CHAPTER 55 : STEP FOUR

85.6K 2K 221
                                    

RHEA POV

"Rheaaa! Ikaw na!" Halos maubo ako sa higpit ng yakap sa akin ni Shai at pakiramdam ko nga ay mapupugto ang hininga ko. Tumatalon-talon pa siyang parang batang nilibre sa Jollibee. Ngumiti ako ng alanganin. Hindi naman ako makatalon dahil baka matapilok ako. Hello? Ang taas kaya ng takong nitong pumps ko.

Pinakawalan niya ako ngunit pinasadahan niya na naman ako ng mapanuring. Mula pa kanina ay ganyan na ang ginagawa niya.

Naka-faded blue button-down ako at tinernuhan ko ng floral overalls na baby blue naman. Medyo naiiklian nga ako sa overalls dahil short yun pero 'yon lang kasi yung hindi skirt at dress. Lol. Wala talagang pants sa pinagpilian kong set ng damit na si Miss Elina ang nag-style.

Na-concious ako ng sobra sa tingin ni Shai tapos kakaiba pa yung ngiti niya. Err. Tumikhim ako at pasimpleng humawak sa sa buhok kong tinirintas ko ang magkabilang gilid at tinali 'yon sa likod. The rest, nakalugay na. Sinuot ko yung flower crown na binigay ni Coby. Kumalansing ang suot kong bangles na gray. Ang bigat na nga sa kamay, ang ingay pa. Mamaya ko na lang tatanggalin. Huhubarin ko pa 'tong mga damit mamaya.

Natigilan ako nang pumalakpak si Shai. Umiiling-iling pa siya. "Everything is perfect! Mula make-up hanggang sa pagdadamit. Marunong ka na talaga mag-ayos! Finally!" Niyakap niya ulit ako. Pang-ilan niya na 'to? Napabuntong hininga ako patapos ay napangiti. Hindi ko na siguro kailangang kwestyunin pa ang kasiyahan ni Shai. We work hard for this. Lalo na siya. Hindi lang ako ang naisailalim niya sa test na 'to. Kung tutuusin ay napasubo rin siya. Na-test ang patience niya sa akin. Idagdag pa na hindi ako madaling maturuan.

"Thank you, Shai. Don't worry, mag-sha-shopping tayo bukas. Sagot ko naman."

"Really?" Nanlaki ang mata niya. "Ikaw ba talaga 'yan? Wow! Ikaw na ngayon ang nag-aaya sa akin mag-shopping!"

Namula ako sa kahihiyan. Talagang kailangan niyang sabihin 'yon? Talaga naman, Shai. Pinapahiya pa ako sa aking sarili. Sa iyon lang ang naisip kong paraan para makabawi naman ako sa kanya.

"Hay, na-impress talaga ako sayo ngayon. Alam mo ba nung rumarampa ka, naku-curious ang tao sayo. Fierce kung fierce, huh? Parang hindi ka naman gano'n sa mga practice natin. Tapos agaw-pansin ka kasi ikaw lang ang nag-light make-up. Tapos pamatay pa legs mo. Haayy, baka paglabas mo ng dressing room na 'to, dumugin ka ng offers." May pagka-OA na sa pag-i-imagine si Shai. Napailing na lang ako dahil alam kong hindi iyon mangyayari. Napatingin ako sa make-up ko. Light lang 'yon. Ayokong mapasobra. Hindi pa naman ako marunong tumantsa. Hindi pa rin ako sanay sa fake eyelashes. Bigat sa mata. Infairness, hindi ako nangiyak nang maglagay ako no'n. Pati nung eyeliner. Hihi.

"Uhm, magbibihis na ako."

"Mamaya na!" Saway ni Shai.

"Eh, bakit? Tapos naman na ang show."

"Basta mamaya na." Kumindat siya sa akin. Ayan na naman ang pakindat-kindat niya. "Pag nagkaharap na kayo ni Delgado. I'm sure nakapag-decide na 'yon."

"Tingin mo pasado ako sa step na 'to?"

Umirap si Shai. "Pag hindi ka nakapasa, kakalimutan kong pinsan ko si Harris."

May kumatok sa pinto. Kasabay ng paglingon namin ni Shai ay ang pagbukas no'n. Sumilip si Artemis. Narinig ko pang may nagsalita sa labas. "Dito ba?"

Nang makita ako ni Artemis ay napatili siya. Sinugod niya ako ng yakap. For some reason, naisip ko na may pagkakatulad talaga siya kay Shai.

p

"OMG! You're so beautiful, Rhea! You were the highlight of the show. Alam mo bang gulat na gulat ako nung nakita kitang rumampa? Kanina ka pa namin hinahanap ng kapatid ko sa audience because Coby told me you'll come. Nawalan na nga kami ng pag-asa na pupunta ka pa. You didn't tell me na model ka pala!"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon