kyle
'Hmm.. mahirap kasi yan eh. Matagal kayong mawawala tapos malayo pa" sabi ni Mama
"Kasama naman po nila ako Tita" nagulat kami nang marinig namin boses ni James.
"Oh, James! So.. magkakasama kayo?" sabi ni Mama
"Opo" sabay-sabay nilang sabi. D muna umimik si Mama pero maya-maya,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sige" pagpayag ni Mama. Npayakap si Krysta kay James pati si Kyle nakiyakap din. Ako naman, agad kong yinakap si Mama nang mahigpit sa sobrang tuwa. Nung bandang gumagabi na nag Gm na ko:
Hi Guys! =) Sasama po ako. Kasama ko mga kaibigan ko. Sila James, Krysta at Kyle. Magkarelasyon po sila James at Krysta. Si Kyle naman ang bakla kong kaibigan. Mga mababait yan. Kung di dahil sakanila malamang di nyo ko makikita. Haha. Btw, Nina at Jillian.. sasama ba kayo?
Maya-maya may nagtext.. I mean may MGA nagtext
From: NINA
Kasama ako :)
From: JILLIAN
Yup. Kasama ako :) see yah! ;)
From: MAMU MARIELL
Yes naman! Oki apo :* See you!
FROM: MHERNIE (YO) <3
Gandang gabi po! Kasama po ako. Kasama ko po sila Ryan at Hazel. Mga kaibigan ko. Magjoa sila :D Baka isama ko rin guys si Megan. Megan dela Cruz. Liniligawan ko :) kita-kita nalang tayo sa mga makakasama :D
Wait.. Ano daw?
...LINILIGAWAN?!?!
So.. ganun nalang?.. Wala na ko sakanya? Wala na talaga kaming pag-asa? D na niya ko mahal? Grabe lang.. Awts </3 :( :'( Eto nanaman tong mga luha ko...