Sa silid-aralan naghihintay ang mga estudyante sa kanilang guro. Halos na iinis na sila sa kahihintay sa kanilang guro. Sophia, " Ang tagal naman ng guro natin. Saan na ba siya inilagay sa lupalop ng mundo?". Sumagot naman si Honney, " Baka naligaw siya". Tumawa sila Honnney at Sophia. Lumipas ang ilang minuto, pumasok ang guro sa sild-aralan,"Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Maam Vilma, ang isa sa pinkamagandang guro niyo. Handa na ba kayo sa unang proyekto niyo?". Binulungan ni Sophia si Honney, "Grabe naman siya. Unang pasok palang at ganyan na si Maam. Maam Vilma: "Ito ay ang pagsulat tungkol sa pag-ibig at gusto kong taos pusong isulat ninyo ito. Sa katapusan ng linggo, ilalahad ninyo ang iyong nasulat dito hanap ng klase. At dito lang muna tayo kasi ako'y may asikasuhin pa. Nakaupo lang ang mga estudyate na sumasang-ayon sa sabi ni maam at sabay na sabi, "Sige po maam!" .
Sa bahay ni Honney, nakaupo at tinanong niya ang kanyang ina, "Inay, ano ba ang pag-ibig para sa inyo? May proyekto po kasi ako tungkol diyan." Nakatingin kay Honney ang kanyang ina at sumagot, "Ang pag-ibig ay tulad ng pag-ibig ko sa iyong ana na kahit lumabo man ang mga mata ko, mananatili pa ring malinaw ang pagtingin ko sa ama mo. Ang mapapayo ko lang sayo na isulat mo lang kung ano man ang nasa puso't isipan mo.","Sige po, ina" sabi ni Honney. Sa kwarto ni Honney iniisip padin niya kung ano ang kanyang isulat. Pagkalipas ng ilang minuto, nakasulat na siya at nakatulog.
Sa silid-aralan nakatingin si Maam Vilma kay Honney, "Katapusan ng linggo at oras na para ilahad ninyo ang inyong mga nasulat. Ang unang sasalang ay si Honney. Pumunta kana dito sa harap at ilahad mo ang isinulat mo. Nakatayo si Honney sa harap ng klase, "Ang pag-ibig kung misan ay mahirap maintindihan. Gagamitin ang puso mo, paiibigin ka. Kapag nahulig ka na ng sobra-sobra, saka ka naman pahihirapan. Bakit ganun, bakit nagagawa nitong paglaruan ang puso mo? Nagmamahal ka naman ng totoo. Bakit kung kailan naging makulay na ang mundo mo at naging matamis na ang dating matabang na buhay mo, saka naman darating ang panahon na masaktan ka ng todo? Ganito ba talaga ang tadhana, sadyang mapagbiro?"
*Flashback*
Sa silid-aklatan, nakatingin si Jacob kay Honney na may ngiti at sinabi, "Hi kaklase, Honney 'yung pangalan mo diba?","Oo, bakit mo alam?" sagot at sabay na tanong ni Honney. Sinagot din naman ni Jacob yung tanong ni Honney at nagpakilala," Kaklase kasi tayo sa English. Ako nga pala si Jacob."," Ganun ba. Ikaw pala yung nasa may harap umopo. Gilid mo lang kase ng mukha mo ang lage ko nakikita." sinabi ni Honney at sinabi din ni Jacob,"Sa wakas, nakita mo na yong gwapo kong mukha. Oras na pala sa klase sa English. Tayo na sa silid-aralan." Sabay silang dalawa naglalakad patungo sa kanilang silid-aralan. Sa labas ng silid-aralan, binulungan ni Sophia si Honney, "Sino naman 'yang lalaking kasama mo?" at pinakilala naman ni Honney si Jacob,"Sophia, si Jacob pala at Jacob, ito naman si Sophia yung kababata ko.", "Ganun ba. Pasok na tayo." wika ni Jacob.
Sa loob ng silid-aralan, nakatingin ang mga estudyante sa kanilang guro. Sabi ni Maam Leah, "Ito na ang resulta sa iyong padsusulit at ang nakakuha ng mataas ay si Jacob." Nag-usap sina Honney at Sophia. Honney: "Grabe, ang galing talaga ni Jacob. Siya pa lang yong laging mataas ang puntos. Gwapo na nga, matalino pa." , "May gusto kana sa kanya no? Aminin mo na kasi!" sabi ni Sophia. "Parang ganun na nga. Eh pa'no sobrang talino niya." sagot ni Honney. Pagkalipas ng ilang minuto, tumingin si Sophia kay Honney at kang Chloe. Honney: "Sophia, nadito ka lang pala." , Sophia: " Dito ka nalang umupo sa tabi niya." , Honey: "Doon nalang ako sa gilid. Proyekto mo bayan?" , Chloe: "Sa akin yan ang ginawa niya. Ako pala si Chloe kababata ni Jacob. Ang ganda mo pala. Hindi ko masisisi si Jacob kung bakit natulala siya "pag nandyan kana.".
Tatlong minuto ang nakalipas. Nakatingin kay Honney sila Sophia at Jacob. Jacob: "Aalis na kami. Aalis na ako Honney." , Sophia: Jacob sabihin mo na lang kay Honney yong nararamdaman mo. Hindi kasi ito madaling maniwala." , Jacob: "Nasa kaniya na yun kung maniwala siya." , Honney: " Ano ba ang ibig sabihin. iya?" , Sophia: "May gusto kasi siya sayo. Torpe lang yung tao na yun." , Honney: "Ganun ba? Ang hirap maging babae kung torpe yung lalaki kahit may gusto ka di mo masabi."
YOU ARE READING
MJCube's Short Stories
PovídkyDifferent Short Stories from English , Filipino and selected translated languages.