Chapter 3 : Loveteam

427 13 4
                                    

11:00am na. Malapit nang mag ere ang kauna-unahang Episode ng It's Showtime. Naghihintay ako ngayon sakin Dressing Room. Nang biglang may kumatok.

*Tok! Tok! Tok!*

"Pasok!"

Dambo : "Sir. pinapatawag po kayo ni Direk Bobet. Sa Dressing Room daw ni Anne."

"Dressing Room ni Anne? Anne Curtis?" (nagulat)

Dambo : "Opo. Bakit may problema po ba?"

"Wala naman Dambo. Sige pupunta na lang ako. Salamat."

Dambo : "Osge po. Thank you po."

Hala. Dressing Room ni Anne Curtis yun. Magkikita na naman kami. For the Third Time. Pero bakit dun? Bakit sa Dressing Room niya? Di kaya katrabaho ko siya? Yoowwnn. Sana. Sana. Sana! Ms. Anne Curtis-Smith Navarro. Kegandang pangalan at Apilido. Tumingin ako sa salamin. Inayos ko ang buong katawan ko. Simula ulo hanggang paa. Nagpabango. Halos ipampaligo ko na yata yung pabango ko e.

"Hey. Mr. Suave! Umayos ka kapag nakita mo na ulit siya ah." (habang kausap ang sarili sa salamin)

Paglabas ko ng DR ko. Nakita ko si Kuys Billy na naglalakad.

"Kuys?"

Billy : "Oh Kuys. Papunta ka na din ba?"

"Oo Kuys. Sabay na tayo?"

Billy : "Tara. Mukhang iba ngiti mo ngayon ah?"

"Ha? Iba ba?"

Billy : "Oo. Sino may kagagawan niyan?"

"Ha? Malamang labi ko. De. Wala. Wala 'to Kuys! Ano ka ba?"

Billy : "Sus. Ikaw ah. Palusot pa more. Bawal Palusot, Nakamamatay! Alam ko na. Naikwento na sakin ng PA ni Anne."

Alam ko na agad ang gusto niyang iparating. Na may gusto ako kay Anne. Itong si Billy e. Chismoso! Ilang oras pa lang nakakalipas alam agad ang nangyari. Hay nako Billy.

"Ikaw kapag sinumbong kita kay Coleen. Humanda ka!"

Billy : "Ikaw naman para kang ano Kuys. Wag naman ganyanan. Ako bahala sayo!"

"Oo na. Tara na! At baka nandun na sina Direk."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon